Dedicated to RosemarieQuidato
Wakas
Love me Please
“How is it?” nilingon ko Curwen. Tipid akong ngumiti at binalingan si Philo.
“I think we’re getting better and better each and every day,” I answered.
He walk to my direction and kiss my forehead abruptly. Nanlaki ang mata ko at mabilis na binaling sa bata ang atensyon.
Hindi ko inaasahan iyon. Ilang araw simula nang malaman ni Philo ang katotohanan ay nahirapan nga akong ipaliwanag sa kaniya kung ano ba talaga ng dahilan at bakit hindi ako nagpakita sa kaniya at kung bakit hindi ako ang nag-alaga sa kaniya.
Alam malaki ang pagkakamali ko kaya ngayon ay pinipilit ko nang itama, pero hindi ko pa rin talaga alam kung paano pakitunguhan ng maayos si Curwen.
Simula nang makausap ko ng maayos si Philo ay doon naman nagsimulang maging clingy si Curwen. Aaminin kong hindi ko iyon gusto. Nakakairita dahil may usapan na kami pero parang hindi naman siya sumusunod.
Pansin kong nanatili siya sa kinatatayuan ngunit hindi nagtagal ay sinamahan na kami ni Philo habang naka-upo sa carpeted floor sa kaniyang sala.
Hindi ko naiwasang hindi siya lingunin. Weekend ngayon kaya may trabaho pa rin siya pero bakit hindi pa siya kumikilos?
Umupo pa siya katabi namin na para bang walang gagawing mahalaga ngayon.
He’s wearing a white round neck T-shirt and a sweat pants. Kanina pa siya gising dahil nang makababa ako mula sa kwarto ay nakita ko na siya sa may kusina at nagluluto ng almusal.
“I love you,” he mouthedly said. Umawang ang labi ko at kinunutan siya ng noo.
“May bata Curwen,” sagot ko. Natahimik siya at tinikom ko ang bibig. Binalingan niya si Philo na abala sa paglalaro ng lego.
Wala kaming trabaho ngayon sa Tutorial Center. Simula rin noong umalis kami ni Curwen ay panay ang mabubuting komento nila tungkol sa akin.
Noong nakaraang araw rin ay nagulat ako nang biglang dumalaw si Lazarus sa loob. May dala dala siyang bulaklak at regalo kay Lorraine.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon nang matapos ang ilang taon ay makikita ko ulit siya. Mabilis akong nagpaalam at lumabas para magpahangin.
Pakiramdam ko kasi biglang sumikip ang loob ng tutorial center para sa amin. Naging manipis rin ang hangin nang pumasok siya sa loob.
Ilang minuto ata akong nasa labas no’n at hinihintay siyang makalabas.
Napagdesisyunan kong bumaba muna para bumili ng makakain nang bigla akong napatigil sa may hagdan dahil narinig ko ang pangalan ko.
Humarap ako at gano’n na lang ang panlalaki ng mata ko nang bumungad sa akin si Lazarus. May ngiting nakapaskil sa kaniyang labi at hindi ko alam kung bakit ko siya pinanood na tumungo palapit sa akin.
“Pwede ba tayong mag-usap?” he asked. Hindi ako nakasagot. Umawang ang labi ko at nanikip ang dibdib. Lumalim ang paghinga ko habang malayang binibigyan ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha.
Sa ilang taong hindi ko siya nakita, mas lalo siyang pumogi. Sa ilang taong hindi ko siya nakausap, nag-iba ang pananalita niya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya no’n.
Hindi ko rin alam kung paano siya pakikitunguhan na para bang wala siyang nagawang mali sa akin noon.
“S-Sige, sa may Café na nasa baba na lang.”
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Roman d'amour(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...