Kabanata 12
Nightmare
“Huy! Ang layo naman ng tingin mo? Ano bang tinitignan mo jan? eh wala namang masyadong tao sa bleachers?”
Naputol ang iniisip ko nang gulatin ako ni Loraine. Napabuntong-hininga na lang ako at iniwaksi ang iniisip.
Kasalanan mo talaga ‘to sir eh! Kung hindi mo sakin ginawa ‘yun hindi sana ganito mga iniisip ko ngayon! Haynako.
“A-ah? W-wala, naisip ko lang kung magiging maayos ang klase natin hanggang last sem.” palusot ko.
Mukhang naniwala naman siya dahil hindi na siya nagsalita, nagkibit balikat nalang.
“Sabel? Anong oras na baka late na tayo!” sabi niya, naalarma naman ako at tumingin sa pambisig na relo, 30 minutes pa bago mag alas-nwebe.
“Wala matagal pa, 30 minutes pa.” sabi ko.
“Ahy, buti naman baka kasi malate tayo, nakakahiya masungit pa naman ‘yung prof natin.” Dagdag niya.
Tumango ako sa kaniya. Oo masungit talaga si Prof Solis, ayaw na ayaw niya ay iyong late sa klase niya. Pero kapag siya naman ang late, hindi kami umaangal.
Napagpasyahan namin ni Loraine na ubusin ang oras sa paglalakad papuntang building para narin tamang tama lang kapag nakarating na kami, saka na mag-uumpisa ang klase.
“Kilala mo ba iyong Lazarus na kaklase natin?” Pinapanood ko ang mga estudyanteng naglalaro ng soccer sa may damuhan nang narinig ko si Loraine na nagtanong.
“Ahm, oo kanina lang. Naglalakad kasi ako no’ng biglang gumulong ‘yung bola nila ng mga kasama niya sa paanan ko, kinuha ko tapos dumating siya nagpakilala tapos nagpaalam na.” ibinalik ko ang tingin sa mga naglalaro habang patuloy parin kaming naglalakad.
“Owemji! Ang swerte mo Sabel! Haba ng hair mo ah?! Alam mo bang Pangalawa ‘yang si Lazarus na pinagkakaguluhan ng mga estudyante dito?! Kahit ‘yung mga freshmen! Ang dami ring nagkakagusto sa kaniya!” napalingon ako kay Loraine at kita ko na kilig na kilig siya.
“Oh? Talaga? Eh bakit parang hindi naman siya nilalapitan ng mga estudyante kung gano’ng pinagkakaguluhan nga siya?” tanong ko naman.
“Parehas silang gwapo ni Curwen Brine pero iba kasi itong si Lazarus, siya kasi iyong tipo ng lalaki na hindi basta basta nakikipag usap kahit kanino! Except syempre sa mga kaibigan niyang lalaki! Balita ko nga ay kakaunti lang din ang kaibigang babae pero hindi dito nag-aaral, nasa ibang bansa!” dire-diretso niyang sabi.
Napailing nalang ako, hindi naman ako ganun kainteresado sa Lazarus na ‘yun eh at saka loyal parin ako kay Sir Curwen.
“Hoy sabel! Anong nginingiti ngiti mo diyan ha? Ikaw ha may crush kaba kay Lazarus? Uyy…” nang-aasar na sabi niya.
Umiling ako at dinepensahan ang sarili.
“Hindi noh! nakakatuwa lang dahil may ganun pa palang tipo ng mga lalaki, na hindi babaero” palusot ko nanaman sa kaniya.
“Hays tama ka diyan sabel, sana nga before this year ends eh makahanap na ng katapat niya ‘yang si Curwen Brine! Jusko naman halos mga 80% na mga babaeng studyante rito ay naging jowa na niya!” napailing nalang ako nang marinig ‘yun.
Hindi ko naman talaga masisisi na marami nang naging Girlfriend si Sir Curwen eh, lalo na’t sobrang gwapo niya na parang pinaglihi ni Ma’am Leanne sa isang Greek God!
Nang makapasok na kami sa room namin ay saka lang natigil ang pag-iisip ko sa mga sinabi sakin ni Loraine at kahit na magkatabi kami ay hindi naman na siya nagdadaldal kaya nakinig na lamang ako sa lesson ni Prof.
Natapos ang buwan na iyon sa pagkukuwento sa akin ni Loraine ng kung ano anong nababalita niya sa campus, kapag wala ang prof at bakante namin ay puro chismis ang sinasabi niya.
Halatang napaka updated niya sa nangyayari sa campus, ultimo iyong estudyanteng lalaki sa kabilang seksyon ay alam niya agad kung sino ang pangalawa nitong girlfriend.
Pero kahit na ganun ay malaki ang pasasalamat ko dahil hindi nagsasawa sa akin si Loraine na tipid lang akong magsalita at laging nakikinig sa kaniya.
Wala naman daw problema dun dahil may nagpapasalamat siya na sa kabila ng pagiging madaldal niya ay hindi ako nagsasawa sa kaniya.
Well I can say na parehas lang kaming dalawa.
Sa loob ng isang buwan ay maraming nagbago lalo na sa loob ng klasrum naming, kung dati ay para kaming may sari-sariling mundo, ngayon ay iba na lahat nakikinig kapag may bagong chika si Loraine na hindi pa naming nalalaman.
Halos lahat na ata ng mga bagong balita sa campus ay siya ang unang nakakaalam. Hindi ko alam kung ano ang o sino ang pinagkukuhanan niya agad ng impormasyon.
Kung dati ay kaming dalawa lang ni Loraine, ngayon naman nadagdagan kami. Hindi rin namin halos akalain na magiging ka-close namin si Lazarus pati ang kaniyang dalawang kaibigan na miyembro rin ng basketball team nila.
Sina Rafael at Clint Joseph. Magaan ang loob naming lima sa isa’t-isa kaya walang naging problema sa pagsasama sama namin.
Kahit gustuhin ko mang magsama ng iba naming kaklaseng babae para kahit papaano ay hindi lang kami ni Loraine ang babae ay hindi sila nakakatagal hindi ko alam kung hindi lang sila komportable dahil kay Lazarus.
Baka nga sobra sobra ang paghanga nila kay lazarus kung kaya’t hindi nila nakakayang makasama ito ng matagal.
Sa loob rin ng buwan na iyon ay walang nagbago sa aming dalawa ni Sir Curwen, sa tuwing dismissal na ay agad akong umuuwi at kapag nakikita ko ang sasakyan ni Sir Curwen ay mabilis na akong kikilos para labhan ang uniporme niya, maghain ng kaniyang pagkain sa mesa ay plantsahin ang mga damit niya.
Doon parin naman ako natutulog sa kwarto niya at maayos naman ang tulog ko gabi-gabi. Pero nagbago iyon nang biglang managinip si Sir Curwen noong isang gabi kaya bigla akong naalimpungatan at narinig ko siyang umuungol at pawis na pawis.
Mabilis ko siyang pinuntahan sa kaniyang kama at pilit na ginigising. Ilang minuto rin ang lumipas nang sa wakas ay magising siya.
Agad siyang tumingin sa akin at hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang bilis ng tibok ng puso ko nang tumititig siya sa akin.
Mabilis kong iniwas ang tingin ng mata ko at tumayo para kumuha ng pamunas, nang makabalik ako ay mabilis kong pinunasan ang kaniyang noo, pisngi at braso.
Nang mga sandaling iyon ay nakatitig lamang siya sa akin. Pilit ko naman iyong iniiwasan dahil aaminin kong hindi ako nagiging komportable sa klase ng tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...