Kabanata 20
Desidido
Katulad kahapon ay hinatid ulit ako ni Lazarus sa may bungad ng subdivision. Bumaba ako mula sa sasakyan niya, hindi na hinintay na alalayan pa niya ako.
“Thank you Laz,” ngumiti lang siya at hindi nagsalita.
Nakaharap ako sa kaniya at gano’n rin siya sa akin. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pag-iinit sa magkabilang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina.
“Ahm, thank you pala kanina sa pagsalo sa akin,” sabi ko.
“Don’t mind it. You’re one of my responsibility since I’m courting you,” umawang ang labi ko doon. Ano ba dapat isagot sa sinabi niya?
Sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tuwing ganito na magkaharap kaming dalawa ay nagwawala ang puso ko.
Hindi ko makontrol. Siguro nga may mga bagay talagang sadyang hindi natin makokontrol, dahil magkukusa iyon nang hindi mo napapansin.
Tulala ako habang pinapanood siyang unti-unting naglalakad palapit sa akin. Ilang sandali ay naramdaman ko ang malamig na bagay sa likod ko.
Nilingon ko iyon at nakitang napasandal na pala ako sa sasakyan niya. Napalunok ako nang ibalik ang tingin kay Lazarus.
Ilang dipa na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa.Sandali kong nilibot ang paligid, walang masyadong tao, kahit iyong guard sa may gurad house ay hindi kami nakikita dahil medyo malayo ang kinaroroonan namin sa kaniya.
“A-ahm..” hindi na ako nagiging komportable pa.
Kita ko pa rin ang kulay kahel na sinag ng araw sa kaniyang mukha. Bumilis ang tibok ng puso ko nang halos magtama na ang ilong namin sa isa’t-isa.
Nagsisimula na ring mamawis ang kamay ko at lumalim ang aking paghinga.
Anong gagawin ko? hindi ko rin alam kung bakit hindi ako makakakilos ngayon. Tanging ang mga mata ko lang ang siyang naigagalaw ko.
Halos manikip na ang dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok no’n.
Hahalikan ba niya ako? anong gagawin ko? pipikit ba, pababayaan na lang siya at itutulak dahil mali ang gagawin niya?
Ngunit ang inaasahan kong gagawin niya ay hindi nangyari. Nakaramdam ako ng hiya sa sarili. Halos itago ko ang mukha ko sa kaniya nang ma-umpisa siyang humakbang paatras sa akin.
“Sorry,” aniya. Tiningala ko siya. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang ginawa niya. Siguro nga tama si Loraine sa mga sinabi niya sa akin kanina.
Wala namang problema kung sasagutin ko na siya, basta ang importante ay mas makilala ko pa siya ng maigi.
“S-sige…ahm,” hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin sa inakto niya kanina. Bumuntong hininga ako. Hindi naman sa umasa ako, pero—
“Sure, take care Yzabel.” Hindi natuloy ang iniisip ko nang magsalita siya. Ang kulay kahel na nagmumula sa sinag ng araw ay unti-unting nagiging matapang sa paningin.
Ibinaba ko ang tingin sa kaniyang mukha. Tipid ang ngiti niya.
Ayoko siyang paasahin, ayokong sagutin siya nang wala naman talaga akong nararamdaman para sa kaniya. Ayokong dumatin sa point na isa sa amin ay iiyak dahil sa isang pagkakamali.
Alam ko, hindi dapat ako basta-basta magmadali sa mga ganitong bagay. Hindi ko naman alam kung siya na talaga ang makakatuluyan ko at siguro kung masasaktan man ako o siya sa bandang huli, alam ko bahagi iyon ng aral na kailangan kong matutunan.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...