Kabanata 35
Shocked
Napakapit ako sa braso ni Lazarus nang makaakyat na kami sa second floor. Papunta kami doon sa terasa kung nasa’n ang parents niya.
“Kauuwi lang nila galing Canada noong nakaraang araw, kaya ngayon lang kita maipakikilala.” Tumango ako at nilibot ang paningin sa paligid.
Mahilig kaya sila sa mga paintings? Puro paintings kasi ang nakikita ko sa bawat pader na nalalagpasan ng aking mata.
Wala akong gaanong alam sa mga ganoong bagay, hindi ako mahilig sa art. Sadyang mahilig lang talaga akong magturo.
“Mabait naman sila ‘di ba?” tanong ko. Gusto kong matawa sa sariling tanong. Sino ba naman ang ayaw magustuhan ng parents ng taong mahal mo? alam ko marami kaming pinagdaanan sa mga nakalipas ng buwan pero ngayon gusto kong makasiguro.
Kung pagipiliin ako between propesyon at pag-ibig? Siguro pipiliin ko ang propesyon. Mahalaga rin naman iyong nahuli pero hindi ba’t mas Maganda na kung magiging sigurado ka na sa larangan ng pag-ibig kailangan may permanente ka nang trabaho? At lahat at susunod na sa tamang pagkakaton.
“Just be yourself babe.” Aniya. Nilingon ko siya nang bumungad sa amin ang isang sliding glass door. Nasa loob ng kami ng isang kwarto. Sa tingin ko ay master’s bedroom ng parents niya.
Mas lalong humigpit ang kapit ko sa kaniyang braso. Humugot ako ng hininga.
“Mom? Dad?” tawag niya sa dalawang matandang nakaupo. Nilingon nila si Lazarus.
“Son!” Ang Mother niya ang unang tumayo at niyakap ng mahigpit.
“How are you? Our maid said you’re barely live here? Dahil ba may sarili ka ng condo ngayon huh?” may ngiting sabi ng babae sa kaniya.
Bumaba ang hawak ko sa kaniyang kamay. Napayuko ako dahil sa pakiramdam na hindi ako bagay rito.
Napapiksi ako nang mapansing tumayo na rin ang Tatay niya.
“Who’s this lady beside you Lazarus?” rinig kong tanong ng Ama nito.
“She’s Yzabel, my Girlfriend.” Dahan dahan kong tinungo ang aking ulo para tignan sila. Ngumiti ako at bumitiw sa pagkakakapit kay Lazarus.
“G-good Morning po.” Pagbibigay galang ko. Kinuha ko ang kamay nila at doon nagmano. Lumuwag ang paghinga ko nang tanggapin nila iyon.
“I think it’s better if we talk in the living room?” tanong ng Nanay niya.
“Sure.” Si Lazarus ang sumagot.
Pinauna namina ng magulang niyang makababa saka kami sumunod.
Nang makababa na kami ay umupo ako sa tabi ni Lazars habang katapat naman namin ang parents niya.
“So how did you guys met?” pag-uumpisa ng kaniyang Ina. Napalunok ako ng wala sa oras. Hindi naman siya nakatingin sa akin dahil na kay Lazarus ang atensyon niya pero para ako iyong kinakausap dahil sa nararamdaman kong kaba.
“Acutally we’re classmates Mom.” Tipid na sagot ni Lazarus.
“Oh? So you’re also taking BEED? Major in?”
“Major in General Education Ma’am.” Sagot ko.
“You know Yzabel, I didn’t like the fact that my son take an education course. Hindi naman kasi bagay para sa company namin. Paano niya i-hahandle ang Kumpanya kung education graduate siya right hon?” baling niya sa asawa.
“It’s his choice Lailani,” sagot naman nito.
“I knew it Germono, kailan ka naman kumampi sa akin?” tanong nito pabalik.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...