Chapter 16

37 4 0
                                    

"Gawin mo na ang gusto mo."

"Sa wakas, kanina pa kong kating-kati dito." sabi ni Michael pumwesto sa likod ko. "Seff, tignan mo ang gagawin ko."

Hinila ng isa ang buhok ni Seff para itutok ang paningin niya sa akin. Hindi maganda ang kutob ko rito.

Pinadulas niya ang mga daliri niya sa braso ko kaya kinilabutan ang buong katawan ko. Lumapit siya sa may tenga ko at dinilaan iyon. Napatingin ako kay Seff na para bang humihingi ako ng tulong.

"Wag!" sigaw niya kay Michael.

Hindi siya pinansin ni Michael at tinuloy lang ang ginagawa niya. He then grabbed my polo and ripped it in the center, revealing my body. Napasipol naman si Michael na para bang natutuwa sa ginagawa niya. Sobra na kong umiiyak sa pangbababoy niya sakin at kanina pa kong sigaw ng sigaw.

"Itigil mo yan!" sigaw ni Seff.

"Nuh uh uh." sabi ni Michael. 

Kumuha siya ng upuan sa tabi at pinwesto iyon sa harapan ko. He started drawing lines on my body as if it was a drawing pad. Lumapit siya sa akin at gumawa ng mga hindi kaaya-ayang bagay. 

Hinalikhalikan niya ang mga parte ng katawan ko na para ba akong isang napakahalagang bagay. Napapikit na lang ako at nagsisigaw. Kahit na gusto kong pumalag sa pinaggagagawa niya sa akin ay hindi ko magawa. 

"Mukhang masarap yang mga labi mo ah." sabi niya.

Hinawakan niya ang baba ko at akmang hahalikan ng may marinig akong pagbagsak ng mga bagay. Pagmulat ko, nandoon na si Seff sa harapan ko at nasa sahig na si Michael.

"Reia, Reia!" tawag niya sa akin. "Wag kang mag-alala, tumawag na ako ng mga pulis, konting tiis na lang. Makakaalis rin tayo rito!" sabi niya at hinawakan ang mga pisngi ko. Tumango-tango ako.

"Ang sweet niyo naman tignan." sabi ni Ross. Akma pang gagantihan ni Michael si Seff pero pinigilan siya nito. "Tama na."

Humarang si Seff sa harapan ko at hindi natitinag. "Please, wag niyo siyang sasaktan. Ako na lang ang saktan niyo!" sigaw niya.

Hindi! Hindi pwede! Nakita ko na ang mga pwedeng gawin ni Ross at ayokong gawin niya yun kay Seff. Hindi sa kanya. Ayokong mawala sa akin si Seff.

"Sige, ikaw ang may gusto niyan." sabi niya at bigla-biglang nagpaputok ng baril. 

Hindi ko alam kung saan natamaan si Seff pero isa lang ang alam ko, hindi na kinakaya ng katawan ni Seff. Napaluhod siya nang barilin ulit siya ni Ross. Sumisigaw lang ako dito habang si Seff, tinatanggap ang mga sakit na para sakin.

Tama na. Ayokong may mawala nanaman dahil sa akin. I've had enough. Ayoko nang makitang unti-unting namamatay ang mga pinakamamahal ko sa mismong harapan ko.

"Reia.." tinatawag niya lang ang pangalan ko kahit na nahihirapan na siya. "Reia.."

Pinahila siya ni Ross sa mga kasamahan niya. Hinila ulit ang buhok niya at ganun din ang ginawa sa akin ni Michael.

"Tama ba ang narinig ko ha? Tumawag ka ng mga pulis?" tanong niya. Hindi na makasagot si Seff.

Awang awa ako sa kanya nang makita ko siya. Namumutla na siya at halos magkulay pula na ang mismong tshirt ni Seff dahil sa dugo niya. Nahihirapan na siyang huminga marahil dahil nasa may parte ng baga ang tama ng bala.

Nakita kong nainis si Ross dahil hindi siya sinagot ni Seff. Lumapit siya rito at pinisil ang baril niya sa mga tama ni Seff.

"Ahhh!" sigaw niya.

"Tinatanong kita! Nagsumbong ka ba sa mga pulis?!" sabi niya at mas diniinan ang tama ng bala. Napasigaw ulit si Seff.

"O..Oo.." nanghihina niyang sabi. "Wag niyo siyang sasaktan.." sabi niya.

"Pasensya na, ayoko namang ikaw lang ang magdusa. Sayang naman ang pagbisita ni Miss." sabi niya at tumingin sa akin. 

Nilabas niya ang kutsilyo niya mula sa pantalon niya at binato-bato ito sa ere na para lang siyang naglalaro. "Saan ko kaya ito patatamain?" Lumapit siya sa akin.

"Wag! Riea!" sigaw ni Seff.

Bigla na lang akong nakaramdam ng hapdi sa tiyan ko pagkatingin ko, may nakasaksak nang kutsilyo rito. Napaubo ako nalasahan ang sarili kong dugo. 

"Sayang, sa puso ko pa naman sana patatamain!" sabi ni Ross na para bang nadissappoint pa siya.

"Reia!" sigaw ni Seff. 

"Seff.." nanghihina kong sabi. I looked at him even though I'm already feeling that I'm losing my own conciousness.

Nakita kong lumapit si Ross sa akin at pinaglaruan pa ang kutsilyong nakasaksak sa tiyan ko. Mas sumakit ang tiyan ko sa ginawa niya at napaubo ulit ako. This time, mas marami nang dugo ang nai-ubo ko. Bigla na niyang hinugot yung kutsilyo at naramdaman ko nang umagos ang dugo ko.

"Ang hina mo naman, nakakapanghinayang. Gusto ko pa namang makipaglaro sa'yo." sabi niya nang makita akong nanghihina na at hinagod ang buhok ko.

"Boss, may naririnig na kong mga wangwang ng pulis." sabi ni Michael sa tabi ko.

"Mukhang kailangan na naming umalis. Pero bago 'yon, ibibigay ko muna yung bonus mo." sabi ni Ross sa akin at bigla na lang akong sinaksak sa may baga. 

"Reia!" binitiwan na siya ng mga lalaki at kahit hirap, tumakbo siya papunta sa akin. "Reia.. patawarin mo ako, pinabayaan kita." umiling-iling ako.

"Maswerte ka, tumawag siya ng pulis." sabi ni Ross sa akin. "Pero malas siya."

Walang anu-ano'y nagpaputok muli si Ross ng baril at niyakap naman ako ni Seff.

Maya-maya pa'y may nagbukas ng pinto at nagkaroon ng sigawan. Nagkaroon ng putukan at may lumapit na pulis sa amin para protektahan kami.

"Hindi ka ba tinamaan?" tanong ni Seff sa akin. Umiling ako. Tinanggal niya ang tali sa bibig ko at nakita ko kung gaano karaming dugo ang nadoon. "Mabuti naman." sa wakas, nakita ko na ulit ang ngiti niya.

Naramdaman ko na lang na nawalan na ako ng malay.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon