"Reia, sigurado ka bang okay ka na? Gusto mong samahan kita sa clinic?" tanong sa akin ni Miks.
"Ha? Hindi na. Okay na ko." sabi ko. Naalala ko yung nangyari kanina. "Sabihin mo, wala namang sinasabi sa'yo na kung ano si new guy di ba?"
"New guy? Ah, si Seff ba?" tumango ako. "Wala naman. Bakit? May problema ba?"
"Wala naman."
So, wala na siyang pinagsabihan? Buti naman. Paano na lang kung sinabi niya? Malamang hanggang ngayon, tinatadtad ako nga tanong nitong si Miks. Tsaka isa pa, masasayang ang lahat ng effort ko sa pagtago ng sikretong 'to.
Lunch na namin ngayon kaya papunta na kami sa canteen para kumain nang makasalubong namin si Snow na kasama si new guy.
"Hi Miks! Oh, Reia. Okay ka na ba?" bati ni Snow.
"Oo. Tapos na ba kayong kumain?" tanong ko.
"Ah, hindi pa. Naiwanan lang daw ni Seff yung wallet niya kaya babalikan namin." sabay akbay niya kay new guy. "Sige. Kita kits na lang mamaya sa canteen." sabi niya at umalis na sila. Pumunta na rin kami sa canteen.
Pagdating namin sa canteen, madami na kaagad tao. Naghiwalay kami ni Miks para bumili ng kanya-kanyang pagkain at at nagkasundong magkita na lang sa may mga upuan. Nang magkita kami, wala na kaming makitang bakante. Sakto namang nakita namin sina Snow na nakain na.
"Oh, Miks, Reia! Dito!" pag-aya niya sa amin.
Sa dalawang gilid na magkatapat na lang ang bakante. Naunang maupo si Miks sa katabing upuan ni Snow. Eto namang sa Miks, basta pagdating kay Snow, laging dapat siya. Hay nako, ang nagagawa ng pagmamahal. So wala na rin akong choice kung hindi ang umupo sa tabi ni new guy.
"Hi!" nakangiting bati ni Miks kay new guy. "I'm Mikaela but you can call me Miks."
Ngumiti din naman si new guy. "I'm Seff." napatingin naman sa akin si Miks.
"Pagpasensyahan mo na yang katabi mo ha, napipipi lang yan minsan." she said while eyeing me.
"Naku, wala yun. I understand. Ang totoo na nyan eh, sobrang daldal niya kanina nung nasa clinic kami. Halos maikwento na niya ang buong buhay niya."
Halos maibuga ko yung iniinom kong tubig nang marinig iyon. Ano naman 'tong pinagsasabi niya?!
"Talaga? Naku, Reia ha, ganyan ka pala sa mga foreign boys ha." sabi ni Snow.
"Ganyan ka pala ha, Reia. Type mo siya no?" sabi ni Miks na may nakakalokong ngiti.
"H-Ha? Wag nga kayong maniwala sa sinasabi ni new guy!" natataranta kong sabi.
"New guy? Ui, may nickname na kaagad siya sakin." pang-asar na sabi ni new guy.
"Uy, luma-lovelife na siya!" sabay na sabi ni Snow at Miks.
"Tumigil na nga kayo!" inis kong sabi at nagpatuloy sa pagkain. Napatawa naman ang tatlo sa reaksyon ko.
"Cute." rinig kong bulong ni new guy kaya kamuntikan na akong masamid.
"Siya nga pala, bakit sa ganitong panahon ka lumipat, Seff? Halos nasa kalagitnaan na ng school year ah." tanong ni Snow. Oo nga no?
"Yun ba? Natanggap kasi si Papa sa trabaho dito sa Pilipinas. Isinama na niya rin kami ni Mama sa paglipat."
"Ahh." napatingin si Snow sa relo niya. "Tara na. Malapit na magbell."
Pagbalik namin sa classroom, nilagay ko kaagad yung wallet ko sa bag ko nang may nakita akong sticky note na nakadikit sa loob ng bag ko.
PUMUNTA KA SA CONVENIENCE STORE KUNG SAAN TAYO NAGKITA KAGABI. MAMAYA. 5PM.
-SEFF
Eto na ba yung 'mamaya' na sinasabi niya kanina? Kailan naman niya kaya ito nilagay? Wala pa 'to kanina bago kami kumain ah? Naalala ko yung pagkakasalubong namin sina new guy. Ng mga oras na yun kaya niya ito nilagay?
"Okay, class dismissed."
Nag-aayos na ako ng gamit nang lapitan ako ni Miks.
"Tara, kain tayo bago umuwi." aya niya sa akin. Napatingin ako sa orasan ko. 4:30 pm.
"Naku, pwede bang bukas na lang? Nangako kasi ako kay Manang na sasamahan ko siyang maggrocery ngayon." You're really a liar, Reia.
"Ah, ganun ba? Sige. Basta, ililibre mo ako bukas."
"Call." nakangiti kong sabi.
Pagkaayos ko ng gamit, nagpaalam na ko kay Miks at pumunta na sa convenience store na sinasabi ni new guy. Pagkadating ko doon, nakapwesto na si new guy sa may sulok at nakain ng burger. Bago ako lumapit sa kanya, sinuot ko muna ang hoodie ko at ang face mask ko. Nang makita niya ako, muntik na siyang mabulunan.
"Bakit naman nakaganyan ka?!" sigaw niya habang puno pa ang bibig niya.
"Wag mo nang itanong. Bakit ba dito mo pa naisipang makipagkita? Alam mo bang maraming nadaan dito na taga Sarrosa?" sabi ko at umupo sa harapan niya.
"Okay lang yan. Naka-disguise ka naman di ba? Tsaka bago lang ako sa school. Wala pang masyadong nakakakilala sakin." sabi niya at uminom ng softdrink. Napa-irap ako. "Siya nga pala. Sabihin mo na."
"Ang alin?"
"Yung dahilan kung bakit umiinom ka at may ganyan kang sugat."
"Alam mo kasi, hindi naman talaga ako umiinom. Pinabili lamang iyon sa akin ng pinsan ko at habang pauwi, natisod ako eh may bubog pala sa sahig." diretso kong pagsisinungaling. Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong disappointment sa mata niya.
"Talaga lang ha? Bakit mo namang kailangan magsinungaling?"
"Mag-aalala kasi si Miks sakin. Worrywart kasi yun. Kapag nalaman niya yun, magtatanong siya nang magtatanong. Ayoko ko pa naman kapag ganun." napabuntong hininga ako. "Naniniwala ka na ba?"
"Sige, kung hindi ka pa handa, saka mo na lang sabihin sa akin yung totoo. Maghihintay ako." sabi niya habang nakangiti at umalis na.
Paano naman niya nalamang nagsisinungaling ako? Masyado ba akong halata? Imposible, sanay na akong magsinungaling. Hindi niya ako mahahalata. Pero nahalata na niya nga ako eh! Pano na?
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...