Kabanata 42

522 3 1
                                    

Kabanata 42

Boss





Hindi nga bumalik si Benedict nang makauwi ako galing sa tutorial center. Halos walang natira sa mga gamit dito sa apartment na inuupahan namin.

Maski ang mga gamit ko pati na rin damit ay dinala niya. I frustratedly combed my hair using my fingers as I gaze the empty space.

Kahit kailan talaga lahat nalang ay nagagawa niya. Kahit anong bagay basta gusto niya ay nangyayari.

Pero kung inaakala niyang susunod ako sa gusto niyang mangyari at sa sinasabi niyang bakasyon? Nagkakamali siya. Hindi niya ako basta basta nalang pwedeng utusan!

Kung noon napatawad ko si Lorraine at Lazarus dahil sa ginawa nila sa akin, ngayon hindi ko alam kung magagawa ko pang magpatawad.

Tanggap ko na kung anong nangyari noon, tanggap ko na hindi kami ni Lazarus hanggang huli pero iyong pangyayari na habang buhay ko atang isasama sa hukay ko ay hinding hindi ko matatanggap.

Sinong mag-aakala na magagawa niya akong pagsamantalahan? Oo naging marupok ako dahil kay Lazarus, uminom ako hanggang sa umikot ang paningin at ang mundo ko pero hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin.

Ginamit niya ang kawalan ko ng malay para doon. Pero akala niya magagamit niya iyon laban sa akin?

Maski ang custody ng bata nang maipanganak ko ay binigay ko na sa kaniya kaya ano pang kailangan niya? gusto niyang bayaran lahat ng nagastos niya mula nang sanggol pa ito hanggang sa lumaki na?

Hindi naman pupwede iyon dahil may pinirmahan kaming kontrata. Nakasaad doon ang paglilipat ko ng kustodiya ng bata sa kaniya ay kasama na rin ang mga gastusin na siyang aakuin niya.

Walang nakasaad doon na babayaran ko o ilalabas kong pera. Siya ang aako sa lahat, siya ang responsible sa kalagayan ng bata, nasa kaniya ang karapatan at desisyon kung anong gustong niyang gawin.

Asa siya na makikinig ako dahil sa kaniya.

“Sorry to hear that Sabel, pero sa totoo lang ay matagal ko nang alam ang tungkol sa anak mo at kung saan sila nakatira.” Umawang ang labi ko. Hindi makapaniwala kong tinignan si Lorraine habang kumakain kami ng lunch namin dito sa loob ng tutorial center.

Ilang ang lumipas pero hindi bumalik si Benedict sa apartment kaya napilitan akong bumili ng gamit at damit ko. Ayokong pumunta sa bahay na iyon at baka isipin pa niya na mahigpit ang pangangailangan ko.

“A-ano? Pati ikaw Lorraine?” tumango siya at iniwas ang tingin sa akin.

“Alam kong hindi maganda ang nangyari sa inyo dahil sa…kasalanan namin noon ni Lazarus sa ‘yo. Alam mo kung gaano kami nagsisisi noon pero alam nating pareho na hindi ko kailangang sabihin sa ‘yo ang tungkol sa anak mo dahil gusto kong ikaw mismo ang makaalam,” aniya.

Bigla akong nawalan ng gana. BInitawan ko ang kubyertos at ininom ang natitirang tubig sa baso ko.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at kung anong dapat pang sabihin.

Hindi ko masisisi si Lorraine sa ginawa niya. Hindi ako galit dahil alam niya, hindi ako galit dahil mas nauna niyang nalaman. Galit ako sa sarili ko.

Sa ilang taong pagbubuo ko ng sariling pader sa harapan ko, ngayon ko lang naramdaman ito. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa sarili ko.

Sobra akong naguguluhan. Alam ko sa sarili ko na noon ko pa binitawan ang responsibilidad bilang isang ina sa bata pero bakit ganito? Bakit naninikip ang dibdib ko?

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon