Kabanata 34

410 5 0
                                    

Kabanata 34

Meet





Ilang araw matapos ang outing namin na iyon ay bumalik sa normal ang lahat. Pagkagising ko ay nasa tabi ko na pala si Lazarus sa kwarto na ni-reserve niya para sa aming dalawa.

Walang kung anong nangyari nang araw na iyon bukod sa bumalik sa dati ang pakikitungo ni Lazarus sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang tanungin tungkol sa kung bakit hindi na sila bumalik pa ni Lorriane nang gabing iyon pero mas nanatili na lang akong tahimik.

Dumating ang Finals namin. Parang kailan lang no’ng sabay sabay pa kami nagpa enroll ng second sem noong mga nakaraang buwan at ngayon ilang linggo na lang at bakasyon na.

“Anong plano niyo ngayong bakasyon?” tanong ni Clint.

Nasa may study shed kami ngayon at kumakain ng meryenda. Wala ang isa naming instructor kaya bakante at dito namin napag-isipang tumambay saglit.

“Mag-o-out of town daw kami sabi ni Mommy, kayo ba?” si Lorraine.

“I’ll stay here para mas makasama ko pa ng matagal si Sabel” natigilan ako sa pagkain nang marinig si Lazarus sa tabi ko na nagsalita.

Kahit hectic ang schedule namin ngayon, hindi pa rin niya nakakalimutan na may relasyon kaming dalawa. Doon ko siya mas nakilala, at doon ko mas ninanais na magpatuloy sa pag-aaral para sa aming dalawa.

Naging mas propesyunal ang pakkitungo ko kay Sir Curwen sa mga lumipas na araw. Kinakausap na lang niya ako sa tuwing may kailangan siya sa akin. Kaya nasanay na rin ako sa ganoong set-up naming dalawa.

“Napaka Corny mo.” sagot ni Lorraine kay Lazarus. Napatitig ako sa softdrinks na iniinom. Ayoko namang mag-isip ng mali pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Kaibigan ko si Lorraine at ayokong masira ang kung ano mang mayroon sa amin ngayon. Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko siyang tanungin noong gabing iyon pero natatatakot ako.

Bumuntong hininga ako. Siguro nga natatakot ako. Siguro nga hindi ko pa kayang pakinggan lahat ng maaari kong malaman.

Pero baka masyado lang akong maraming iniisip kung kaya’t kung ano ano nanaman ang mga pumapasok sa isip ko.

Lumipas ng lumipas ang ilang linggo hanggang sa matapos ang Finals namin. Lahat ay masayaa maski rin naman ako. Pero kung sina Rafael at magbabakasyon sa ibang lugar, ako naman, kailangan kong mas pag-igihan ang pagtatrabaho ko sa mga Villaverde lalo na ngayong wala nang pasok.

Magkakaroon na ako ng pagkakataong matulungan sina manang sa ibang gawaing bahay. Mas naging masungit at moody naman si Sir Curwen at katulad ng dati ay pinapabayaan ko na lang siya dahil alam kong mawawala rin iyon.

“I miss you…” napaiwas ako ng mukha ng akma niya akong hahalikan. Oo aaminin kong namiss ko rin naman siya pero hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng iba lalo na ngayong bakasyon na isang beses lang kaming nagkikita.

“Ano nanamang problema mo?” inis niyang tanong.

“Pagod lang ako Lazarus.” sagot ko. Totoo naman talaga. Pagod naman talaga ako dahil nag general cleaning kami kahapon. Linggo ngayon at off ko ‘tulad ng dating gawi.

Sinundo niya ako hindi kalayuan sa bahay ng mga Villaverde. Kanina ay hindi ko maiwasang hindi magulat nang hindi sinasadyang mapalingon sa second floor ng kanilang bahay at doon ay nakita ko si Sir Curwen na mariing nakatingin sa amin.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon kanina.

“Pagod o dahil hindi mo nanaman makakasama ang amo mo?” nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi niya. Heto nanaman kami.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon