Kabanata 39

483 6 0
                                    

Kabanata 39

Take me





“Spill it.” Natigilan ako. Kumunot ang noo ko habang malayang nakatingin sa himpapawid. Kahit binabalot nan g dilim ang paligid ay hindi pa rin maitatago ang kagandahan na buhat ng kaliwanagan ng buwan.

Ang paglalaro ng imahinasyon ko sa akin ang huling batayan ko para hindi ubusin ang alak na nasa kamay ko.

Tiyak pinaglalaruan lang talaga ko ng sarili kong isip. Kilala ko ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali.

“I’m here.” Mas lalon kumunot ang noo ko. Humigpit ang hawak ko sa canned beer, doon bumaling ang atensyon ko pero mas lalo pa akong naguluhan nang maramdaman ang pamilyar na presensya sa gilid ko.

Dahan dahan kong nilingon kung tama ba ang taong nasa isip ko at hindi nga ako nagkamali. Sa ilalim ng liwanag na nanggagaling sa buwan, kitang kita ko ang kalahati ng kaniyang pigura.

Malamang ay dahil na ito sa dami ng nainom ko. Nakakatawa dahil hindi naman ako ganito dati. Unang beses ko nang matikman ko ang alak ay no’ng nag outing kami.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon makalimutan ngunit mas hindi ata ako patutulugin ng kung anong nakita ko kanina.

Napapiksi ako nang maramdaman ang mainit na kamay na dumapo sa braso ko. Kahit may tela na nakaharang sa balat ko ay ramdam na ramdam ko pa rin.

Hindi ko siya tinignan ngunit bahagya akong natawa.

“S-sorry sir kung hindi man ako nakauwi, b-busy lang ako,” saad ko sabay tawa. Tinaas ko ang lata ng beer na wala nang laman at binitawan iyon.

Hinayaan kong umalingawngaw ang tunog no’n nang dumapo sa malamig na semento. Sumabay pa ang malamig na simoy ng hangin ngayong gabi.

Hindi ko alam kung sa’n ako dinala ng aking mga paa, at mas lalong hindi ko alam kung papaano niya ako nahanap dito.

Ang tanging alam ko lang ay gumaan ang pakiramdam ko nang nadama ko ang presensya niya. Pakiramdam ko ay alak na ang nagsasalita ngayon sa sistema ko.

Pero iyon naman ang madalas na sinasabi ng karamihan hindi ba? Na lumalabas lang ang totoong katauhan ng isang tao kapag nakainom ito ng alak.

Ngayon mukhang maniniwala na ako dahil ito ang nararamadaman ko ngayon, ito ang nararanasan ko.

“Nakita ko siya na may kasamang iba, worst kaibigan ko pa. Gano’n ba ako kapangit Sir Curwen?” kwento ko at doon siya natigilan. Umawang ang labi niya pero tinikom niya iyong muli. Nakita ko kung papaano umigting ang kaniyang panga at iniharap ang kabuuan ng katawan sa akin.

“I told you before to break up with him, but you didn’t listen to me,” saad niya. Mariin niya akong tinitigan nang bitawan ang mga salitang iyon.

Umiling ako.  Yumuko ako at kinuha ang bagong lata ng bote na nasa loob ng bag ko. Binili ko pa sa 7/11 dahil sa nakita ko kanina. Doon ako unang dinala ng paa ko.

“That’s enough,” aniya. Suminghap ako nang agawin niya mula sa kamay ko ang beer na nabuksan ko na. Natapon ang ilang laman no’n sa kaniyang mukha ang tumalsik ang iba sa pisngi ko.

“Tsk, you’re drunk already Yzabel, that’s enough. We need to go home.” Pero umiling ako at pilit na inaabot ang alak sa kamay niya.

Patuloy lang niya iyong iniiwas sa akin. Matangkad siya kaya hindi ko iyon maabot.

Napakagat labi ko at inis na hinampas ang dibdib niya dahil sa sobrang iritasyon.

“Yzabel!” singhal niya.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon