Ilang araw na rin akong hindi nakakalabas ng kwarto ko. Ginawa nila akong preso sa sarili kong kwarto. Binutas pa nila ang pintuan ko para daanan ng pagkain. Natatawa na nga lang ako minsan dahil sa pinaggagagawa nila sa akin.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa labas. Panigurado, nag-aalala na sina Miks dahil sa pagkawala ko ng basta-basta. Naisipan ko na ring dumaan sa bintana para tumakas pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Masyadong mataas.
Ano na kayang nagyari kay Seff? Sabi niya, ngayong week raw siya makakalabas ng ospital. Sayang dahil wala ako para i-congratulate at salubungin siya. Kinuha ni Daddy lahat ng mga sulat niya pero may natirang isang sulat sa akin. Yung pinaka bago. Halos masaulo ko na nga dahil palagi kong binabasa.
Salamat sa mga pinadala mong notes, ha. Buti ka pa, may pake sa studies ko. Sina Snow kasi, palagi nga kong binibisita, hindi man lang ako bigyang ng notes nila. Pakiramdam ko tuloy, babagsak ako sa mga exam. T.T
Nga pala, may agawin ka ba sa 14? Labas naman tayo. Sawa na ko sa pagkaing ospital. Tsaka sa sobrang boring rito, kulang na lang magkaraoke ako para lang hindi ma-bored. Speaking of karaoke, magkaraoke rin tayo ha? Gusto kong marinig nang matagal ang boses mo. Paano ba yan, ako na ang date mo sa Valentines. Hindi ka na tatanggap ng iba pang date ha?
P.S. First date natin 'to ha? Wala ang bawian dahil ako na mismong tumatanggap ng alok ko para sa'yo.
Bastardong 'to, siya nag-aya tapos siya rin tumanggap sa alok. Date niya kaya sarili niya? Pero kidding aside, kinilig ako dahil ito ang magiging first date ko in my whole life pero nalulungkot rin ako dahil mawawala sa akin ang chance na yun dahil nakakulong ako sa sarili kong kwarto.
Pwede bang ibalik na lang ang oras? Yung mga oras na masaya pa kaming nagkukulitang apat nina Miks? Gusto kong bumalik sa mga panahong 'yun. Sa mga oras na halos magsuka na ko dahil sa kakatawa. Sa mga oras na tanging naging masaya ako.
Miss ko na sila. Miss ko nang makipagmurahan at makipag-asaran sa kanila. Sila na ang ang tangi kong kinakapitan habang hinihila ako pababa ng konsensya ko. Kung wala sila, baka wala na rin ako sa mundong ito.
"Ma'am, ito na po ang pagkain niyo." narinig kong may nagsalita sa may pinto. Kilala ko ang boses na iyon, si Kuya Ralph iyon. Napatakbo ako papunta sa pinto.
"Bakit ka nandito? Di ba dapat si Aling Cita ang nagdadala ng pagkain ko?" tanong ko.
"Nagpresenta po akong magdala nito para inyo. Wala naman po si Sir tsaka gusto ko rin po kayong kamustahin."
"Okay lang ako, hindi naman siguro papatayin ni Daddy ang nag-iisang anak niya sa gutom." sabi ko at umupo sa tabi ng pintuan.
"Hindi po ba kayo nahihirapan diyan? Kapag may pinapagawa po sa akin minsan si Sir at napapadaan ako sa school niyo, nakikita ko minsan ang mga kaibigan niyo. Ang lulungkot po ng itsura nila. Paniguradong nagtataka na sila kung bakit bigla po kayong nawala."
"Ganun ba? Buti ka pa nakikita mo sila. Okay naman ako dito eh, kaso hindi ko lang talaga matiis na hindi ko sila makita." nangiti ako ng malungkot. "Kuya,"
"Po?"
"Pwede mo bang ipadala ang mensahe ko para sa kanila? Ito na lang ang huli kong hiling."
"Ano po bang mensahe?"
Pinaghintay ko si Kuya Ralph at kumuha ako ng ballpen at papel.
Hoy, mga ugok. Nag-aalala na ba kayo sa akin? Pasensya na ha. May bigla kasing nangyari kaya hindi ako makakapasok. Baka magpatuloy na rin ito kaya sana 'wag niyo na akong hintayin. Paalam.
"Ibigay mo na lang ito sa kanila. Kung magtanong sila sa'yo, sabihin mo, hindi mo alam ang nangyayari at ipinabigay lang ito sa'yo." sabi ko at pinadaan sa butas ng pintuan ko ang sulat.
"Sige po. Pupuntahan ko na sila ngayon." narinig kong tumayo siya pero bago siya umalis, tinawag ko siya.
"Salamat, Kuya." sabi ko at narinig ko na siyang umalis.
Nagpaalam na ako sa kanila. Ngayon, hindi na nila ako hahanapin. Iyon ang nararapat kong gawin dahil patuloy lang silang masasaktan kung hahanapin nila ako at aasang babalik pa ako.
Humiga ako pabalik sa kama at tumanaw sa labas. Nakita ko ang isang ibon na nakatayo sa may bintana ko.
"Buti ka pa, nakalilipad ka nang malaya."
Humiga na lang ako at napaiyak. Ayoko na.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...