Kabanata 32

411 5 0
                                    

Kabanata 32

Komplikado



“Hindi ba masyadong revealing ito?” tanong ko habang pinapasadahan ng tingin ang one piece na kulay itim.

Napakamot sa ulo si Lorraine habang inisa-isa ang mga damit na pinadala kanina ng isang Hotel Staff sa kwarto kung nasaan kami ngayon.

Pahihiramin na niya sana ako ng kulay dilaw niyang two piece nang bigla na lang dumating ang isang staff at binigya ang limang bathing suit. Tatlo doon ay one piece ay ang dalawa naman ay two piece.

Kahit hindi sabihin sa akin noong staff ay kilala ko na kung sino ang nagpadala nito sa akin.

“Ayos naman ‘yan ah? Saan ka ba nakakita ng bathing suit na hindi reaveling?” napangiwi ako nang sabihin niya iyon.

Kinamot ko ang kanang pisngi ko. Sa 20 years ko sa mundo ay ngayon lang ako makakapag suot ng ganito. Bilang isang education student, iniiwasan namin na magkaroon ng tuksuhan kapag may ganitong mga outing lalo na kapag hindi inaasahang makakasalubong namin ang isa sa mga ka-batch namin.

Marami kasing nagsasabi na kailangan mong iakma ang pananamit mo sa uri ng lipunan o sa uri ng pag-aaral mayroon ka.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko namalayang nawala na pala sa paningin ko si Lorraine, at hindi nagtagal ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng banyo.

Halos umawang ang bibig ko nang makita ang itsura niya. Umikot pa siya para maipakita sa akin ang kabuuan niya.

Nakasuot siya ng two piece color gray bikini. Mas matangkad ako ng kaunti kumpara sa kaniya. Nakalugay ang mahaba  niyang buhok. Ang kurba ng katawan niya ay sakto lang.

Halos wala rin siyang fats na makikita sa tiyan niya. Hindi rin gaanong kalaki ang hinaharap at may masasabi rin ang pang-upo niya.

Natigilan ako. Mukhang hindi ko ata bagay itong mga ganitong suot, ok na sa akin ang rush guard kaysa sa ganitong mga bikini.

“Anon a? suot mo na, malamang kanina ka pa hinihintay ni Lazarus.” kinikilig na sabi niya. Wala sa minutong inirapan ko siya na siyang ikinitawa niya.

“Hintayin mo ako ah?” habol. Umuo siya kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng banyo. Nang maialis ko na ang damit ko ay saka ko sinunod ang one piece na kulay itim kong bikni.

V-neck ang style no’n sa may dibdib at may hugis pabilog naman sa magkabilang gilid ng baywang. Mas malaki ang hugis V ng bikini sa likod na bahagi.

Baka naman kaunting galaw ko ka lang dito ay kita na ang gilid na hinaharap ko?

Tinignan ko ang sarili sa salamin. Hindi naman gaanong kalakihan ang dibdib ko kumpara sa ibang mga babae. May kaunting bilbil rin naman ako. Hindi ko maharap mag-exercise dahil wala naman akong oras para doon.

Tatalikod na sana ako nang bumungad sa akin ang mukha ni Lazarus.

“L-Laz…” hindi ko makapaniwalang sabi. Nilingon ko ang likod niya at mukhang siya lang mag-isa.

Teka, anong ginagawa niya dito? Mabilis kong napasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Katulad nina Raf at Clint, naka boar shorts siya at walang damit pang itaas.

Nitong mga nakaraang linggo, napapansin kong parang nag-gy-gym ang isang ito. Ayaw ko naman siyang taungin dahil buhay naman niya at kahit anong gusto niyang gawin ay alam niyang susuportahan ko naman siya.

“You look….hot.” aniya. Nagtaas baba ang tingin niya sa akin.

“S-si Lorraine?” hindi ko alam kung bakit ako nauutal, naglakad na siya palapit sa akin. Hindi niya ako sinagot bagkus ay naramdaman ko na lang ang malamig na tiles ng lababo ng CR sa likuran ko.

Love me Please✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon