Kabanata 13
Kiss
“Sige, mauuna na kami Sabel! Mag-iingat ka!” paalam nina Loraine kasama ang dalawa na si Raf at Clint. Kumaway naman ako sa kanilang tatlo pero nang papasok na ako sa loob ng tricycle ay nakita ko si Lazarus na tumatakbo papunta sa akin.
“Oh Laz? Bakit? ‘di ba magsasabay na kayong apat?” tumingin ako sa kaniya na nagtataka. Hindi siya makapakali habang nakatingin sa akin. Pansin ko rin na parang ang bilis ng paghinga niya.
“Ano bang nangyayari sayo? Ba’t ganyan itsura mo?” tanong ko, bumuntong-hininga siya nang sabihin ko ‘yun at lumapit pa sa akin ng konti.
Nagtataka na talaga ako kung anong gagawin ng mokong na ‘to.
“Uy? May nakalimutan ka ba? ‘di ba sinabi ko na sa inyo ‘yung mga assignments at project natin?” kanina kasi ay nagpa excuse sila dahil may training sila para sa nalalapit na intrams.
Kaya kami na ni Loraine ang nagsabi at nagdiscuss ng mga lessons na missed nila.
“Gusto ko lang sabihin na mag-iingat ka at…” Magsasalita na ako dahil naputol nanaman ang sinasabi niya ng bigla siyang dumukwang at hinalikan ako sa noo.
Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kaniya ng mga sandaling iyon! Alam kong may pagka sweet silang tatlo sa amin ni Loraine dahil kami lang ang babae sa aming lima pero hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Laz sa akin!
Ano kayang nakain ng isang ‘to?
“T-teka Laz! Ano nanaman bang trip mo ha? Ikaw talaga!” asar ko pero nakakunot parin ang noo ko sa kaniya.
Walang sabi-sabing tumalikod na siya at tumakbo pabalik sa tatlong naghihintay sa kaniya.
“Naku! Tinamaan na ang kapitan!” Bago pa man ako makaupo sa loob ng tricycle ay narinig ko ang sigaw ni Raf habang hinihintay si Laz. Napailing nalang ako.
Ang lalakas talaga mang-asar ang tatlong ‘yun. Humanda sila sa akin bukas!
Nang makarating na ako sa mansion at kita ko agad ang hindi maayos na pagkakagarahe ng sasakyan ni Sir Curwen. Nagtaka naman ako dahil ngayon lang hindi naging maayos ang pagkakagarahe niya sa kaniyang sasakyan.
Naku! Kung andito lang ulit sina Sir Tristan , panigurado ay masesermonan si Sir Curwen. Ano nanaman kayang nangyari at ba’t ganito itsura ng kotsen niya?
Nang makapasok ako sa loob ng mansion ay bigla kong naalala si Ma’am Thea, nang umalis nanaman kasi ang Mommy at Daddy nila ay sumabay na si Ma’am Thea, hindi rin natuloy iyong pinaplano nilang outing ata ‘yun dahil sa biglang naging problema sa kompanya ni Sir Tristan.
Hindi ko alam kung anong klaseng kompanya ang pagmamay-ari ni Sir Tristan, ayoko ko narin magtanong ng magtanong dahil wala naman akong alam sa pagnenegosyo.
Kahit hindi pa ako nakakabihis sa sarili kong kwarto ay mabilis akong tumungo sa kusina para magtimpla ng gatas para kat Sir Curwen. Hindi ko narin pinasok ang bag ko sa kwarto ko at nilagay lang muna panandalian sa may sofa.
Babalikan ko naman iyon kapag nakababa na ako galling sa kwarto ni Sir Curwen.
Hindi na ako nag-aksaya na kumatok pa, total naman ay dito rin ako natutulog kaya binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin si Sir Curwen na nakadapa sa kaniyang kama at pansin ko agad ang loob ng kwarto niya na sobrang gulo.
Nagkalat sa sahig ang ilan niyang unan at halos nakasayad na ang comforter doon.
Mabilis akong pumasok at inilapag sa bedside table niya ang gatas na tinimpla ko.
Pumunta ako sa kaniyang paanan at tinanggal ang sapatos niya kasabay ng kaniyang medyas.
Bumalik ako sa kaniyang ulunan at bahagya siyang ginising.
“S-sir?...” Tinapik tapik ko ang kaniyang balikat at ungol lang ang sinagot niya sa akin.
Lumukot ang ilong ko nang may naamoy na mabaho. Hinanap hanap pa iyon ng ilong ko at parang nanggaling kay sir ang mabahong amoy.
Pilit kong ginising si Sir at nakailang ungol siyang sagot sa akin nang sa wakas ay tumihaya siya at doon ko napagtanto na sa bibig ni Sir nanggaling ang mabahong amoy na ‘yun!
Ano ‘yun? Parang amoy alak?
Ginising ko ulit si Sir at ilang minute lang ay gumising na siya. Inis na inis ang itsura ng mukha niya nang tignan ako.
“What the hell? What the fck do you need Maria?!” halos bulyawan niya ako habang hinihilot niya ang kaniyang sintido at nakapikit.
“S-sir tinimplahan ko ho kayo ng gatas, B-bakit ho ba kayo uminom?” lakas loob kong tanong sa kaniya.
“The fck you care huh?!” sigaw nanaman niya sa akin.
Teka? Ano ba talagang problema niya? Bakit pati sa akin ay galit na galit siya? Wala naman akong ginagawa na ikagagalit niya?
Ahy! Oo nga tama! Siguro kaya nagalit siya ay dahil hinawakan ko siya? Pero kailangan ko kasi siyang tapikin para magising siya at makainom ng gatas.
“S-sir sorry po kung hinawakan ko kayo, gusto ko lang po kasi kayong gisingin para makainom kayo ng gatas.” Sabi ko habang nakatayo sa gilid ng kama niya.
“What the fck did I tell you huh?! That I don’t want you to give me foods that I didn’t tell you to give!” napakagat-labi ako nang maalala ko ‘yun.
Sobrang tanga ko talaga, kaya siguro ganto na sobrang galit siya sa akin dahil ginising ko siya at sinuway ko ulit ang utos niya sa ikalawang pagkakataon.
Ayoko pa naman na nagagalit siya kaya patay talaga ako ngayon. Sana lamunin nalang sa kinatatayuan ko ngayon.
Nilingon niya ang gatas na nilagay ko sa bedside table niya. Kita ko na kinuha niya iyon ngingiti na sana ako sa pag-aakalang iinumin niya iyon pero nagulat ako nang tinapon niya iyon sa harapan ng kama niya.
Sobrang lakas ng pagkakabato niya na iyong parte ng baso ay napunta sa ibang bahagi ng kwarto niya. Nagkalat ang mga basag na piraso ng baso at kumalat rin ang gatas sa sahig niya.
Mabilis akong umalis sa kinatatayuan ko upang kunin ang basahan na nasa loob ng CR niya nang bigla niyang hablutin ang kamay ko.
“Where the fck are you going?!” giit niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa takot sa kaniya kaya tinuro ko nalang ang CR na sa gilid lang ng kaniyang kwarto.
“K-kukuha po sana ako ng basahan para linisin ang natapong gatas.” sabi ko.
Mas lalong umigting ang panga niya at kita ko ang panlilisik sa mala-tsokolate niyang mata. Napa-lunok nalang ako ng wala sa oras.
“Stay here!” ma-awtoridad niyang sabi sa akin.
Wala akong nagawa kundi tumango nalang.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...