Kabanata 45

651 4 0
                                    

Dedicated to catherendoloiras

K

abanata 45

Truth





What now?”

Kanina pa kami nasa loob ng kaniyang sasakyan at ako na unang bumasag sa katahimikan. Nakatitig ako sa labas ng kaniyang sasakyan kung nasaana ang ilang paninda.

Dagsa ang mga tao ngayon dahil market day kaya ang mga bakanteng espasyo ngayo’y punuan na ng kung ano anong mga paninda.

Nilingon ko siya. Simula nang makapasok kami sa sasakyan niya ay hindi pa siya nagsasalita. Napakatahimik niya, hindi ko alam kung anong nasa isip niya.

Umawang ang labi ko nang bigla niyang binuhay ang makina ng sasakyan.

“T-teka, s-sa’n tayo pupunta?” kunot noo kong tanong sa kaniya pero hndi siya sumagot. Nanatili ang mata niya sa daan habang binabagtas namin ang kalsada.

Tumahimik ako at hindi na nagsalita. Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Naiisip ko iyong nangyari kanina, hindi ko akalain na gano’n pala talaga kahirap para sa kaniya na wala ako sa tabi ng bata.

Hindi ko siya masisisi at hindi ko siya pwedeng sisihin dahil sa una palang alam ko nang ako na may kasalanan. Reponsibilidad ko iyon bilang ina ng bata pero pinasa ko sa kaniya.

“We need to tell Philo the truth.”

Umawang ang labi ko. Hindi ko ito inaasahan. Alam ko naman na mangyayari ito pero hindi ko alam na ngayo na mangyayari.

Abot abo tang kaba sa dibdib ko nang makita ang pamilyar na daang tinatahak namin, pauwi kami sa bahay.

“Y-you think he’ll get mad?” tanong ko. Napakagat ako sa ibabang labi. Para akong nanlalata habang iniisp kung ano ang pwede kong sabihin kapag nakausap na namin siya.

Kumurap ako at nilingon muli siya. Kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at ang mahigpit na pagkuyom ng kaniyang kamao sa manibela ng sasakyan.

“I doubt that,” he answered.

Problemado kong hinimas ang kanang braso nang makita na sa ‘di kalayuan ang bahay niya.

“I-I thought wer’e just going to talk? Pero bakit g-ganito?” aaminin ko, natatakot ako. Natatakot ako sa kung anong pwedeng sabihin ni Philo sa akin. Natatakot ako dahil wala ako sa tabi niya noong mga panahong lumalaki siya.

Na wala siyang kinikilala Ina habang unti-unti siyang namumulat sa mundo.

“Walang mangyayari kung pag-uusap lang ang gagawin natin Yzabel,” he said in a cold voice that makes me shivered.

“I-I don’t know how to t-tell him Curwen,” amin ko.

Hindi ko talaga alam, hindi ko alam kung papaano ko uumpisahan o sa kung saan ako mag-uumpisa. Hindi naman pwedeng bigla kong sabihin sa kaniya na ako ang Ina niya.

Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na tawagin niya akong ‘Mommy’ dahil panigurado ay malilito siya at hindi niya maiintindihan kung ano ang gusto kong sabihin.

“We’re here,” aniya. Huminga ako ng malalim at marahas iyong binuga sa ere. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at unti-unti iyong naninikip.

Nagsisimula namang mamawis ang kamay at paa ko nang makapasok na siya sa may garahe. Hinintay kong makababa siya para pagbuksan ako.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon