Kabanata 1

1.3K 22 2
                                    

Kabanata 1

Bisita





“Sir may naghahanap po sa inyo sa labas.” napatigil ako sa paggigitara ng marinig ang isa sa mga kasambahay namin dito sa mansion. Inilapag ko ang gitara ko at tinungo ang pintuan.

“Ano raw ang pangalan manang?” tanong ko kay manang ros.

“Hindi naman po sinabi ang pangalan sir.” sagot nito sa akin.

“Sige pakisabi antayin nalang ako sa sala. Papasukin mo siya” utos ko.

“Opo sir.” at saka tumalima na si manang upang pagbuksan ng pinto at papasukin sa sala ang kung sino mang naghahanap sakin.

Ako lang at ang iba pang mga maids ang nandito sa mansion. Nasa states kasi sila mom and dad. Inaayos ang problema sa company nila. Simula kasi nang binigay na ito ni lolo JM kay dad ay hindi niya binigo si lolo.

Mas pinalawak pa niya ang kompanya. At no’ng nakaraang linggo lang ay umalis sila kasama ai mommy na ngayon ay Isang sikat na fashion Designer na rin sa states.

How I wish na andito na sila kaagad especially my Mom. Napakabait niya at talagang maalaga. Hindi kagaya ni daddy na minsan na lang kung umuwi dahil sa pagiging busy niya sa kompanya.

Iniligpit ko ang gitara ko at saka nag-ayos ng kaunti at bumaba para tignan ko sino nga ba ang naghahanap sa akin. Nang malapit na akong makababa mula sa hagdanan ay nakita ko na kung sino ang naghahanap sa akin.

Kumunot ang noo ko ng makitang babae ito but I can’t see her face because I am now facing her back. Naka three-forth itong damit at mahabang palda. Naging maasim ang ekspresiyon ko nang makita ang suot niya. Abala ito sa pagtingin sa mga pictures na nakalagay sa may gilid ng sofa kahit na noong tuluyan na akong nakababa.

“Ehem” I fake a cough. Para sana sorpresahin ang kung sinong babaeng nasa harapan ko ngayon. Ngunit nanlaki ang mata ko at ako pa ang nagulat nang makita kung sinoiyon. Ito iyong babaeng laging nagcha-chat sa akin! She even posting nonsense on my facebook wall!

And she’s the girl that’s always have the guts to follow me! Sa lahat ng mga fans ko siya lang ang may lakas ng loob na kausapin at lapitan ako even though ang dami nang nakatingin sa aming ibang estudyante.

She smiled sweetly at me. At natigilan ako roon. What’s with her smile? Why is it that every time I see her smile, my body always becomes a rock? Lalo akong natitigilan sa tuwing ngingiti ang babaeng ito.

“What are you doing here?” tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot kundi mas lalo lang ngumiti ng malaki sa akin.

“Please, stop smiling like an idiot!” I said to her in an irritated tone. Her smile vanished pero pinalitan naman niya ito agad when she pouted her lips.

Mas lalo akong natigilan dahil sa ginawa  niya. Why is it that I found her cute while pouting her lips? Iniwaksi ko ang nasa isip ko at nagsalitang muli.

“You’re not answering me.” mariin kong sabi sa kaniya. Nakita kong bumuka ang kaniyang manipis na labi at magsasalita na sana ng biglang nagsalita si manang ros na nasa tabi ko na pala.

“Sir, maghahanda ba ako ng meryenda niyo?” tanong ni manang. Hinarap ko si manang at nagsalita.

“Ah, no manang wag ka nang mag-abala aalis narin naman ito ditto.” saad ko kay manang. Tumango si manang at tatalikod na sana nang may narinig akong nagsalita sa may gilid ko.

“Sige po! Pakitimpla po ako ng juice kung pwede at saka tinapay. Salamat po!” Nanlaki ang mata ko at lumingon sa babae. Bumalik nanaman ang ngiti niyahabang nakatingin sa akin. I suddenly felt an electric feeling in my body because of her smiles.

Nakabalik ako sa huwisyo ng magsalita si manang Ros. Napatiim- bagang dahil sa narinig! Anong karapatan niyang utusan si manang na parang parte siya ng bahay na ito?! Seriously?!

“S-sige po mam, Sir maiwan ko na po kayo.” paalam ni manang. Napahawak ako sa aking bewang at muling hinarap ang babae.

“Seriously? Who gave you the permission to talk and give command to Manang?” naiinis kong tanong sa kaniya.

She just shrugged her shoulders and timidly sat on the sofa that’s just behind her back.

“Alright tell me, what do you really want?” sabi ko habang pinipigilan ang inis.

“Ikaw.” my mouth dropped when I heard what she said.

“What?! You know, you’re crazy!” I told her. But she just smiled again to me.

“You didn’t answer my question earlier and now you said that you want me?” tumango siya nang nakangiti parin.

“Fck this.” I muttered to my self.

Hindi nagtagal ay bumalik si manang ros dala-dala ang meryenda at inilapag sa may lamesa na nasa harapan naming dalawa. Ngumiti lang sa akin ng makahulugan si manang at saka umalis ulit.

Hindi muna ako nagsalita at hinayaan kong busugin ang aking mata ng kaniya napaka inosenteng mukha.

Makinis ang mukha niya at maputi; pantay lang sa kabuuan niya. Perpektong-perpekto ang hugis ng kaniyang kilay.

Malalim ang kaniyang mga mata na para bang kahit wala siyang ginagawa ay nakaka-akit tumingin. Matangos ang kaniyang ilong at manipis naman ang kaniyang labi.

Nakita kong napalunok siya nang makita ang juice na nasa lamesa. Nahawa rin yata ako dahil pati ako ay napalunok habang nakatingin sa kaniya. Kinuha niya ang juice at diretsong ininom iyon. Napanganga ako ng makitang dire-diretso niyang ininom ang juice at tuluyan itong inubos.

Napangiwi ako ng marinig kong dumighay siya pagkatapos.

Maganda sana kaso baduy manamit at parang asal-kalye ang ugali!

I thought she’s already done but I’m wrong when she get the bread and hurriedly eat it.  Oh God saan kaya ito nakatira? She’s like one of those girls that I always see on the streets. Did she even have a family? 

I suddenly felt pity for this woman in front of me. Kaya ba siya pumunta rito para manghingi ng tulong? Ng pagkain? Or money? I guess…

I ‘tsked’ on my mind when I thought that she only wants money from me. Kahit kalian talaga pare-pareho lang ang mga mahihirap na katulad niya. I stand and get my wallet from my pants. Naglabas ako ng 5,000 pesos at hinagis iyon sa kaniyang harapan.

Natigilan siya ng akmang kakainin na sana niya ang huling tinapay. Napatingin siya sa pera na nasa hita niya at tumingin sa akin na makahulugan. I smirked at her.

“Iyan naman ang habol mo dito right? So I think you should go now and leave this mansion as soon as possible.” I said thru gritted teeth.

“Once na makabalik ako sa kwarto at makita kong andyan ka pa, you’re fckng dead.” Banta ko.

Nakita kong namutla siya at halatang natakot sa sinabi ko. Napangiti ako ng palihim. At saka dumiretso na sa may hagdanan at hindi na siya muling nilingon pa. I’m fckng sure naman na aalis na siya dahil nakuha na niya ang gusto niya.

Napailing ako sa naisip.

I locked my door when reached my room. Pumunta ako sa may bintana at hinawi ng kaunti ang kurtina na siyang tumatakip roon. Inabangan ko ang babae kung nakaalis na sa sala at kung dadaan man siya sa kalsada ay kitang-kita ko dahil nasa ikalawang palapag ako ng mansion.

Napangiti ako ng ilang minuto ang lumipas at nakita ko ang babae na naglalakad sa may gilid. Nakayuko ito at mabagal ang paglakad.

“She’s crazy.”

Hinintay kong tuluyan siyang mawala sa paningin at bago mangyari iyon ay doon naman biglang bumuhos ang malakas na ulan.

“Fuck!”

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon