Chapter28: School Camp

5.7K 172 17
                                    






Dedicated to :

LuiAlvarez9

:)











Serenity's POV

"So guys, tuloy pa rin ang school camp dahil nga isa ito sa mga activity ng school. Ito rin ang lumabas sa survey na binigay namin sa inyo yesterday. Mauurong lang ito. Siguro mga next next week pa."

Narinig kong balita ng adviser namin. Nagtatakang napatingin ako sa harap kung nasaan naroon si Maam espiritu.

Survey? Wala akong balita tungkol doon.

Teka..... Hindi ba nila naisip na nasa panganib ang buhay nila kung sasama sila doon? Nakalimutan na ba nila na may pumapatay sa school? Mga nahihibang na nga siguro sila. Imbis na kaligtasan ang isipin nila, luho nila ang pinairal, tsk.



Nag kaingay sa buong room dahil sa tuwa sa binalita ng Adviser namin. Lahat sila ay sang ayon. Ako lang ang hindi.

Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari patungkol doon? Napaparanoid lang ba ako? Simula ng ibalita sa amin ni maam ang tungkol sa school camp, may iba na akong naramdaman.


Sana mali iyon......


"Uuuy, masyado ka atang seryoso, Serenity? "

Napatingin ako sa likuran ng upuan ko kung nasaan nadoon si Suzy. Hindi naman dito ang pwesto nya.

"Napunta ka sa likuran ko? "

Bati ko sa kanya.

"Trip ko lang lumipat hehehe. Isa pa, ayaw ko sa pwesto ko, wala akong maka usap. "

Sagot nito sa akin. Matagal na siya dito pero wala pa siyang kaibigan?

"Alam mo na ba yung balita? "

Pag iiba nito sa usapan. Hindi na malabong malaman ko agad ang balitang iyon dahil sa mga estudyante dito na mabilis makakalap ng mga balita. Hindi ko naman sila pinapakinggan pero sadyang paulit ulit lang halos ang pinag uusapan nila kaya tumatatak na rin sa isip ko.

"Na patay na si Gabbie? Na
binaril siya ng kapatid niya? Na sinet up sila? Mabilis kumalat ang balita Suzy."

Pangunguna ko sa kanya. Kaya kaninang pag pasok ko ay mainit na naman ang mga mata nila sa akin. Tingin ng pangbabatikos, takot, at galit. Sa madaling salita. Mga tinging nakakamatay. Wala naman akong magagawa kung di sanayin ko na lang ang sarili ko sa mga ganoong bagay. Pero mahirap pa rin na hinuhusgahan ka.

"Kawawa naman si Gabbie at Grace."
Komento ni Suzy, makikita mo talaga sa mga mata niya ang awa.

Masama na kung masama, pero inaamin kong may parte sa akin na natuwa dahil nawala si Gabbie. Oo, ubod ng sama ng ganoong klase ng bagay. Dahil iyon sa poot ko sa kanya at sa grupo niya. Sila ang nag simula ng lahat, sila ang may pakana nito. Ginalit nila ang Ate ko kaya ito ang naging kayabaran sa mga ginawa nila.

Sa kabilang bahagi naman ay mayroon pa ring porsyento sa akin ang awa sa sinapit niya at ng kapatid niya.

"May i excuse Miss Serenity Dizon for some business."

Napatingin kami ni Suzy sa may pintuan dahil sa biglang pag salita ng isang bisita.

Kunot noo ko siyang tinignan.











Ano na naman ba ang kailangan sa akin ni Detective Santos?

































Ate(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon