Kabanata 33

397 5 0
                                    

Kabanata 33

Sa’yo





Walang ibang tao bukod sa akin nang lumabas ako galing sa banyo.

Akala ko ay ayos na kami. Napag-usapan na namin na pag-iisipan ko pa kung papayag ako sa alok niya. Pero wala akong sinabing oo.

Bakit bigla bigla na lang siyang aasta na gano’n? it’s very unusual for him.

Sa halos ilang linggo na magkarelasyon kami ay hindi siya gano’n. Siya iyong tipo ng tao na mahaba ang pasensya, maalalahanin, marunong umintindi at sa pagkakaalam ko, hindi naman siyang moody.

Tanaw na tanaw ko na ang dagat nang makalabas ako. Hinigpitan ko ang kapit sa suot suot kong cover na hanggang taas ng tuhod.

Hindi ako sanay na pinagtitinginan ng mga tao dahil sa damit ko.

Malamig ang simoy ng hangin dahil gabi na. Mas dumagdag pa dahil nasa dagat kami.

Mas dumami ang mga taong nagsasayawan sa kabilang dako ng resort. Patuloy pa rin ang banda sa pagpapatugtog ng mga reggae. Tugtugin na bagay na bagay dahil nasa dalampasigan ka.

Nakita ko na sila. Natigilan si Lorraine nang dumapo sa direksyon ko ang mata niya. Kinawayan niya ako kaya wala akong nagawa kundi lapitan sila.

“Mukhang madami na ‘to.” Komento ko nang makita ang ilan sa mga naihaw na nila na seafoods.

“Ano? Simulant na ba natin?” Lahat kami ay napalingon sa kararating lang na si Raf, sa kaniyang kamay ay isang case na sa tingin ko ay beer. Natawan si Clint at mabilis na tinulungan si Raf sa pagbibitbit no’n.

Nilagay nila iyon sa may gilid. Si Lazarus ay hindi ko makita.

Ayoko muna siyang pansinin hangga’t maaari, siguro mas Maganda kung pareho kaming magpalamig na muna. Lalo na siya. Hindi ko alam kung ano talagang nakain niya at bigla na lang siyang naging gano’n kanina.

“Kamusta?” si Lorraine habang inaayos namin ang iilang paggatong sa gitna. Mag bobonfire kami maya maya matapos kumain.

“Anong kamusta?” tanong ko pabalik. Kinuha niya ang isang kahoy at inayos iyon sa ibang kahoy na nailagay ko na.

“Mukhang nag-away kayong dalawa kanina ni Lazarus?” natigilan ako, pumako ang mata ako sa kahoy na nasa kamay ko.

Matagal bago ako nakabalik sa wisyo.

“Ah, oo may hindi lang pagkaka-intindihan.” Sabi ko. Nilagay ko na ang kahoy sa harapan. Nanatili ang isang maliit na siwang sa harapan no’n mamaya ay handa nang sindihan.

“Nagulat nga ako kanina dahil bigla niyang binuksan iyong pinto, naramdaman ko na agad kung anong ibig niyang sabihin kaya nagmadali akong lumabas,” kwento nito. Hindi ako nagsalita, patuloy lang ako sa pakikinig sa kanila.

“Tapos kanina naman , mga ilang minuto bago ka dumating , nakita ko siya na naglalakad papunta sa kabilang bahagi n resort. Halatang badtip dahil nakakunot iyong noo. Hindi ko naman nilapitan dahil tinutulungan ko sina Raf dito.” Patuloy niya.

“Hayaan na muna natin, nagpapalamig lang siguro ng ulo, “ kako naman. Hindi na siya nagsalita pa. Sabay kaming tumayo para maayos na ang maliit na mesa. Pamilyar ang mesa na ito dahil ito iyong nakita ko kanina sa loob nang makapasok kami.

“Pinahatid iyan ni Lazarus kanina sabi ni Raf, no’ng nagpalit tayo ng damit.” Aniya.

“Maganda pala iyong ganito, kapag gabi na maliligo ka sa dagat. Walang masyadong papansin dahil medyo madilim at hindi pa mainit.” Si Lorraine habang inisa-isa namin ang paglalagay ng mga pagkain sa mesa.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon