Kabanata 44
Girlfriend
“May namamagitan ba sa inyo ni Sir Curwen?” bungad sa akin ni Ma’am Georgina nang makapasok ako sa loob. Kumunot ang noo ko at nilingon siya.
“Wala Ma’am. Bakit po ba?”
“Halos araw araw siyang pumupunta rito at panay pa ang tingin sa ‘yo,”pag-uusisa pa niya.
Pansin ko nga ring araw araw siyang pumupunta rito at nakikipag kwentuhan lang sa iba kong Co-teachers. Hindi ko alam kung natuturuan pa ba nila iyong mga hawak nilang bata dahil parang ayaw nang umalis kapag dumating na siya.
“Pinapanood niya siguro kung paano tayo magtrabaho Ma’am, kayo naman,” biro ko. Nasabi sa akin ni Lorraine na may gusto itong si Georgina kay Curwen.
Para naman akong matatakot dahil doon, hindi ko iyon tinitignan bilang isang banta o ano. Wala akong pakialam kung may ligawan o mag-asawa pa siya dahil sa huling tanda ko, kahit wala akong pinirmahang kontrata, malinaw sa usapan namin na bata lang ang magiging rason ko para manatili sa bahay niya.
Ilang araw rin ang lumipas nang pumayag ako sa gusto ni Philo. Pero minsan hindi ko maiwasang hindi mailang sa tuwing bigla na lang siyang yayakap at hahalik sa pisngi tuwing umaga.
Hiwala ang kwarto ko sa kwarto niya. Kinausap siya ng Ama niya kung bakit doon na ako kailangang tumira sa kanila.
Mabuti nga’t naniwala agad at hindi na nagtanong. Sobrang saya niya sa tuwing uuwi ang kapatid. Sari-saring pasalubong kasi ang binibigay niya sa bata sa tuwing nanggagaling siya sa kaniyang trabaho.
“Speaking of sir Curwen.”
Lahat ng mga kasama ko sa loob ay nilingon ang taong pumasok sa pinto. Bakit ko ba siya titignan eh halos magsawa na ako sa pagmumukha niya?
Araw araw kaming nagkikita pero hindi ako sumasabay sa sasakyan niya sa tuwing papasok ako sa trabaho.
Sinasadya kong mauna maski sa almusal para hindi kami magsabay. Hindi ko alam, sa tuwing nakikita ko ang mukha niya at natititigan ko iyon ng matagal, mabilis bumabalik sa akin iyong mga ala-alang ayoko nang balikan.
Nagulat nga ako dahil wala na siyang inuuwing babae sa bahay niya araw araw, siguro nga binago na niya iyong ganoong bisyo niya noon. Hindi naman kasi maganda kapag nakita siya ng anak niya.
“Good morning,” bati niya sa lahat. Mabilis na bumati pabalik ang mga kasama ko pero nanatili lang akong nakatayo sa kinalalagyan ko.
“Nakatingin sa ‘yo,” siniko ako ni Lorraine. Tinignan ko siya ng masama at mabilis na umalis doon. Dumiretso ako sa sarili kong mesa at nagkunwaring inaayos ang mga gamit doon.
Bakit ba sobrang bilis ng tibok ng puso ko? wala namang kakaibang nangyayari ngayon, katulad lang rin ng mga normal at lumipas na araw ang nangyayari ngayon pero bakit ako kinakabahan ng ganito?
“Can you give me a minute please?” natigil ako sa ginagaw at dahan dahang itinaas ang ulo upang tignan siya.
Mas lalong nagwala ang loob ko nang tumama ang tingin namin sa isa’t-isa. Umawang ang labi ko nang ngumiti bago niya ibaling sa iba ang kaniyang mata.
“I would like to tell you something…”umpisa niya. Ibinaba ko ang tingin ko at nagpatuloy sa ginagawa.
“…I’d like to say that Maria Yzabel Buencamino is now my Girlfriend so I hope na hindi na ako makaririnig pa ng mga negatibo at masasamang bagay tungkol sa kaniya. That’s explains why I am always here, I am currently trying to win her back.”
BINABASA MO ANG
Love me Please✔️
Romance(BEGGING FOR LOVE SERIES 2) As she wants to be independent in Life, Maria Yzabel took the offer to be a maid on a wealthy family. That's when she discovered that she's going to be a personal maid of Curwen Brine Villafuerte. But alongside of her jou...