Chapter 1

214 7 1
                                    

*beep beep bee- *

Pinatay ko yung alarm ko nang may naramdaman akong sakit sa kamay ko. Nang tingnan ko ito, kalat na yung tuyong dugo at may medyo bukas na sugat. Sunod kong naaninag yung salamin sa banyo kong basag na basag at may nakasulat na halos hindi na mabasa.

SELFISH COWARD

Tuluyan akong napabangon ang mabasa ko iyon. Saka naman tumama sa akin ang sakit ng ulo.

"Bwisit."

Pinilit kong tumayo para linisin ang mga nagkalat na lata ng beer sa sahig. "Yari nanaman ako nito kay Manang."

Gumayak na ako at nilinis na rin and sugat sa gilid ng palad ko. Ni-lock ko na rin ang pinto para hindi makita ni Manang ang kwarto ko na para bang dinaanan ng bagyo.

"Kain na." pamungad sa akin ni Manang.

"Naku, kailangan ko nang umalis eh. May tatapusin pa ako ngayong umaga eh." Pagsisinungaling ko.

"Ah, ganoon ba? Sige. Mag-iingat ka ha."

Akala ko makakalusot sa ko dahil sa paliwanag ko nang mapansin ni Manang ang dala kong paperbag na naglalaman ng mga lata ng beer.

"Hoy! Ano yan?! Umiinom ka nanaman ba?!" bulyaw niya sa akin. "Gusto mo bang isumbong uli kay Sir Rouel?!" sigaw niya. Napalingon ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ni Daddy.

"Eto namang si Manang oh. Magpapaliwanag ako, okay? Ito yung sinasabi kong kailangan kong tapusin ngayong umaga. Para sa project to." Pagpapalusot ko.

"Talaga lang ha? Eh saan naman nanggaling yan?"

"Sa kaklase ko. Dumaan siya dito kagabi kaso tulog ka na." Aba't nangdamay pa si bruha! Nang makita kong huminahon na siya, nagpaalam na ko.

"Muntik na!" saad ko pagkasara ng pinto.

Pumunta na akong school at habang naglalakad, naghanap na rin ako ng pwedeng pagtapunan ng mga beer. Buti na lang nakahanap ng trash bin ako sa tabi ng guardhouse. Pagdating nga school, umubob kaagad ako at natulog. Kailangan kong magbawi ng tulog. PE paman din ang first class. Buti na lang nawala nang konti ang sakit ng ulo ko.

Matapos ang assembly, biglang may pinapasok ang adviser namin sa klase.

"Class, meet your new classmate, Joseff De Castro." Infairness si kuya, may itsura. "He's a transfer student from South Korea kaya hindi pa siya masyadong sanay dito sa Pilipinas. Pero nakaiintindi naman siya ng Tagalog kaya don't worry. Hindi kayo magkakanose bleed kaka-English." biro niya. Lumingon siya sa new guy.

"Okay, so, that will be your seat." turo ni Miss sa tabi ng upuan ko. Sana naman mabait ang isang ito.

Halos mabali ang leeg ng mga kaklase kong babae habang sinusundan siya ng tingin papunta sa kanyang upauan. Bago siya umupo sa tabi ko, tumingin muna siya sakin at ngumiti. Awkward din naman akong ngumiti sa kanya.

"Hi! Ako nga pala si Snow. Pagpasensyahan mo na yung mga girls ha. Ngayon lang yata nakakita ng imported na lalaki." pambungad ni Snow na nakaupo sa harapan ko.

Dahil sa sinabi niya, nasipa ko yung upuan niya. Baka mamaya maging masama ang impresyon ni new guy dahil sa paraan ng pagsasalitang gamit niya. Nagulat naman si new guy sa ginawa ko.

"Ha? Naku, wala 'yon. Nice meeting you nga pala. I'm Joseff pero you can call me Seff." Sabi niya kay Snow.

Ang hindi ko inaasahan ay ang ilahad niya ang kamay niya sa akin. "I'm Seff. And you are?"

Iniisip ko kung makikipag-shake hands ako sa kanya dahil naaw-awkwardan ako. Pero bago pa man ako maka-react, inunahan na ako ni Snow.

"Ah, siya si Reia. New student siya last year. 'Wag kang mag-alala, umaatake lang naman ang pagka-introvert niya. Ganyang-ganyan din ang response niya sa samin nang magpakilala kami sa kanya." Napatawa siya. Eto talaga.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon