Kabanata 25
Practice gone wrong
Lumipas ang ilang araw nang matapos ang pangyayaring iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang kwintas na binigay niya sa akin.
Hindi naman niya iyon kinuha kaya minabuti kong itago na lang para kung sakaling maisipan niyang bawiin mula sa akin ay maibabalik ko.
Nakapag-usap rin kami ni Benedict tungkol sa mga plano ko para sa aming dalawa. Mabuti nang malaman niya iyon nang sa ganoon ay makita niya na hindi lang para sa kaniya ang ginagawa ko kundi para sa aming dalawa,
Kahit gusto ko pa siyang makasama ng matagal ay hindi pwede. May pasok kasi kinabukasan at kailangan niyang makauwi ng maaga dahil may quiz sila sa major subject.
Sa ilang araw ay natapos namin ang Lesson Plan. Weekend ngayon at pupunta kami sa bahay nina Lazarus.
Nasa tabi niya ako habang siya naman ay nagdadrive, nasa likod si Lorraine na abala sa pag-ce-cellphone habang sina Raf at Clint naman ay nasa kani kanilang mga sasakyan.
“Hindi nga ako nagkamali na bagay sa ‘yo ‘yang kwintas na binigay ko,” sabi ni Laz habang nagmamaneho. Nginitian ko siya at napahawak sa kwintas.
Bumagay iyon dahil silver rin ang bracelet na binigay sa akin ni Lorraine.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa bahay nina Lazarus. Hindi gaya ng bahay nina Sir Curwen, ay malaki rin naman kung titignan ang bahay nina Laz.
“My parents are not here so, feel at home.” si Lazarus.
Sa ilang beses na paghahatid sundo niya sa akin. Nitong mga nakaraang araw lang iyon hindi nangyari.
Sinabihan ko siya na kahit huwag na akong sunduin sa bahay dahil nakikisabay naman ako sa amo ko na nagtatrabaho.
Alam ko, maling magsinungaling pero kailangan kong gawin iyon para hindi na rin mapagalitan si Sir Curwen.
Sa tuwing nasa daan kami ay walang nagsasalita. Kahit gustong gusto ko siyang tanungin at kausapin ay alam ko at pakiramdam ko’y galit pa rin siya dahil doon sa hindi ko pagpili sa kwintas na regalo niya sa akin.
Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ni Lazarus. Ayoko namang sanayin ang sarili ko sa mga ginagawa niya sa akin.
Sinalubong ako ng pagkunot ng kaniyang noo. Nginitian ko lang siya at hindi na nagsalita.
Hinintay naming ang dalawa na ma-ipark ang sasakyan sa garahe nina Lazarus.
Nang makarating na sila ay saka naman kami pumasok sa loob.
Sinalubong kami ng ilan nilang kasambahay sa loob. Bumabati naman ako pabalik sa kanila.
“Take a sit guys,” aya ni Laz sa amin pero ako lang ang inalalayan niya nang umupo ako sa kulay abo nilang sofa.
Malawak ang sala ng bahay at may chandelier na nakasabit sa itaas. Malaki ang TV na nakadikit sa ceiling na nasa harapan namin.
“Sa’n niyo gusto? Dito o sa kwarto ko na lang tayo mag-practice?” tanong ni Laz.
“Sa kwarto mo na lang bro,” sagot ni Rafael. Tumango silang dalawa ni Lorraine kaya wala akong nagawa kundi tumango na lang din sa kaniya.
“Sige, mauna na kayo at magpapahatid ako kay Manang ng meryenda natin,” aniya.
“Nice!” saad ni Clint. Siya ang naunang tumayo at naglakad papunta sa may hagdan.
“Nakapunta ka na ba rito Raf?” si Lorraine habang paakyat na kami sa second floor.
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...