Kabanata 41
Offer
“Hindi mo pwedeng gawin ito sa akin Curwen!” nanggagalaiti kong sigaw. Anong karapatan niyang gawin iyon nang wala ang permiso ko? kahit kailan ay magaling siyang magpaikot!
Kaya ang daming babaeng nabaliw dahil sa kaniya! pero hindi ako kasama doon! Kahit kailan ay hindi ako magiging katulad nila.
“It’s done actually, your things along with you brother are already on their way here,” aniya. Hindi natatanggal ang nakakalokong ngisi sa labi niya.
Then realization hit me.
“Don’t say that you have been following me for years?!” gusto ko nang magwala ngayon sa harapan niya pero nanatili ang kalmado ngunit nag-aapoy na pakiramdam ko.
Akala ko ay magiging tahimik na ang buhay ko, akala ko magiging maayos na ang lahat at hindi na niya ako gagambalahin pa dahil nasa kaniya naman ang anak niya!
“Why? Is there a problem?” napasinghap ako sa sagot niya.
Kaya pala, kaya pala sa tuwing umuuwi ako dati galing sa eskwelahan ay parang may nagmamasid sa akin sa paligid, kaya hindi ko maiwasang hindi matakot lalo na kung ginagabi ako sa classroom.
Mabuti na lang at may mga gwardiya na lumilibot kapag sumasapit ang alas sais ng hapon.
“What really is your problem Curwen? Nasa ‘yo na ang anak mo, Wala kang makukuha sa akin, at kahit kailan hindi ako papayag na tumira sa iisang bubong kasama ka!” mabilis na nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha.
Hindi ko iyon kasalanan, alam ko masakit ang sinabi ko pero iyon ang gusto niyang marinig mula sa akin.
Ang nakakaloko niyang ngisi ay nawala. Ang buong mukha niya ay naging seryoso.
“You despised me that much huh?” hindi ko alam kung anong gumapang sa dibdib ko. Hindi iyon kaba at hindi rin iyon takot. Nanikip ito kaya palahim kong hinawakan ang dibdib.
Mariin ko siyang tinignan.
“Isn’t it obvious? You take advantage on me while I’m drunk that night!” umawang ang labi niya at kumunot ang kaniyang noo. Bumaba ang tingin ko sa kamao niyang nakayukom.
Ramdam ko ang panggigigil niya habang nakaharap sa akin. Bakit hindi niya ako saktan? Bakit hindi niya paalisin sa kabila ng mga sinabi ko sa kaniya?
“I’m doing this because of Philo,” saad niya sa mahinahong boses.
“Tsk, you did it. Don’t blame me. It’s your fault,” sabi ko sa malamig na boses. Nanlumo ang itsura niya nang marinig iyon.
Wala akong pakialam sa nararamdaman niya ngayon. Gusto ko nang umalis, dahil pwede ko namang ipasa kay Lorraine ang schedule ko sa bata.
“Yzabel, please,” pagmamakaawa niya.
I arched my eyebrows upon hearing him begged. Hindi ko alam kung ilang beses na siyang nagmakaawa sa akin.
Bakit ba hindi na lang siya makuntento?
“Marami ka namang babae ‘di ba? Bakit hindi na lang sila ang bayaran mo para maging ina ng bata?” tanong ko.
“I won’t do that Yzabel. You are the mother. Philo needs you,” he said. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko ngayon o sadyang nakikita kong may namumuong luha sa magkabilang gilid ng kaniyang mga mata.
Bahagya iyong namumula ngunit hindi pa rin binibitaw ang titig sa akin.
Paano niya ako nagagawang titigan ng matagal sa kabila ng ginawa niya? hindi ba siya nahihiya sa sarili niya ngayon?
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...