Kabanata 23

376 4 0
                                    

Kabanata 23

Hate





Nang maihatid ako ni Lazarus sa bungad ng subdivision ay hindi na siya nagtagal pa, kailangan pa kasi niyang asikasuhin ang Lesson Plan nang sa ganoon ay makapag umpisa na rin kami.

Kanina kasi ay binigay na niya sa amin kung anong bahagi ang gagawin namin, at kailangan matapos muna niya ang unang part para makapagsimula na rin kami.

Ilang beses pa akong nagpasalamat bago siya umalis. Hindi ko talaga akalain na may matatanggap ako ngayong regalo.

Ilang minuto na ang nakalipas nang umalis siya, pero nanatili pa rin ako sa gilid ng kalsada kung saan ako nagpababa.

Hinawakan ko ang kwintas na galing sa kaniya. Hindi ko alam na magiging masaya ang araw ko ngayon.

Tumunog ang phone bigla, kunot noo kong kinuha iyon galing sa bag ko. Nakita ko ang pangalan ng kapatid ko sa screen, si Benedict. Tumatawag.

Pinindot ko ang kulay green na button para sagutin ang tawag.

“Happy Birthday Ate!” bungad niya sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras. Mabuti nalamang at wala masyadong tap dito sa pwesto ko ngayon kundi ay baka pinagtitinginan na ako.

“Salamat Ben, sorry hindi ka muna malilibre ni At, after ng demo namin kita tayo ok?” bigla akong nangulila sa kaniya. Kaming dalawa na lang ang magkasama pero magkalayo pa.

Kung sana’y kasama pa namin sina Nanay ay hindi sana kami ganito kahirap.

‘Wag kang mag-alala Ben, gagawin ni ate ang lahat para muli na tayong magkasama at hindi na aasa pa sa ibang tao. Sabi ko sa sarili.

“Naku ayos lang iyon Ate. Alam ko naman na busy kayo, maski rin naman ako ay busy ngayon dahil sa puro activities at quiz ang ginagawa namin, samantalang unang buwan pa lang ng pasukan,” rinig kong reklamo niya.

“Ganyan talaga kapag nasa kolehiyo na, basta tawagan o i-message mo nalang ako kapag may kailangan ka ok? Mag-iingat ka palagi Ben.” Hindi ko masyadong narinig ang sinagot niya dahil sa biglang pagdaan ng isang pamilyar na sasakyan sa harapan ko.

Sinundan ko iyon nang tingin at nang makita ang plate number nito ay agad nanlaki ang mata ko nang malamang si Sir Curwen pala ang sakay no’n!

Nagmadali akong maglakad pauwi, malamang pagagalitan nanaman niya ako dahil sa anong oras na ako nakauwi.

Lakad takbo ang ginawa ko para munahan siya sa pagpasok sa loob. Hindi nakalagpas sa panigin ko ang pagbaba niya mula sa sasakyan at binuksan ang backseat.

Napalunok ako at agad na pumasok. Diretso agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit, hindi na ako nakapag-ayos dahil sa sobrang kamamdali.

Nadaanan ko pa sina Manang Ros na abala sa pagluluto.

Ano kayang mayro’n at mukhang may darating na bisita mamaya?

“Good afternoon po Ma’am Leanne,” bati ko sa kaniya nang madaanan ko siya sa sala. Sa likod na bahagi kasi ako dumaan dahil may shortcut doon papunta sa mag maids’ quarter.

Umangat ang tingin niya sa akin mula sa cellphone na nasa kamay niya. Sa kaniyang gilid ay isang baso ng orange juice na nakalahati na.

Sobrang ganda ni Ma’am Leanne, kaya hindi nakakapagtag na ang ganda at ang gwapo rin nina Ma’am Thea at Sir Curwen.

“Maria, wait,” natigil ako sa paglalakad sa may hagdan nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Nakangiti ko siyang hinarap pero sa totoo lang ay nagtataka at medyo kinakabahan ako.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon