Kabanata 43

539 4 0
                                    

Kabanata 43

Mommy





“So? What’s your plan now?” kinuyom ko ang aking kamao. Walang talaga siyang hiya kahit kailan! Alam kong madami siyang pera pero bakit naman ganito pa?

“Ano pa bang kailangan mo Curwen?”

“You,” aniya.

Umawang ang aking labi at nilingon siya nang hindi makapaniwala.

“Alam mo na ang sagot ko diyan,” giit ko at tinikom ang bibig. Pinapanatili ko ang kalmado kong postura ngunit naghaharumentado ang sa bilis ang puso ko.

Kung noon ay nagawa niya akong mapaikot, ngayon sisiguraduhin kong hindi na.

At hindi ko hahayang gamitin niya ang bata para lang makuha akong muli sa kaniya.

“I’m working right now Sir Curwen, so if you don’t mind, I need to go.”

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsilay ng nakakaloko niyang ngisi, kating kati na akong makitang mawala iyon sa labi niya.

Kanina nang matapos ang meeting namin ay agad niya akong kinausap, mabuti na lamang ay hindi nagtaka ang iba kong co-teachers.

Inayos ko ang mga gamit ko at lumabas na, ngunit habang naglalakad ako pababa ng second floor ay may narinig akong mabibigat na mga yabag na waring sumusunod sa akin.

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Alam kong siya iyon, amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango na sa kaniya ko lang naamoy.

Sa lumipas ng mga taon ay hindi ako binigyan ng pansin ang mga sumubok na manligaw sa akin. Hindi naman talaga ako kagandahan pero bakit parang ang dami daming gustong sumubok noon?

Hindi ko sila binigyan ng motibo para magpatuloy. Nang makapasa kami ni Lorraine sa LET ay sunod sunod na rin ang mga opportunities na dumarating sa akin. Maski ang kapatid ko nang makagraduate rin siya nang sumunod na taon.

Araw araw ay iba ibang mga bulaklak ang dumarating noon sa apartment namin. Nagtataka ako kung kanino galinga ng mga iyon at wala naman akong ibang paglalagyan kaya dinadala ko ang karamihan sa kanila sac enter at binibigay sa mga co-teachers ko.

Minsan naman ay may nadadatnan akong cake sa lamesa namin. Hindi ko na kailangan pang tanungin si Benedict dahil hindi rin niya alam kung sino ang nagbigay.

Ilang buwan ring gano’n noon, pero hindi naglaon ay para bang nagsawa iyong nagbibigay sa akin, dahil pa-unti unti, ay nagiging tatlo o dalawang beses na lang sa isang linggo ang pagpapadala ng mga gano’ng bagay sa apartment namin.

“Let me drive you.” Tumigil ako sa paglalakad at mabilis na hinarap siya. Seryoso ang mukha niya at walang mababakas na ngiti o pang-aasar doon.

“Hindi na kailangan, kaya ko ang sarili ko,” sabi ko. The side of his lips rose upon hearing what I said.

“I insist,” dagdag niya. Inilingan ko siya at tumalikod na. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makababa kami sa may hagdan at bumungad sa amin ang first floor na sandamakmak na mga paninda ang makikita.

Nakikita ko ang bawat tingin ng mga taong nadadaanan namin palabas ng palengke. Ang ibaa’y nagbubulung-bulungan ngunit hindi rin mawawala ang ilang taong kilala ko na bumabati sa akin.

“Magandang hapon rin po sa inyo Manong,” bati ko pabalik sa isang tricycle driver.

“Did you know that guy?” hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala siya at sabay na kaming naglalakad.

“Why did you ask?”

“You shouldn’t talk with some stranger like him. You didn’t know him Yzabel,” aniya.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon