Kabanata 9
Maria Yzabel
First Day
Dumating ang unang araw ng pasukan at maski ako ay sobrang excited na. Dito rin kasi mag-aaral ang kapatid kong si Benedict na freshmen sa kursong Bachelor in English and Arts at ako naman ay kumuha ng kursong Bachelor in Elementary Education.
Malaki ang pasasalamat ko nang tinaggap agad ang application ko para sa scholarship. Sina Mr. and Mrs. Villaverde ang nangagasiwa no’n kaya malaking tulong rin na namamasukan ako bilang personal assistant ni Sir Curwen.
Kahit labag sa kalooban ko ang sinabi niyang hindi ko siya pwedeng lapitan at kausapin dito sa university ay ayos lang basta’t nasa iisang unibersidad kami at nakikita ko ang kilos niya dahil binilinan ako ng kaniyang parents na bantayan ko siya kung maaari dahil ayaw na nilang palaging na-iimbita sa guidance office dahil sa gulo ng mga babaeng siya ang dahilan.
Parang isang malaking tala si Sir Curwen sobrang lapit namin sa mansion nila pero hinding hindi ko siya pwedeng hawakan at kausapin na lamang basta-basta.
Swerte ng mga babaeng nakakahawak sa kaniya dahil aaminin ko, matagal na akong may gusto sa kaniya pero ayokong sabihin dahil alam kong hindi naman kami bagay sa isa’t-isa at panigurado hindi mga tipo kong babae ang gusto niya.
Mula dito sa kinauupuan kong study shed ay tanaw na tanaw ko ang mga studyante na halos mga babae na hindi magkanda-ugagang lapitan si Sir Curwen.
Talagang kilalang kilala siya dito hindi ko rin namang ipagkakailan na may itsura siya at alam kong kahit hindi gaanong maganda ang pagtrato niya sa akin ay may magandang kalooban naman siyang tinatago sa sarili niya.
Nang tumingin ako wristwatch ko nakita kong 9 am na kaya tumayo na ako at pumunta sa una kong klase. Wala pa ang prof nang dumating ako kaya agad akong umupo sa bakanteng upuan na nasa bandang gilid na malapit sa bintana.
Gustong gusto ko kasi na malapit ako sa bintana hindi dahil sa ayokong makinig sa lecture kundi para hindi ako mapalibutan ng mga kaklase kong magkwekwentuhan.
Nang dumating na ang prof namin ay sabay sabay namin siyang binati at siya naman ang nagpakilala sa amin.
“Good morning, I’m Gilberto Reyes I’m your prof in this subject” binati ulit namin siya matapos niyang magpakilala.
“Bring ¼ piece of Index Card and write the following.” nagsulat siya sa board na mga kailangan naming isulat. Pangalan, age, Birthdate, Birthplace, name of guardian and a Contact Number.
Nang matapos si Sir Reyes ay siya namang pagsulat namin sa index card ng mga hinihingi niyang impormasyon.
Nang matapos ang lahat ay saka niya pinakolekta at isa-isa kaming tinawag upang magpakilala sa klase.
Nang matapos ang dalawa kong kaklase ay ako na ang sunod na tinawag.
“Ms. Maria Yzabel Buencamino?” tumayo ako at naglakad sa harapan, binalingan ko muna ang mga kaklase ko at saka ngumiti.
“Good morning Sir Reyes and Good morning classmates, I’m Maria Yzabel Buencamino. 19 from Barangay Idelfonso, and I’m your new Transferee.” Pagpapakilala ko.
Rinig rinig ko ang iilang mga bulungan ng matapos akong magsalita, aalis na sana ako ng may isang nagsalita na kaklase ko.
“Malapit kaba kina Curwen Brine Villaverde?” hiyawan naman ng ilang mga babae ang narinig ko nang tinanong iyon sa akin. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ng oo o hindi.
Umiling ako “Hindi eh pero kilala ko siya, sinong hindi makakakilala sa kaniya ‘diba?” maraming tumango at sumang ayon sa sinabi ko at bumalik na ako sa kinauupuan ko.
Nagpatuloy na magpakilala ang mga kaklase ko kahit na sa mga sumunod na subject namin marami rin kasing mga transferee sa amin at mga lumipat galling ibang section.
Nang matapos ang kalahating araw ay nagpasya na akong dumiretso sa lunch counter dahil nagugutom narin ako. Tanghali narin kasi kami natapos sa pagsusulat ng mga lecture na tatalakayin namin at mga assignments na ipapasa rin bukas.
Habang naglalakad ako ay may biglang sumabay sa akin, napalingon ako at nakita kong pamilyar ang mukha niya.
“Hai Sabel! I’m Loraine Mendez! Kaklase mo ako.” Masaya niyang pakilala sa akin.
“Ahh oo tama! Hello Loraine kaya pala namumukhaan kita kasi kaklase pala kita.” tumango naman siya sa akin.
“So bago ka pala dito kaya pala hindi kita nakilala agad kasi halos ng mga studyante dito ay kilala ko except sa mga transferee syempre.” sumubo ako sa kinakain ko habang nakikinig sa kaniya.
Nakaupo kami dito sa may lunch counter saka siya nagsimulang magsalita.
“Oo transferee ako dito at malaki nga pasasalamat ko kasi nakapasa ako sa scholarship na in-applayan ko eh, ikaw kamusta naman ang ilang taon mong pag-aaral dito?” tanong ko habang umiinom siya ng softdrinks na may tatak na bilog sa gitna.
“Hay nako walang bago except nanaman sa mga freshmen. Sa ilang taon kong nag-aral dito mula Grade 1 ay laging si Curwen brine ang isinasali sa Mr. intrams intrams na yan, nakakaumay na talaga kaya naghahanap ako ng mga bagong fafas na pwedeng ipasok para rumampa.” napa wow ako sa sinabi niya, so palagi palang sumasali ng mga pageant si Sir Curwen? Hindi halata sa mukha niya at kilos.
“Nag rerecruit ka pala? Kamusta naman iyon? Binabayaran ka ba?” natatawa kong tanong sa kaniya. Kahit kasi ilang oras palang kaming nagkakilala ay magaan na ang loob ko sa kaniya dahil narin siguro sa pagiging madaldal niya.
“Oo taga recruit ako at kapag napapayag ko iyong na-recruit ko, mapa babae man o lalaki ay may bayad na agad ako no’n depende pa kapag nanalo ang pinasok ko. Pandagdag gastos rin para hindi ako maging pabigat kina Inay at Itay.” aniya. Napangiti na lang ako nang sabihin niya iyon.
“Ikaw? Buti naman at nakapasa ka sa scholar na ‘yan ako kasi jusko! Hindi ako nakakapasa, para ngang ayaw ako ng mga scholarship na ‘yan eh nakakaasar nga. Kamusta naman buhay mo no’ng wala pang pasukan?”
“Ahm namamasukan ako bilang kasambahay doon sa barangay namin kaya kahit papano iyong sinusweldo ko ay dito ko ginagastos pati na rin sa kapatid ko. Wala na kasi kaming maaasahan kundi ako lang dahil matagal nang patay ang mga magulang namin. Hindi ko alam paano sila namatay pero nasa pangangalaga na kami ng auntie namin na kapatid ng nanay ko simula nang maaksidente sila.”
Biglang nanlambot ang mukha ni Loraine ng marinig niya iyon.
“Ayy gano’n ba? Naku sorry Sabel ha? Pero ok naman ang pagtrato sa inyo ng auntie niyo?”
“Ahm oo naman wala namang problema doon Loraine mabait ang auntie ko at hindi niya pinapabayaan ang kapatid ko. Kalahat kasi ng sweldo ko ay binibigay ko kay auntie para may panggastos sila ng kapatid ko. Nasa ibang bansa kasi asawa nito at marami ring gastusin dahil may dalawang anak rin siya.” kwento ko at ginilid ang kutsara at tinidor ko sa gilid ng plato ko at gano’n din si Loraine.
“Napaka komplikado naman pala ng buhay mo Sabel, ‘di bale isang taon nalang at ga-graduate na tayo hindi na tayo maghihirap basta ngayon, tiis-tiis lang.” ngumiti ako sa kaniya at inayos ang sarili ko bago kami tumayo at dumiretso sa susunod na klase.
Habang naglalakad ay tinanong ko siya.
“Ikaw Loraine? Kamusta naman ang buhay mo?”
“Maayos naman, nakakalungkot nga lang dahil nag-iisang anak lang ako at ang parents ko are both in the US for their business. Ngayon nagtataka ka nasa ibang bansa sila pero para akong problemado sa pera? Hahaha gusto ko kasing maging independent na hindi ko na hinihingi sa kanila iyong lahat ng gastusin ko dito. Oo sa kanila iyong tuition pero ‘yong baon ko araw-araw eh ako na gumagawa ng paraan para doon.” aniya
Kung iisipin napaka swerte pa rin pala ni Loraine na ganoon ang katayuan ng buhay niya. Kung sana lang hindi nawala sina itay at inay sana may mga magulang parin kami ni Benedict na mag-aasikaso sa aming dalawa.
“Hay nako sabel, ‘wag kanang malungkot jan alam ko namang masaya ang nanay at tatay mo ngayon kung nasan man sila proud sila sayo ng kapatid mo dahil hanggang ngayon ay nakakapag-aral kayo at hindi niyo pinapabayaan ang isa’t-isa ng kapatid mo” aniya.
“Salamat Loraine.” ngumiti siya sa akin at sabay na kaming tinungo ang susunod na klase namin.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...