Kabanata 15

410 7 0
                                    

Kabanata 15

Confess





Kanina pang morning class ako kinukulit ni Loraine, hindi ko siya magawang sagutin ng maayos dahil maski ako ay wala sa sarili. Kanina pa ako nakatitig sa isang brand new android phone na nasa kamay ko.

Tinulungan ako ni Loraine na maisaayos iyon, nang binuksan ko kanina ang contacts ay nakita ko ang pangalan nina Ma'am Leanne, Sir Tristan, Manang Ros at ang pangalan niya.

Mabuti na lamang ay mabilis ko iyong naitago nang nilapitan ako n Loraine kanina. Gaya ng sinabi sa akin ni Sir Curwen, walang ibang pwedeng makaalam na kasambahay ako sa kanila, at ako ang personal na maid niya.

Hindi ko naman siya masisisi tungkol doon. Sino ba naman kasi ang may gustong mapalapit sa isang tulad ko?

Ang tanging nasa isip ko na lang ngayon ay ang makapagtapos para makasama ko na ang kapatid ko sa iisang bubong. At sa pagkakataong iyon ay hindi na ako maninilbihan sa kaniya, at pwede na siyang lumabas nang hindi ako kasama.

Bumuntong hininga akong tumingin kay Loraine, kanina pa siya walang sawang pumupuri sa cellphone ko.

"Bigay sa akin ng Auntie ko ito, mabait naman kasi iyon, regalo niya sa akin dahil malapit na ang birthday ko," napakagat ako ng labi dahil kailangan kong magsinungaling sa kaniya.

Hindi ko pwedeng suwayin ang utos ni Sir sa akin, kundi maraming mawawala sa akin, lalo na ang pangarap ko para sa aming dalawa ni Benedict.

"Nagawa mo na ba iyong assignment natin sa EDUC 109?" tanong niya. Mukhang napagod na siya kakadada sa bago kong cellphone, hindi naman kasi biro ang halaga nitong binigay ni Sir Curwen sa akin, at kung tutuusin, kahit may scholarship ako, alam ni Loraine kung saan ko iyon ginagastos.

"Oo kagabi pa, ngayon ba ang passing no'n?" tumango siya. Naglalakad kami sa hallway ng building para sa next class namin. Kaninang lunch ay halos wala akong ganang kumain dahil sa ginawa niya.

Nakakagulat lang talaga, hindi naman siya gano'n sa akin. Nasa tamang edad na ako, at siguro nga kailangan ko nang maging maingat sa mga ginagawa ko.

Alam ko minsan padalos dalos ako at dahil iyon sa bugso ng damdamin na nararamdaman ko.

Oo gusto ko si Sir Curwen pero ayoko nang gawing oportunidad iyong binigay sa akin ng pamilya niya. Siguro ngayon kailangan ko nang magseryoso sa lahat ng bagay.

Hindi naman ito para sa akin lang, kundi para na rin sa kapatid ko. Ako na lang ang aasahan niya pagnagkataon.

Ayoko namang hamabuhay kaming umasa kay Auntie, hindi naman iyon magandang tignan.

"Ysa..." pareho kaming napatigil ni Loraine nang biglang bumungad sa amin ang mukha ni Lazarus.

"Oh Laz? May problem aba?" si Loraine ang nagsalita pero hindi niya ito binalingan. Sa akin nakatutok ang mata niya.

"Pwede ba kitang makausap?" aniya. Tinuro ko ang sarili ko at kumunot ang noo.

"Oo ikaw Ysa," kumpirma niya. Napatingin ako kay Loraine na nakatingin lang din pala sa akin.

"Basta bilisan niyo ok? Magsisimula na ang klase natin maya maya. Tumango ako sa kaniya at pinuna si Lazarus na maglakad.

Ano kayang sasabihin niya sa akin? May problema kaya?

"Dito na lang tayo Ysa," aniya. Nilingon ko ang paligid, walang nagka-klase sa dulong bahagi na ito ng building, nasa 4rth floor pala kami. Ang room ng klase namin ay nasa 2nd floor lang.

"Ano ba iyong sasabihin mo?" panimula ko. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Gwapo si Lazarus, kaya hindi nakakapagtaka na maraming nakakagusto sa kaniya sa buong campus.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon