Epilogue

67 6 1
                                    

"Thank you po, Miss!"

"You're welcome. Sige, uwi ka na. Baka mamaya hinahanap ka na ng mga magulang mo."

Nang makaalis siya, yung estudyante kong may seryosong problema sa buhay, inayos ko na kaagad ang gamit ko at pumunta na sa labas kung saan naghihintay si Seff.

"Oh, okay na ba yung estudyante mo? Medyo matagal rin kayong nag-usap ha." bungad niya nang makapasok na ako ng sasakyan.

Tumango ako. "Iba na talaga ang mga magulang ngayon, kung anu-ano na lang ang itinuturing sa mga anak nila! Parang hindi na nila tinuring na tao yung bata." Napa-tsk-tsk na lang si Seff at pinaandar na ang kotse.

Ang pinag-uusapan namin ay yung estudyante kong humingi ng tulong at advise mula sa akin na isang guidance counselor. Yep, isa na akong guidance counselor. Psychology ang kinuha kong course sa kadalihanang gusto kong tumulong sa mga taong dinadanas ang pinagdaanan ko noon. Dapat magdo-doctoral pa ko pero hindi ko na tinuloy dahil naubos na ang pamana sa akin ni Daddy kaya kailangan ko nang mag-ipon hindi para lang saakin kung hindi para sa future family namin ng asawa kong si Seff.

Yes again, mag-asawa na po kami ni Seff. Nagpakasal kami last year lang and actually, ngayon ang anniversary namin. Dapat magdi-dinner kami pero dahil nga kinontact ako ng estudyante ko para makipagkita, hindi na namin natuloy 'yun. Dahil medyo late na rin, umuwi na lang kami pagkatapos magdrive thru sa isang fast food chain. Cheap ba? Mas gusto ko nga yung ganito eh. Mura na, masarap pa!

So ayun, kumain muna kami nang biglang may nilabas si Seff na isang cake. Nang basahin ko ang dedication, may nakasulat na "Happy 1st Anniversary, Baby!". Nagtaka nga ako eh. Wala naman kaming terms of endearment ni Seff pero hindi ka na lang pinansin dahil baka trip niya lang na tawagin akong 'baby' ngayon. Kumuha ako ng kapiraso at kinain iyon sa living room. Sinundan lang ako ni Seff at tumabi sa akin habang dala-dala ang box ng cake.

Akala ko naman, doon siya kakain kaya papagalitan ko na siya pero hindi. Dinutdot niya yung daliri niya sa icing at ipinahid sa kanang pisngi ko.

"At anong ibig sabihin nito?" natatawa at nagtitimpi kong tanong habang nginunguya pa yung isinubo kong cake.

Tumawa lang siya at pinahiran lang uli ako sa kabila namang pisngi. "Aba't!"

Ngayon, ginantihan ko na siya. Talagang dinakot ko na yung natitira sa cake na kinakain ko at isinalampak sa mukha niya.

At etong si gago, kinain pa yung pinahid ko sa mukha niya! "Ang sarap pala ng mukha ko. Hahahaha!" Kaduray!

"Siraulo ka!" sigaw ko pero pinahiran niya uli ako. Ngayon, kung saan-saang parte na ng mukha ko napunta ang ipinahid niya. Meron sa may baba, sa may noo, sa may mata, at pati sa may leeg ko. "Grabe!"

Tumayo na ako at lumayo sa kanya para makapaghilamos na rin pero hinila niya ulit ako palapit sa kanya at inilapit ang mukha niya sa akin. Aaminin ko kahit isang taon na kaming mag-asawa at nagsasama, namumula pa rin ako sa tuwing may ginagawa siyang ikakakilig ko. Sino ba namang hindi?

"A-Ano bang ginagawa mo? Maghihilamos na ko, huy." sabi ko at marahan siyang itinulak. Pero ayaw niya pa ring matinag!

Bigla na lang niyang hinalikan ang pisngi ko at nang mapagtanto ko na kung anong nangyayari, he's already consuming all the icings on my face. Nakikiliti tuloy ako sa ginagawa niya. Lalo pa nang mapunta siya sa leeg ko.

Tumigil lang siya nang maubos na ang mga icing. "I didn't know that you were that sweet. And I just to inform you, I freaking love to eat sweet things." tumigil siya. "Can I eat you?" sabi niya nang may nakakalokong ngiti.

Omaygad. Is he saying that we should do..."that"?! Oo, mag-asawa na kami pero never pa namin nagawa 'yun! Kahit noong honeymoon–well, hindi naman umabot doon. Pero kahit na!

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon