Kabanata 36

423 4 0
                                    

Kabanata 36

Get In





“Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa akin kung anong pinag-usapan niyo ng Mommy mo?” naiinis kong tanong sa kay Lazarus ilang araw matapo ko silang makilala.

Nasa isang bench kami malapit sa building ng next subject namin. Bakante namin kanina dahil hindi nanaman pumasok ang professor kaya dito namin napag-isipang tumambay saglit.

Wala si Lorraine at sina Clint, may sinadya sila sa Admin Office para sa COG nila kaya kaming dalawa lang ni Lazarus ang naiwan.

“Don’t mind it Babe. Hindi naman gano’n ka halaga iyon.” aniya. Tinanggal ko ang tingin sa kaniya at nilipat sa mga estudyanteng naglalakad sa harapan.

“Ayaw sa akin ng parents mo dahil education student ako? o ayaw nila sa akin dahil wala kang mapapala? O baka naman pareho ang dahilan?” pumiyok ako sa huling salita. Hindi ko hinayaang makita niyang nagbabadya nanaman ang luha sa aking mga mata.

Simula ng araw na iyon ay hindi na ako makatulog ng maayos. Hindi na rin ako masyadong nakakapag-focus sa pagtatrabaho ko kay Sir Curwen.

Minsan ay naabutan pa niya akong tulala sa may kusina dahil naka ilang tawag na pala siya sa akin para hatiran ko ng gatas pero hindi ko daw naririnig.

‘Kahit ayaw mong sabihin sa akin, alam ko naman na iyon ang dahilan Lazarus.” sambit ko. Malakas ang pakiramdam ko na iyon ang dahilan. Hindi nila gusto para sa kanila.

“You know, I defended you Yzabel.” Aniya.

“Kahit na Lazarus. Magulang mo sila. Hindi mo sila pwedeng suwayin. Girlfriend lang naman ako.” mariin kong sagot. Ayoko siyang mamili sa pagitan namin.

Mas nanaisin kong piliin niya ang nais ng mga magulang niya para sa kaniya kaysa sa akin na wala ring kasiguraduhan.

Oo mahal ko siya at gano’n rin siya sa akin pero hindi sapat iyong mahal lang. Hindi iyon magiging sapat kung wala naman kayong pinanghahawakan.

Walang permanente sa mundo. Iyon ang palagi kong iniisip pero minsan hindi ko maiwasang hindi maiyak sa tuwing naiisip ko na baka…baka hindi niya ako kayang ipaglaban.

Pwede naman siguro iyon hindi ba? Hindi naman siguro niya susuwayin ang mga magulang niya. Ipaglalaban niya lang ako sa kanila pero sa huli, alam kong pipili at pipili pa rin siya.

“Alam mo Lazarus? mahal kita oo, natutunan kitang mahalin. Malaki ang pasasalamat ko dahil kung hindi dahil sa’yo baka hanggang ngayon hindi ako makakakilala ng iba pang lalaki bukod kay Sir Curwen.” Napakagat ako ng ibabang labi nang sabihin iyon.

Hindi ko alam kung makukuha niya ang sinabi ko. Sa ilang buwan naming relasyon ay hindi ko sinabi sa kaniya na nagkagusto ako kay Sir Curwen. Nakakatakot sabihin, nakaktakot aminin, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari.

“I knew it.” Umawang ang labi ko at mabilis siyang nilingon. Nakakuyom ang kaniyang kamao at nag-aalab rin ang kaniyang mga mata.

“Are just playing with me Yzabel?” Kumunot ang noo ko sa tanong niya.

“A-ano?” pakiramdam ko ay napuno ng inis ang katawan ko dahil doon. Ang kapal naman ng mukha niya para pag-isipan ako ng gano’n?

“Don’t act like you’re innocent just tell me the damn truth,” sabi niya.

“Ano bang sinasabi mo Lazarus?! ilang buwan na tayo, sinagot na kita pero ganyan pala ang iniisip mo tungkol sa akin?” hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya.

Ako pa ang aakusahan niyang sa gano’ng bagay?

“Now I know that everytime I tried to take you, you can easily push me away,” he mumbled.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon