Kabanata 17

386 6 0
                                    

Kabanata 17

Luha





"Hija? Hindi ka pa ba matutulog?" nilingon ko si Manang Ros. Inaayos nito ang asul na bandana niya habang may hawak na kape sa kaniyang kamay.

Binalingan ko rin ng pansin ang mug na may gatas sa kamay ko. Inikot ikot ko iyon upang mahalo pa sa ilalim.

Tumingala ako, maliwanag ang buwan ngayong gabi. Naririnig ko rin ang mga huni ng kuliglig sa paligid.

"Nagpapaantok lang po Manang," sagot ko. Naglakad siya papunta sa tabi ko.

"Kayo po? Bakit gising pa po kayo?" bumuntong hininga ito.

"Gaya mo, nagpapaantok lang din ako."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Nasa garden na nasa gilid ng bahay. Sa kabilang dako ay ang infinity pool. Maliwanag ang paligid namin dahil sa mga ilaw na nakalagay sa poste.

"Sana'y pagpasensyahan mo na ang sir mo hija," panimula nito. Kumunot ang noo ko. Mukhang alam ko na kung papunta ang usapan namin.

"Alam ko naman po iyon Manang Ros, ginagawa ko po." Saad ko. Wala naman akong magagawa dahil ito ang trabaho ko. Maganda ang offer sa akin ng magulang niya kaya ayokong ipagsawalang bahala na lang.

"Alam mo, mabait naman talaga 'yang si Si Curwen, pilosopo at makulit nga lang. Kilalanin mo muna siyang mabuti hija at doon mo malalaman kung anong ibig kong sabihin."

"Opo naman Manang, noong mga panahon na pinapapasok na ako nina Ma'am Leanne dito, sa totoo lang po ay malaki ang panggusto ko kay Sir Curwen," pag-amin ko. Simula nang magtrabaho ako dito at ngayon ko lang nakausap si Manang Ros.

Mababait lahat ng mga kasama kong kasamabahay, at si Manang Ros na rin ang tumatayong Ina namin.

"Alam ko iyon Hija," mabilis kong lumingon sa kaniya.

"P-po?" gulat kong sagot.

Umiiling iling siya habang natatawa.

"Halata naman Hija, sa paraan parang ng tingin mo kay Sir Curwen ay alam kong nang gusto mo siya. Wala namang masama doon, dahil sino naman ang hindi magkakagusto diyan sa anak nina Ma'am at Sir Tristan?" natulala ako at hindi nagtagal ay napangiti na rin.

"Sa totoo lang ay pati sina Ellen at Piyang ay may crush diyan sa alaga mo," anito. Nanlaki ang mata ko at doon naman siya natawa.

"Pero palagi ko silang sinasabihan na ihiwalay ang personal na buhay sa trabaho. Ang mahalaga pa rin kaya tayo nandito ay dahil pinagsisilbihan natin sila," dagdag pa niya.

Yumuko ako, hindi na gaanong mainit ang gatas sa mug na nasa kamay ko. Ayos lang dahil kaunti na rin naman ang laman no'n.

"At dagdag ko lang hija, sa tagal ko nang naninilbihan rito, baka bigla kang magulat kapag minsa'y makita mo na may dinadalang babae rito ang sir mo, hindi na bago sa amin iyon. Palagi naming nakikita nagdadala siya ng iba't-ibang babae rito sa bahay, tinatayming niyang wala sina Ma'am saka niya gagawin." Sabi niya,

Natigilan ako. Parang biglang pumikit ang puso ko dahil sa narinig. Ibig sabihin ay totoo pala iyong mga bali-balita sa lugar namin dati na babaero siya.

Hindi lang ako naniniwala dahil hindi ko naman nakikita. Dati noong hindi pa ako naninilbihan sa kanila, ilang beses ko na siyang nakita pero puro mga kapwa niya lalaki lang ang nakikita kong kasama niya.

Ngayon si Manang Ros na ang nagsabi.

"Palagi niya po ba iyong ginagawa?" hindi ko napigilang hindi magtanong.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon