Chapter 19

43 4 0
                                    

[REIA's POINT of VIEW]

"Reia.."

Nagising ako nang may magsalita sa tabi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Miks sa tabi ko habang umiiyak.

"Reia? Reia! Gising ka na ba?!" natataranta niyang tanong.

Bigla kong naalala ang mga nangyari. Yung pag-aya ni Miks sa akin. May nagbukas ng pinto. Baril. Panyo. Si Ross. Si Michael.

Napaupo ako nang maalala ang mga iyon. Nakaramdam ako nang hapdi sa tiyan ko.  Inalalayan naman ako ni Miks.

"Uy, humiga ka muna. Sariwa pa yung tahi mo kaya sabi ng doktor, 'wag mo munang pilitin gumawa ng kahit ano." tinulak niya ako pahiga pero hindi ako nagpapigil.

Bumalik ang mas maraming mga alaala ko. Nagismula na akong balutin ng takot. Dahil sa takot na iyon, napayakap na lang ako kay Miks at umiyak sa kanya. "Mikaela, natatakot ako." nanginginig kong sabi. Niyakap niya rin ako pabalik.

"Tahan na. Tapos na. Wala ka na sa panganib." sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

Teka. Bigla akong humiwalay sa yakap ko sa kanya.

"Si Seff?! Asan siya?! Ligtas ba siya?!" sigaw ko. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"'Wag mo munang itanong 'yan. Magpagaling ka muna." sabi niya at umiwas ng tingin. Pinahiga niya ako. "Tatawagin ko lang yung nurse."

"Mikaela!" sigaw ko pero hindi niya iyon pinansin at lumabas na.

Bakit ganoon na lang ang reaksyon niya? Hindi kaya..

Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko at hindi ko na kinaya. Sinubukan kong muling umupo at nagawa ko naman iyon. Pero nung patayo na ako, hindi pa kinaya ng katawan ko at bumagsak ako. Mas sumakit ang sugat ko pero hindi ko iyon pinansin. Kailangan kong makita si Seff.

Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok si Miks at yung nurse. Nakita nila akong nasa sahig.

"Jusko, Reia! Yung sugat mo!"

Dali-dali nila akong tinulungang makatayo at inihiga sa kama. Tumawag ang nurse ng assistance. Emergency daw. Bakit? Tinignan ko ang sugat ko. Ang dami nang dugo. Bwisit. Bumuka na yung sugat ko.


"Siraulo ka rin no?!" bulyaw sa akin ni Miks. "Alam mo namang bago pa lang yang sugat mo tapos magkikikilos ka?! Gusto mo bang ako na mismo ang pumatay sa'yo?!"

"'Wag mo na kong sermunan. Alam ko kung anong ginagawa ko." sabi ko habang nagtatakip ng tenga.

"Tumigil ka nga. Hindi ko na ulit hahayaang tumakas ka ng ganun." umupo siya.

"Mikaela naman kasi. Ang gusto ko lang naman, makita si Seff. 'Yun lang. Kahit ikulong mo ko dito, hindi ko pa rin ititigil ang pagtakas ko."

"Ang kulit mo rin, no? Sabi ko, magpagaling ka muna bago siya puntahan." Ayan nanaman siya, hindi siya mapakali. Lalong lalo na yung mga mata niya, kung saan-saan tumitingin.

"Bakit ba kasi? Ano naman kung hindi pa ko magaling?"

"Basta." tumayo siya. "Bibili lang ako ng makakakain."

Umalis siya ako naman, nakahiga lang. Kailangan ko ng kausap. Pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip. 'Wag naman sanang ganoon ang nangyari kay Seff. Hindi sa kanya.

Naisipan kong kunin ng phone ko para maglaro nang makita ko kung gaano karaming tawag ang hindi ko nasagot. Halos lahat, kay Seff. Pati yung mga text, halos lahat galing sa kanya. Tinatanong niya kung nasaan ako o kung okay lang ba ako. Yun yung mga oras na dinukot ako.

Hindi ko maisip na mangyayari sa akin yun. Mas lalong hindi ko naisip na may magliligtas sa akin at si Seff pa. Inalala ko lahat. Akalain mong sa isang araw lang, nadiskubre niya kaagad na nagsisinungaling ako? Siya yung lagi kong tinataboy at para na lang siyang kabuteng sumusulpot sa landas ko. 

Bumalik lahat ng pangyayari sa isip ko. Naalala ko kung paano siya naghirap. Naalala ko kung pano niya tinanggap yung sakit na para sa akin. Naalala ko kung paano niya ako prinotektahan. Yung mga bagay na ginagawa niya para sa akin. Yung mga bagay na hindi ko pinansin nung una at hinahanap-hanap ko na ngayon. 

Natakot ako. Natatakot akong mawawala na lang siya ng kasing bilis ng pagdating niya sa buhay ko. Seff, 'wag mo kong iiwan. Not when I need someone to hold on. Not when I need you. Not when I'm starting to fall for you.

Napaiyak ako. Wala naman akong ibang magagawa eh. Hindi ako pinapayagan ni Mikaela. Hindi ako pinapayagan ng katawan ko. Natatakot rin ako sa maaring makita ko. Even though Seff is always on my side, I'm still that selfish coward.

Biglang pumasok si Miks at nagtulug-tulugan ako kahit halata naman.

"Sigurado ka bang gusto mo siyang makita?" sabi niya. Napalingon ako sa sinabi niya. Tumango ako nang mabilis. "Reia. Sinasabihan na kita. Baka hindi mo kayanin."

"Wala naman akong ibang choice. Pinapatay na ako ng konsensya ko." I faked a smile.

She looked away but I saw a tear fell from her eye. My thoughts from earlier came back.

'Wag naman sana.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon