Kabanata 29

396 5 0
                                    

Kabanata 29

Discovered





Hindi ko alam na nakatulog pala ako ng oras na iyon. Mabuti na lamang ay nagising rin ako ng saktong 6 pm.

Bumaba ako saglit para kumuha ng panibagong sabaw para kahit papano’y gumaan naman ang pakiramdam niya.

“Ako na hija,” ani Manang Ros. Tumango ako at hinayaan siyang magsalin ng no’n sa panibagong mangkok.

“Kamusta na ang alaga mo?” tanong niya. sumandal ang sink ng lababo habang hinihintay si Manang Ros.

“Ayos naman po. Medyo bumaba na rin ang lagnat niya kahit papaano.” Sagot ko.

Malakas pa rin ang ulan sa labas.

“Gagaling rin si Sir, ‘wag kang mag-alala. Magaling ka kaya.” Anito. Kunot noo kong nilingon si Manang.

“Hindi naman po Manang, nasanay lang ako noon sa kapatid ko kapag nagkakasakit,” sagot ko. Pinanood ko ang paglalagay niya ng panibagong plato sa ilalim ng mangkok. Kita ko ang usok na lumalabas doon.

Simula nang mawala ang mga magulang namin, ako na ang tumayong ina at ama ni Benedict.  Sa loob ng ilang buwan ay kaming dalawa lang ng kapatid ko, hanggang sa dumating si Auntie Merly, ang kapatid ng Ina namin.

Siya lang ang kamag-anak namin na malapit sa amin, kaya siya ang kumupkop sa aming dalawa ni Benedict.

Nag-iisang anak lang ang ama namin at wala na rin ang mga magulang nila, kaya mabuti na lamang ay nahanap kami ni Auntie Merly matapos ang ilang buwan.

Isang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang aksidente na iyon.  Mabuti na nga lang at hindi kami tinakasan noong nagmamaneho ng sasakyan na siyang nakabangga kina Mama.

Ito ang sumaot sa lahat ng bayarin at libing kaya hindi na rin kami nag-atubili na magsampa ng kaso sa nakabangga.

Nang matapos si Manang Ros ay kinuha ko na ang mangkok at hinatid sa itaas.

Nang mabuksan ko ang pinto ay bumungad sa harapan ko si Sir Curwen na nakaupo. Matamlay ang mukha niya at nakatitig sa harapan ko. Para bang inaabangan ang pagpasok ko sa kwarto niya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at pumasok. Ramdam na ramdam ko ang mga mabibigat na titig niya. Ang bawat pagdapo ng tingin niya ay nagiging rason kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nakikisabay iyon sa matinding buhos ng ulan sa labas.

Malakas talaga ang pakiramdam ko na walang pasok sa susunod na linggo.

Nilapag ko ang mangkok sa may study table niya. Alam kong hindi pa rin nawawala ang titig niya sa akin. Gano’n rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

Paano ko ba siya aalukin na kailangan na niyang uminom ng gamot? Baka magalit ay masigawan nanaman ako ng wala sa oras.

Nanatili ako sa gilid niya. Hindi alam kung ano ang susunod na pwedeng gawin. Ibinuka ko ang labi, baka sakaling mailabas ang nasa isip kanina pa pero naputol iyon nang humarap siya sa akin.

Inalis niya ang makapal na kumot na nasa paanan niya. Umupo siya sa may dulong bahagi ng kama at nakatingala sa akin.

Maganda ang hugis ng kaniyang mga mata, ang makakapal niyang kilay ang nagbibigay ng intensidad sa bawat emosyon na lumalabas sa kaniyang mga mata.

Ang labi niyang manipis pero namumula ay hindi rin nawala sa paningin ko. Namumutla siya pero nakakapagtaka dahil iyon lang ang tanging bagay sa mukha niya na may kulay.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon