Kabanata 10
Thea
Natapos ang unang araw ng pasok na puro pag i-introduce sa mga bagong subject ang nangyari at pagpapakilala ng bawat isa sa klase.
Seryoso din si Sir Curwen nang sabihin niya sa akin na hindi niya ako isasabay pag-uwi kaya mag-isa akong umuwi sa mansion.
Pagkarating ko ay nakita kong nakaparada na ang sasakyan niya kaya alam kong nakauwi na si Sir. Mabilis akong pumasok sa loob at dinatnan ko ang isang babaeng nakaupo sa may sofa ng kanilang sala habang nanonood sa malaking TV napatuwid ako sa kinatatayuan ko nang lumingon ang babae sa akin.
Hawig niya si Sir Curwen at may pagka sopistikada ang dating agad naman akong nagsalita.
"Good afternoon po Ma'am." sabay yuko ko bilang pagbigay galang sa kaniya.
Tumayo ang babae at lumapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan ng pansin kong tinititigan niya akong mabuti.
"And…who are you?" tanong niya bigla sa akin.
Napataas ang mukha ko sa kaniya saka siya sinagot. Maliit ang mukha ng babae, ganoon rin sa kaniyang buhok na abot hanggang sa ibaba ng kaniyang tainga. Matatapang ang korte ng kaniyang mga mata at may manipis na labi, matangos rin ang ilong nito katulad ni Sir Curwen.
Kamukhang kamukha niya si Ma’am Leanne.
"Ma'am, A-ako po si Maria Yzabel Buencamino...Ahm ako po ang-" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang biglang nagsalita si sir Curwen na kabababa palang galling hagdan na naka boxer short at itim na sando lang!
Pinigilan kong manlaki ang katawan ko dahil sa nakita sir naman eh! Bakit ka ganyan! Tumikhim siya at mariing tumingin sa akin bago lapitan ang babae.
"Hey you brat, andito ka na pala you didn't say na ngayon ka makakarating ditto." sabi sa kaniya ni Sir. At napatingin ulit sa akin.
"It’s okay na Maria you can go to you room now." utos niya sa akin. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanila pero hindi ako nginitian pabalik ng dalawa. Ramdam ko ang titig nila habang paalis ako papunta sa maid's quarter.
Nang makapapalit na ako ay lumabas ako para pumunta sa kwarto ni Sir Curwen at kunin ang kaniyng uniform para malabhan ko na. Pero bago pa ako makaakyat sa hagdanan ay agad ako tinawag no’ng babae na nakita ko kanina.
Nakasuot na rin siya ng pambahay na damit. Pansin ko rin na wala sina Ma'am Leanne at Sir Tristan.
"Hey Maria, wait!" rinig kong sabi niya kaya agad akong tumigil at humarap sa kaniya.
"B-bakit po Ma'am?" gustuhin ko mang ngumiti sa kaniya pero hindi ko magawa dahil laging nakataas ang kilay niya sa akin, na para bang lagi niya akong kinikilatis.
"I'm Thea. I'm the sister of Curwen Brine, and I'm sorry kung natarayan kita kanina. Kuya told me who you are so I wish you forgive me."
Napalunok naman ako sa sinabi niya. Ngumiti ulit ako at laking gulat ko nang ngumiti rin siya pabalik sa akin.
"O-okay lang po iyon Ma'am. Naiintindihan ko naman po kayo." Sagot ko.
"Anyways, anong gagawin mo sa itaas?" tanong niya ulit.
"Ahm kukunin ko lang po sana iyong mga uniform ni Sir Curwen para po malabhan na." tugon ko, kita kong nagpipigil siyang ngumiti at tumalikod sa akin.
Papaakyat na ako bigla nanaman niya akong tawagin.
"Hayaan mo na muna 'yung uniform ni kuya may mga taga laba naman, you don't have to do it Maria, come here sit with me. I want to know you more." Aya niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
Hindi kaya magalit si Sir sa akin kapag hindi ko nalabhan ang uniform niya? ayaw na ayaw niya pa naman iyong hindi agad nalalabhan ang mga damit niya.
"P-pero po ma'am baka po magalit si Sir Curwen." Sabi ko.
Umiling si Ma'am Thea at natawa, sabay nito ay ang pagtapik niya sa gilid niya.
"No, ako ang bahala basta halika dito." kahit labag sa loob ko ay sinunod ko siya. Ayoko namang pati siya ay magalit sa akin.
Nagsimula siyang magkwento about sa kaniya at sa family niya at panay tango at ngiti lang ang sagot ko sa kaniya. Hindi naman kasi ako makakarelate dahil hindi naman kami parehas na may magulang.
"You know Maria, Now I understand kung bakit gano'n na lamang kalambot ang turing sayo ni Mom and ni Dad. Kung hindi pala dahil sayo ay hindi mabubuhay si Daddy ngayon. Malaki ang utang na loob naming sayo Maria." Ngumiti lang ako at nagsalita.
"Wala po iyon Ma'am ginawa lang po naming ng kapatid ko kung anong dapat gawin at saka hindi ko naman ho inaakala na mabilis akong tatanggapin sa scholarship na pagmamay-ari ni Sir Tristan" ngumiti lang siya.
"Halika, doon tayo sa may garden." sabay hila niya sa akin.
Para akong nakatangang nakatingin sa kamay niyang hila-hila ako nang tumango ako sa sinabi niyang iyon.
Hindi kasi ako makapaniwala na mabait pala si Ma'am Thea. Nang nakaupo na kami sa isa sa mg bench na nakalagay sa garden ni Ma'am Leanne, sinabi niya sa akin na mas matanda pa pala ako kesa sa kaniya. 17 palang siya pero sinabi kong hindi naman iyon importante dahil boss ko parin siya.
Doon ay napagpasyahan niyang 'ate' ang itawag sa akin kesa sa pangalan ko. Bilib talaga ako kina Mr. and Mrs. Villaverde dahil maganda ang pagpapalaki nila kay Thea.
"Alam mo, no’ng nasa US ako dahil doon ako nag-aaral, lahat ay inaalam ko tungkol kay kuya, kung sinong mga dinidate niya, fling etc. Pero hindi ako doon nagtaka kasi marami naman talaga siyang babae but when Mommy said na we have new maid, especially P.A ni kuya, hindi ko maiwasang hindi maintriga at tinanong si Mommy kung sino." Kwento niya.
"Naku si Ma'am Leanne talaga." nasabi ko nalang dahil nagsisismula na akong mahiya habang nagkukwento si Ma'am Thea.
"And sinabi niya sa akin na ikaw nga...pero siguro she forgot to tell me your background and the reason bakit sobra sobra ka niyang pinagkakatiwalaan." Dagdag pa nito.
"Nakakapagtaka dahil no’ng nasa sofa ako kanina at pumasok ka biglang ang gaan ng pakiramdam ko nang makita kita; tinarayan lang kita to see kung paano mo ako itrato and hindi naman ako nagkamali." ngumiti siya sa akin.
"You know ate, sana ikaw makatuluyan ni kuya." Aniya. Nanlaki ang umawang ang labi ko nang marinig iyon sa kaniya.
Hindi ko alam ang nangyari pero bigla na lang akong naubo dahil sa sinabi niya.
Agad naman niyang hinagod ang likod ko.
"Okay kalang ate?" tanong niya tumango lang ako at pilit na ngumiti.
Napaka imposible naman ng sinasabi ni Ma'am Thea! Hinding hindi iyon mangyayari! Napaka imposible talaga!
"Naku Ma'am, napaka imposible nang sinasabi niyo. Dahil hindi naman ako gusto ng kuya niyo at saka hindi ang mga tipo ko ang magugustuhan ni Sir Curwen at baka kung ano pa ang sabihin nina Ma'am Leanne at Sir Tristan." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...