Kabanata 14
Gift
Nanatili ako gaya ng sinabi sa akin ni Sir Curwen. Hindi ko alam kung bakit ba siya uminom. Wala naman akong narinig na nakipag-away siya sa school.
At wala rin akong balita tungkol nobya niya. Ni hindi ko alam kung may Girlfriend siya pero sa gwapo pa naman niya ay malamang mayroon nga siya.
Pero bakit hindi ko pa nakikita rito? At hindi man lang niya papuntahin rito sa bahay para ipakilala?
Nakatitig lang ako sa gatas na nagkalat sa sahig. Ang init nang ulo niya. Nakalimutan ko nga iyong binilin niya sa akin noon na ‘wag na ‘wag akong magdadala ng kahit na anong bagay na hindi naman niya hiningi sa akin.
Pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kaniya. Hindi naman niya ako masisisi dahil ako ang nagbabantay at nag-aalaga sa kaniya.
Aaminim kong nakakatakot itong ginagawa namin. Hindi alam nina Ma’am Leanne at Sir Tristan na dito ako natutulog sa kwarto niya.
Nang oras na sinabi iyon sa akin ni Sir Curwen na dito nga ako matutulog, agad ko iyong sinabi kay Manang Ros. Maski siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Alam ng lahat ng kasambahay rito ang tungkol doon pero mabilis ko rin silang sinabihan na huwag nang sabihin kina Ma’am Leanne.
Ayokong mawaan ng trabaho at scholarship. Hindi ko ma-imagine na biglang mawala ang mga iyon sa akin. Ako na lang kasi ang tumatayong ina ni Benedict.
Ayoko ring umasa ng umasa sa tiyahin ko ngayong si Benedict ang naroroon. Kapag nakapag-ipon ipon ako ay mangungupahan na lang kami ng kapatid ko.
Mahirap kasing masumbatan ng kahit na sino. Kahit sinasabing ang kalahati ng sweldo ko rito ay ibinibigay ko kay Auntie, hindi pa rin magiging sapat iyon para sa aming dalawa ni Benedict.
Bumaling ang tingin ko sa kaniya. Sobrang gwapo talaga ni Sir Curwen kamukhang-kamukha niya si Sir Tristan.
Paano kaya kung hindi ako pinapasok rito nina Ma’am Leanne? Wala sana akong pera para sa aming magkapatid. Malaking tulong itong binigay nila at tatanawin kong isang malaking utang na loob.
Alam ko naman na hanggang tingin lang ako sa kaniya. Malabong mangyari na magustuhan niya rin ako.
Naalala ko iyong sinabi sa akin ni Ma’am Thea, gusto niya na magkatuluyan kaming dalawa ni Sir Curwen? Hindi mangyayari iyon dahil nga kinamumuhian niya ako.
Ilang sandali ay nakita ko na lang ang aking sariling hinahaplos ang kaniyang ulo. Mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Bakit kaya siya uminom? Nag-half day kaya siya? Maaga kasi siyang nakauwi kaysa sa akin.
Ang tangos ng ilong niya, manipis ang kaniyang labi, maputi, matangkad at katamtaman ang lamlam ng kaniyang mga mata.
Halos mapasinghap ako nang bigla siyang gumalaw! Mabilis akong humiwalay sa kaniya nang tumihaya siya. Bumuntong hininga ako.
Kailangan ko nang malinisan itong gatas na natapon sa sahig. Baka pagalitan pa niya ako kapag nagising siya at nadatnan niya ang kalat.
Dahan dahan ang bawat paghakbang ko papunta sa CR. Nang makarating ako roon ay kinuha ko ang isang malinis na basahan ang maliit na kulay itim na balde sa may gilid.
Lumabas na ako at sinimulang linisin ang kalat. Panay ang tingin ko sa kaniya dahil baka bigla siyang magsuka at madumihan niya ang sapin ng kama.
Mabilis akong natapos kaya binalik ko iyon sa CR at nilabhan. Pagkatapos ay sinampay ko iyon at naghugas na ng kamay.
Bumalik na ako sa loob, kumunot ang noo ko nang mapansing binabangungot siya. Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa balikat.
“S-sir?” hindi siya sumagot bagkus ay umuulong lang na para bang nahihirapan. Nagsisimula nang mamuo ang pawis niya sa magkabilang sentido niya.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romantizm(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...