Kabanata 37

415 5 0
                                    

Kabanata 37

Please





“Nasa’n po tayo?” tanong ko nang makababa na kami ng sasakyan. Wala kaming imikan mula nang makaalis kami sa campus.

Hindi ko alam kung nagcutting classes rin siya o baka wala na silang klase ngayon.

Nasa harapan ko ngayon ay isang malaking bagay. Halatang bagong gawa pa ito dahil sa makinis at makintab ang pintura.

White, gray at black ang tema ng kulay ng kabuuan ng bahay. Modern house ata ang tawag sa mga ganitong uri ng bahay kung hindi ako nagkakamali.

Natigilan ako nang tumabi siya sa akin. Ang dalawang kamay niya ang nakapasok sa loob ng bulsan ng pantalon niya habang nakatingal at tinitignan ang bahay.

May gate iyon na kulay itim. Walang itong katabing bahay, tingin ko ay isa sa mga subdivision sa lugar na ito.

“This is my house.” Aniya. Nanlaki ang mata ko. Biglang nawala ang lungkot na kanina ko pa nararamdaman. Nagsimula akong humanga sa kaniya.

Akala ko ay siya iyong tipo ng lalaki na habangbuhay mambababae. May pangarap rin pala ang isang ito.

“Grabe naman po sir.” Biro ko at tumingin sa kaniya. Ang maliit na ngiti na sumilay sa labi ko ay nawala nang makita ko siyang mariing nakatingin sa akin.

“Ahm, may dumi po ba mukha ko?” takang tanong ko. Bakit ba ganito siya kung makatingin ngayon? Sa totoo lan, sa halos ilang linggong nakalipas ngayon lang ulit niya ako tinitigan sa mukha ng matagal.

Madalas kasi ay inuutusan lang niya ako sa ibang bagay, pero ngayon….

“Well, I bought this for my future family,” Dugtong niya. Hindi niya inalis ang mabigat na titig sa akin. Sa totoo lang ay medyo hindi na maganda ang nararamdaman ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Ginagapangan na ako ng hiya dahil sa kaniya.

“Nakita niyo na ba iyong loob sir?’ pag-iiba ko ng topic.

“No, kaya sinama kita.” Tipid na sabi niya. Umawang ang labi ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

“Ah may susi ka naman po diyan Sir?” naiilang kong tanong. Hindi ako makapakali sa kinatatayuan ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako nilulubayan ng tingin.

“Yeah,” aniya. Gumalaw ang kamay niya na nasa bulsa at ipinakita sa ang susi ng bahay.

Napakamot ako sa ulo at muling nagsalita.

“So, pasok na tayo sir?” tanong ko. Hindi niya ako sinagot bagkus nauna na siyang naglakad kaya nasa likuran niya ako.

Binuksan niya ang gate ng bahay hanggang sa makapasok kami. Malawak ang harapan nito, sementado ang ilang bahagi habang ang iba naman ay nanatiling may Bermuda grass na nakatanim.

May malawak rin na epasyo as magkabilang gilid ang bahay. Tumingala ako para tignan kung ilang palapag iyon at halos malula ako dahil hanggang 3rd floor pala.

Hindi pa kasama ang rooftop doon.

“Alam naman po nina Ma’am Leanne ito Sir?” basag ko sa katahimikan, mukhang hindi siya magsasalita hanggang sa matapos naming malibot ang bahay.

“They already know about this,” aniya. Hindi ko sumagot.

Mawalak na espasyo ang bumungad sa harapan namin. Walang pang ibang mga gamit doon. Tama lang sa hinala kong kagagawa pa talaga nitong bahay.

May malaking hagdan na nasa gilid. May malaking bintana ring magkatapat roon.

Ang chandelier na nasa itaas ay nakakalulang tignan. May nakita akong Bar Counter sa dulong bahagi ng unang palapag.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon