Dedicated to:
AilvanMarkLacson2
Shout po sa inyo!
:)
Serenity's POV
Wala na si Lyka.
Sa madaling salita ay patay na siya. Iyan ang una kong nabalitaan pag gising ko simula ng mawalan ako ng malay dahil sa kagagawan niya.
Huli na pala ako. Napatay na siya ni Ate. Malakas ang loob ko na kaya ganoon ka brutal ang pagkamatay ni Lyka ay dahil sa pagtatangka niya sa akin. Noong araw na muntik na nya kong mapatay ay araw kung kailan walang awa siyang pinahirapan at hinila sa kamatayan ng Ate ko.
Nandito lang ako sa kwarto ko. Paulit ulit na pinapanood ang ginawang video ni Ate para sa birthday ko. Kahit ilang beses kong panoorin ito ay hindi ako magsasawa.
Nanlalata pa ang katawan ko. Kakagising ko lang mula sa pagkatulog ng mga ilang araw. Hindi na ko naka pag imbestiga pa sa nangyari kay Lyka na syang sobrang kinahiyangan ko.
Nakakainis.
Hinimas ko ang balikat kong may sugat. Nabenda iyon, kahit matagal na ang sugat na iyon ay mahapdi pa rin sa pakiramdam. Ganoon din ang ulo kong tinahi uli dahil muling bumuka ang sugat na naroon. Buti na nga lang hindi ako nakalbo.
Hindi alam nila mama ang nangyari sa akin. Pinakiusapan ko kasi sila manang at Suzy na wag ng ipaalam pa dahil siguradong sobra silang mag aalala at ililipat ako ng tuluyan sa ibang school. Mas magkakagulo ang lahat.
Bigla kong naalala.
Kaunti na lang ang papatayin pa ni Ate. Malapit na magtapos ang laro namin. At siguradong sa bandang huli ay may hindi ako aasahang mangyari.
Alan ko iyon....
Ramdam ko.....
Tumingin ako sa orasan ko dito sa kwarto. Ala singko na pala. Hindi naman halos ako nakatulog dahil hindi ako dinalaw ng antok. At ang isang dahilan kung bakit hindi ako madalaw dalaw ng antok ay dahil sa kabang kanina pa nag paparamdam sa akin.
Hindi ko maintindihan kung bakit nag kakaganito ang pagkiramdam ko. Parang may hindi magandang mangyayari.......
Parang may hindi magandang magaganap sa gaganapin naming school camp namin ngayon....
Ayaw ko ng ganito, bwisit.
------------------
"Ayos na ba lahat ng gamit mo ija?"
Tanong sa akin ni Manang. Isinasara ko na ang back pack ko ng sabihin niya iyan. Humarap ako kay manang at ngumiti.
"Opo. Aalis na po ako maya maya na lang"
Magalang kong sagot dito. Nandito kami sa sala at tinutulungan akong mag impake ni Manang para sa dadalhin kong bag sa school camp. Tatlong araw iyon kaya marami rami ang dala kong gamit. Sa totoo lang ay wala akong interes sa mga ganitong klase ng mga gawain sa school. Kaya lang naman ako pupunta dahil sa nararamdaman kong matinding kaba na noon ko pa nararamdaman mula ng inanunsyo ang tungkol dito. Basta, aalamin at haharapin ko na lang ang ano mang mangyayari.
"Eh ikaw ija, ayos na ba ang pakiramdam mo? Huwag ka na lang kaya tumuloy? Baka kung mapano ka. Ninenerbyos ako sa iyo ija."
Nag aalalang sabi ni Manang. Napangiti ako sa kanya. Walang mangyayaring masama sa akin, isa pa ay mas ayos na ang pakiramdam ko kaysa kanina.
BINABASA MO ANG
Ate(Completed)
HorrorHindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad niya....... Akala naming lahat ay wala na siya, akala namin ay nakatakas na ang may sala. Pero isa...