Kabanata 30

487 4 0
                                    

Kabanata 30

Guilt





Unti-unting humina ang pagpapatakbo niya sasakyan. Halos mabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makinig siya sa akin.

“Let’s talk,” natigil ako. Ang tingin ko ay napunta lamang sa labas ng sasakayn.

Tinigil niya ito sa gilid ng kalsada. Rinig na rinig ko ang sunod sunod na pagdaan ng ilang mga sasakyan sa gilid namin.

Pinatay niya ang makina at humarap sa akina. Nahigit ko ang aking paghinga dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang tumingin sa kaniya ng harap harapan.

“L-lazarus…” nakakunot ang noong tinawag ko siya.

Bahagya ko siyang nilingon. Umawang ang labi ko nang makita ang pamumula nang mga mata niya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito, Sa halos ilang buwan na magkarelasyon kaming dalawa ay ngayon lang siya naging ganito.

Gusto kong malaman kung bakit, gusto kong malaman kung ano ang dahilan pero natatakot ako.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

“How long have you been living with the Villaverdes’?” gumuhit ang kaba sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang pawis na namumuo sa gilid ng noo ko.

Teka, papaano niya nalaman? Wala namang nakakaalam kundi ako lang? maski si Lorraine ay hindi niya rin alam.

“P-paano mo nalaman?”

“Just Answer me dammit!” napapikit ako dahil sa biglaan niyang pagsigaw. Halos mangatog ang tuhod ko nang makita ang panlilisik ng kaniyang mga mata. Ang pagkuyom ng kaniyang kamao ay dahilan upang mas lalo akong kabahan.

“L-laz, sasabihin ko naman.” Nagmamakaawa kong sabi. Umiling siya at kita ko sa kaniyang mga mata ang pagdisgusto roon.

“Did you two fck?” nanlaki ang mata ko. Marahas akong umiling pero hindi pa rin natitinag ang pag-aakusa sa kaniyang mga mata.

“P-please, pakinggan mo naman ako oh, doon kasi ako nagtatrabaho,” saad ko. Ang luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang tumulo.

Dire-diretso ang pagtulo no’n hanggang sa maramdaman ko na ang mga patak sa kamay ko.

Rinig na rinig ko ang mga sasakyan as gilid namin, ang sikat ng araw ay unti-unti ring tumatama sa kaniyang mukha at nararamdaman ko iyon sa aking likuran.

“I didn’t expect this from you.” Natigilan ako sa lamig ng boses niya.

“Do you even plan to tell me?” asik niya. Rinig ko ang mabibigat na paghinga niya.

Balak ko talaga Lazarus. Sasabihin ko naman sa ‘yo pero hindi ko alam kung kailan, ito ang kinatatakot ko. Iyong darating ang panahon na siya na mismo ang makakadiskubre.

Hindi sa ganitong paraan koi to ginusto at inaasahan.

“Sana pakinggan mo naman ako Lazarus.” Hindi siya sumagot. Humugot ako ng malalim na hininga bago muling magsalita.

“Hindi…” umiling ako. “W-walang nangyari sa amin.” sabi ko.

“But you like him don’t you?” asik niya. Suminghap ako. Bigla akong nautal. Hindi ko alam kung bakit biglang hindi ko na mahanap ang boses ko.

Wala akong ibang maisip kundi ang yakapin siya. Ngayon lang ako natakot ng husto sa kaniya. Ngayon palang ako naging duwag at para bang naging paralisado sa harap niya.

“O-oo, may gusto ako sa kay S-sir Curwen pero wala na iyon,” nanghihina kong sabi.

“Unbelievable.” Umiling iling siya habang nakatingin sa akin.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon