Kabanata 38

452 6 0
                                    

Kabanata 38

Coffee Shop





Dahil sa nangyari mas lalo akong naguluhan. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na gawin ko. Mahal ko si Lazarus dahil oo natutunan ko kung paano siya mahalin pero si Sir Curwen…

Wala ako sa wisyo habang nagdidiscuss ang professor namin sa harap. Tungkol iyon sa Child and Adolescent na subject, mahalig pang mag bigay ng quiz ang teacher na ito kada discussions pero heto ako ngayon at wala sa sariling mundo.

Pero ayos lang dahil ang huling nabanggit niya noong nakaraang meeting at ididsscuss na lang niya ang ilang topic na hindi na-discuss.

Hindi ko pa rin maharap na kausapin si Lorraine at si Lazarus. Wala akong lakas ng loob. Dahil sa tuwing nagbabalak akong kausapin sila, para bang napipipi at nanlalambot ang tuhod ko.

Umuuwi na lang ako kapag gano’n.

May ilang pagbabago akong nakikita sa makalipas na ilang araw. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyaring outing o sadyang trip lang nilang hindi ako pansinin.

O baka ako ang nanadya na hindi sila pansinin.

Buong araw ay gano’n ang nangyari. Ang ibang instructors namin ay hindi na pumasok, ang iba naman ay i-diniscuss lang ang hindi nakasama sa final exam.

Lumipas ang ilan pang araw, kaunti na lang ang pupumunta ng campus. Karamihan sa kanila ay nagbabayad ng tuition fees at tinatapos ang clearance.

Walang naging problema sa clearance ko dahil sina Ma’am Leanne na daw ang bahala doon.

Nakatayo ako sa loob ng admin building habang pumipila. Hindi ko nakita si Lazarus, wala rin siyang message sa akin, nagtex ako sa kaniya kanina umaga pero wala akong natanggap na reply niya.

Bumuntong hininga ko. Sa lumipas na mga araw ay hindi na niya rin ako sinusundo sa bahay. Nalulungkot ako dahil akala ko magpapalipas lang siya ng sama ng loob dahil sa huli naming pag-uusap

Ang tagal na pala no’n halos mag-iisang linggo na rin na hindi ko siya nakausap, maski si Lorraine pansin kong gusto akong kausapin pero ako na unang umiiwas.

Gusto ko munang mapag-isa pero hindi ko mapigilang hindi isipin si Lazarus at Lorraine.

Siguro sapat na ang isang linggong hindi namin pagpapansinan.

Napatingin ako sa hawak hawak na baunan. Cookies ang laman no’n at nagpatulong pa ako kay Manang Ros kanina. Bumili ako ng sariling gamit para sa pagluluto nito except na sa oven.

Natapos ang nasa unahan ko at ako na ang susunod. Umabante ako para makalapit as counter at binigay ang ID sa babae na nasa loob.

Nakita kong tinitipa na nito ang pangalan ko sa keyboard ng computer. Kinakabahan ako dahil ngayon  ko lang makikita ang grades ko.

Partial lang ang binigay sa amin noong nakaraan dahil hindi pa tapos ang ibang professor sa pagcocompute ng grades.

Napatingin ako sa hawak hawak ko. Mamaya ay susubukan ko ulit siyang tawagan, hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag ko mula pa kanina.

Halatang masama pa rin ang loob niya dahil sa akin. Hindi ko naman siya masisisi tungkol doon. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay makausap siya at makipag-ayos para na rin maibigay ko na itong niluto ko para sa kaniya.

“Thank you,” sagot ko sa staff at lumabas na mula sa admin building. Nakatupi ang COG kaya hindi ko pa nakikita ang grades ko.

Pinasok ko iyon sa bag ko. Mamaya ko na lang titignan dahil kailangan ko munang makausap si Lazarus.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon