Kabanata 28

408 5 0
                                    

Kabanata 28

Stay





Alam ko naman na simula palang noong una ay hindi na ako gusto ni Sir Curwen. Hindi naman ako bulag o manhid para hindi iyon maramdaman.

Oo gusto ko siya, pero dati iyon.Noong mga panahon na hindi ko pa nakikilala si Lazarus. Mabuti nga at dumating si Lazarus sa buhay ko. Dahil kung hindi ay baka hanggang ngayo’y nagtitiis pa rin ako sa ugali na mayro’n siya.

Anong karapatan niya para gawin iyon? hindi naman siya ang nagbigay at bumili no’n. Oo pinagsisilbihan ko siya pero sobra naman na pati ang personal kong buhay at gamit ay pakikialamanan niya.

Nang araw na iyon ay hindi ko siya kinibo. Wala rin naman siyang pakialam kung hindi ko siya pinapansin basta’t sinusunod ko ang mga utos niya.

Dumating ang midterms namin at pati sina Lorraine at abala na. Saka na lang kami gigimik kapag tapos na ang exam tutal ay wala naman akong ginagawa tuwing linggo.

Lumipas ng lumipas ang mga araw at wala pa ring pagbabago sa turingan namin ni Sir Curwen. Doon ko mas naintidihan na dapat ang paraan ng pakikitungo ko sa kaniya at dahil lang sa trabaho.

Nag-uuwi pa rin siya ng mga babae sa bahay, agad niyang dinideretso sa loob ng kwarto niya at kinabuksan na lalabas para ihatid ang babae sa labas.

Iniiwas ko na lang ang tingin ko tuwng nagkakasalubong kami sa daan.

Minsan ay hindi niya ako nilulubayan ng tingin kapag nasa loob ako ng kwarto niya para kunin ang mga damit niyang kailangan labhan.

“Ako na po diyan manang,” agad namang binigay sa akin ni Manang Ros ang tray na may lamang isang mangkok na mainit na sabaw, may isang basong tubig rin na naroon at isang gamot.

Nagkasakit siya dahil naulanan noong nakaraang araw. Nag-uusap kami ni Lazarus sa loob ng kotse niya at nang makarating na sa bahay ay sakto naman ang pagdating ni Sir Curwen.

Pinanood ko siyang bumaba no’n sa sasakyan pero gano’n na lang ang gulat ko nang makitang basang basa siya.

“Sir!” hindi ko napigilang hindi mag-alala dahil sa nakita. Kahit hindi maganda ang turing niya sa akin ay hindi ko naman pwedeng ipagsawalang-bahala ang kapakanan niya.

Dahil kung tutuusin ay trabaho ang pinunta ko rito. Trabaho itong ginagawa ko at isa siya sa mga responsibilidad ko.

“Pagpasensyahan mo na kapag nasigawan ka ha? Kanina pa ‘yan nagwawala sa kwarto,” dagdag ni Manang Ros sa akin.

“Ayos lang po, sanay naman na po ako.” sagot ko. Tumawa si Manang at tinuon na ang pansin sa niluluto.

Kailan naman siya hindi sumigaw sa akin? Kung tutuusin ay nagiging mabait lang siya kapag kasama niya ang babae niya sa kwarto lalo na kapag tinatawag niya ako.

Nakarating ako sa harapan ng kwarto niya. Binuksan ko iyon at hindi na nag-abalang kumatok pa. naamoy ko ang pabango niya sa siyang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto.

Mahimbing siyang natutulog sa kama. Halos manginig ako dahil sa lamig ng aircon na nanunuot sa balat ko. Naglakad ako papunta sa gilid ng higaan niya at nilapag sa bedside table niya ang tray.

Umupo ako sa sahig kaharap niya. Nakatagilid siya at kitang kita ko ang pamumulta ng mukha niya. Kung hindi lang sa ganoong sitwasyon tayo unang nagkita, may posibilidad kaya sigurong magustuhan mo ako kahit papano?

Dahan-dahan kong inilapat ang palad ko sa noo niya. Nahigit ko ang aking hininga nang maramdaman ang sobrang taas ng kaniyang temperatura.

Humugot ako ng malalim na hininga at saka tumayo. Tumungo ako sa walk-in closet niya at kinuha ang isang putting towel sa maliit na drawer doon.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon