Kabanata 22

381 5 0
                                    

Kabanata 22

Realization





Kanina pa titig na titig sa kwintas ko si Loraine, may kakaibang ngiti na nakarehistro sa kaniyang mukha.

Hindi na kami nakaabot ni Lazarus kanina sa unang klase namin, nagtaka si Loraine kung bakit hindi kami nakapasok na dalawa.

Nahihiya akong sabihin sa kaniya kung anong ginawa namin kanina sa sasakyan. Nagdahilan na lang ako na nasiraan kami habang nasa byahe.

Mukha namang naniwala siya dahil hindi na nagtanong pa.

“Sinabi ko na sayo frenny, sagutin mo na kasi ‘yang si Laz… naku kahit magpustahan pa tayo, hindi lang iyan ang matatanggap mo tuwing birthday or monthsarry niyo!” binaba ko sa mesa ang reviewer ko at binalingan ng tingin si Loraine.

Nakangiti siya pero mukhang nang-aasar. Hindi siya nagrereview dahil makikikopya daw siya sa akin. Sakto lang ang dami ng estudyante sa loob ng canteen ngayon.

Wala pa namang lunch break kaya dito namin napag-isipang tumambay saglit ni Loraine. May quiz kami sa next class namin kaya todo review ako.

Nakapagreview naman ako kagabi kaso nga lang ay nakatulugan ko. Kaya kailangan kong magreview ulit dahil mabilis rin akong makalimot.

Sina Lazarus, Raf at Clint naman ay hindi namin kasama ngayon dahil may meeting sa kanilang team.

Kahit nasa iisang university kami ni Sir Curwen, hindi ko siya masyadong nakikita rito. Medyo malayo kasi ang building niya sa building ng College of Education.

“Hindi naman iyon ang habol at pakay ko Loraine eh,” saad ko. Umiling siya at sumandal sa mono block tinitignan niya ang bagong nail nart niya nang magsalita ulit.

“Oo naman, alam ko rin iyon. Ang point ko lang din kasi, since ito ang unang pagkakataon mong magka boyfriend, bakit hindi mo subukan hindi ‘ba? Experience is the best teacher, ika nga nila.” natawa siya sa huling sinabi.

Binalik ko ang tingin sa reviewer na nasa kamay ko. Punong puno iyon ng mga notes at higlights, may kailangan kong imemorize, pero bigla na lang na blangko ang utak ko dahil sa sinabi ni Loraine.

Hindi rin naman ako bulag sa tuwing nakikita kong pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante tuwing magkasama kaming naglalakad ni Lazarus, marami ng nagkakagusto sa kaniya.

Halata naman iyon dahil sa uri ng tingin ng mga babaeng estudyante na nakakasalubong namin.

Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa Lazarus? Mabait, matalino, Team captain, at may itsura.

Ngayon naguguluhan tuloy ako. Una kong nagustuhan si Sir Curwen dahil nga sa ugali nito at angking kagwapuhan.

Pero parang unti-unting nagbabago ang pananaw ko sa mga bagay bagay ‘tulad nito.

“Ah basta, pakopya ako mamaya ah?” tumango ako sa kaibigan. Ngayon lang siya hindi nagreview. Dati rati naman ay halos ayaw niya akong katabi kapag nagrereview siya dahil minsan ay maingay ako.

“Happy Birthday Maria.” Natigilan ako sa pagbabasa sa reviewer. Binaba ko iyon at tinignan si Loraine. May maliit na kulay white na box sa harapan ko.

Bigla na lang nanlambot ang puso dahil sa nakita. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Inusog niya sa harapan ko ang box na binigay niya.

“Nag-abala ka pa talaga ah,” saad ko. Buong buhay ko, nasanay ako sa simpleng bati lang, hindi iyong ganito. Hindi iyong kabi-kabilaang regalo ang natatanggap ko.

Bigla ko tuloy namiss ang kapatid ko.

“Nako wala ‘yun Sabel, sige na buksan mo na!” excited na sabi niya. napapalakpak pa siya dahil sa sobrang saya.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon