Kabanata 21
Make-out
Nang gabing iyon ay dumating nga sina Ma’am Leanne. Hindi ko na rin pinalagpas pa ang pagkakaton at agad na sinabi sa kanila kung pupwede akong umalis ng sabado at linggo.
“Yes! Of course Maria, actually dapat nga ay Linggo ang day-off mo. Since nabanggit mo iyan, I forgot na sabihin rin sa’yo na every Sunday ay day-off mo. Walang magagawa si Curwen diyan dahil hindi naman siya ang nagpapasweldo sa’yo. And don’t worry I’m gonna tell him.”
Nagpasalamat ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagbabasa ng mga reports sa study room nila. sobrang bait talaga ni Ma’am Leanne!
Bibihira na lang kasi ang mga amo na katulad niya!
Kinaumagahan at balik ulit sa dati, pero hindi na ako sa kwarto ni Sir Curwen natutulog, simula nang pabalikin niya ako sa maids quarter ay hindi na niya muling pinapunta sa kwarto niya para doon matulog.
Mabti na rin iyon para sa aming dalawa. Ayoko namang malaman nina Ma’am Leanne ang tungkol doon at isa pa, hindi magandang tignan. Kahit sabihin nating personal na maid niya ako, still babae pa rin ako at lalaki pa rin siya.
At katulad rin ng mga nakaraang araw, nasa bungad na ng subdivision si Lazarus tuwing umaga, hinihintay ako para sabay kaming pumasok.
“This is for you,” si Lazarus nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan niya.
Hindi pa niya iyon pinapaandar at nasa gilid lang kami ng kalsada.
Nakalahad sa akin ang isang maliit na box, kulay green iyon. Kumunot ang noo ko habang papalit palit ang tingin sa kaniya at doon sa bagay na hawak hawak niya.
Nang mapansing wala akong balak kunin o buksan, siya na ang mismon nagbukas no’n para sa akin. Nanlaki ang mata ko, umawang ang labi ko at natulala nang makita kung anong laman no’n.
Isang silver necklace na may diamond na pendant, kumikinang iyon lalo na sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw.
“B-bakit?” takang tanong ko.
“Birhday gift?” aniya. Natigilan ako. Mabilis kong kinuha ang phone sa bag ko at tinignan ang petsa ngayon.
June 28. Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam na birthday ko pala!
“T-thank you!” walang paglagyan ang saya na nararamdaman ko ngayon. Sa isang iglap ay nakita ko na lamang ang sarili kong niyayakap siya.
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakatanggap ng ganito ka-gandang regalo! Sobra sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon, para akong nakalutang sa ere!
“You’re welcome Yzabel, as always,” aniya nang humiwalay na ako sa ilang segundong yakap ko sa kaniya. Natigilan ako nang maramdaman ang pagdampi ng kaniyang hinlalaki sa ibaba ng aking mata.
Umawang ang labi ko dahil sa ginawa niya.
“Why are you crying? It’s your birthday today, you should be happy!” may ngiti sa kaniyang labi nang sabihin iyon.
Nakakaiyak ang sobrang kasiyahan. Umpisa pa ang ng araw ko at sobrang saya na! sana magtuloy tuloy hanggang mamaya.
Hindi ko naman kailangang makarinig ng mga bati galing sa ibang tao. Sapat nang iyong mga malalapit lang sa akin ang makaalam ng espesyal na araw ko.
“Turn your back on me.” Utos niya. Tumango ako at tumalikod na sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng kwintas nang dumampi iyon sa aking balat.
Tumatama rin sa batok ko ang mainit niyang hininga. Nagsimulang bumilis ang takbo ng puso ko dahil doon. Mas lalo akong nanghina nang my malambot na bagay akong naramdaman sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...