Kabanata 16

363 5 1
                                    

Kabanata 16

Flavour of the Month





“Hatid na kita?” mabilis akong napalingon kay Lazarus, hindi rin nakatakas sa akin ang mapanuring mga mata ni Loraine sa aming dalawa.

“Mukhang may ipapaliwanag ka sa akin Ysa?” tanong niya. Pabiro akong tumawa pero seryoso ang tingin niya sa akin.

Nang makabalik kami kanina ay wala nang naging pagkakataon si Loraine para tanungin ako tungkol sa pinag-usapan namin nina Lazarus.

Kaming tatlo lang ang magkasama ngayon. Nauna na kasing umuwi sina Clint joseph dahil sa isang personal na dahilan.

“Ah kasi ano…”

“I’m courting her Loraine.” Nanlaki ang mga mata niya habang pabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Lazarus.

“K-kailan pa?!” hindi makapaniwala niyang tanong.

“A-ahm, ngayon lang,” alanganin kong sagot. Napakamot ako sa gilid ng aking mata habang nakatingin kay Lazarus.

“K-kaya ba kayo nag-usap kanina?” naningkit ang kaniyang mata at napatakip ng bibig nang tumango si Lazarus.

“Seryoso?! ‘di nga?” aniya.

Umiling ako at natawa.

“Oo nga, seryoso Loraine.” Kumpirma ko. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang sumigaw na siyang nakakuha ng atensyon ng ibang mga estudyante sa loob.

Naglalakad kami palabas ng campus habang tinanong iyon ni Lazarus.

“Ano sabel?” ulit ni Lazarus. Napakamot ako sa ulo habang tinitignan ang mga estudyanteng kasabay namin na papalabas.

Paano ba ito? Hindi ko siya pwedeng padiretsuhin sa bahay na tinutuluyan ko. Malamang magtataka siya at ayoko namang malaman niya na kina Sir Curwen ako nagtatrabaho.

“S-sige pero doon lang sa bungad ah?” sabi ko. sandali siyang natigilan.

“Sure no problem, but are you safe?” dagdag niya.

“O-oo naman! Kilala ako doon sa amin kaya walang problema,” pagsisinungaling ko. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng campus.

“Promise ikwekwento ko sa’yo bukas!” bulong kon sabi kay Loraine.

“Siguraduhin mo lang!” pinanlakihan niya ako ng mata kaya wala akong nagawa kundi tumawa na lang at panoorin siyang sumakay sa isang itim na sasakyan.

Naiwan kaming dalawa ni Lazarus sa may harapan ng School. Walang nag-iimikan sa aming dalawa. Anong oras na ba? Kailangan ko nang makauwi dahil baka mapagalitan pa ako ni Sir Curwen.

“L-Laz..”

“I’ll just—“

Natigilan kaming dalawa at hindi napigilang matawa. Umiling ako at tinignan siya.

“Ikaw muna,” sabi ko.

“Ahm I said I just need to get the car from the parking area, can you wait for me here?” umawang ang labi ko at wala sa sariling tumango na lang.

Hindi nagtagal ay may napansin akong pamilyar na itim na sasakyan. Nanlaki ang mata ko nang makumpira ko nang kay Sir Curwen ang sasakyan na dumaan sa harapan ko. minemorize ko ang plate number ng kaniyang mga sasakyan para hindi nakakalito.

Napalunok ako at mabilis na napaatras, pero kumunot ang noo ko nang makitang sandali itong tumigil sa may gilid at bumukas ang kabilang bahagi ng pintuan. Naningkit ang mata ko nang mapansing babae iyon at kabilang sa Nursing college.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon