Lumipas ang mga araw, hindi pa rin nagigising si Seff. Pero naging stable na daw siya kaya inilipat na siya sa regular na kwarto at doon binabantayan. Kababalik ko pa lang galing school at inilapag ang gamit ko sa sofa.
As expected, pagkabalik ko ng school, tinanong nila akong lahat kung okay na daw ba ako. Sumagot ako ng oo kahit medyo nahihirapan pa rin akong gumawa ng extreme activities dahil sa sugat ko. Tinanong rin nila kung ano na raw ang kalagayan ni Seff, sabi ko, stable na siya pero hindi pa rin nagigising.
Doon na ako sa kwarto ni Seff nag-aral para naman makahabol ako sa mga lessons. Malapit pa naman nang magkaroon ng major tests. Mahirap na.
"You're here again?" nagulat ako nang biglang may nagsalita si Doc Sarah pala. Nalaman kong Sarah pala ang pangalan niya.
"Hindi ko po mapigilan." ngumiti ako sa kanya at chinceck niya yung BP ni Seff.
"Hoy, Mr. De Castro, gumising ka na. Ilang araw na naghihintay yung girlfirend mo." pagkausap niya kay Seff.
"H-Hindi po! Hindi ko po siya boyfriend!" nahihiya kong pagreact.
"Sus, hindi mo ako madadaan sa mga pagdedeny mo. Halatang-halata kaya kayo. Marami na kong nakitang ganyan."
"Hindi naman po kasi ako girlfriend ni Seff."
"Hmp. Ewan ko sa inyong dalawa. Kitang-kita na ngang kayo ang forever ng isa't-isa tapos dinededma niyo lang. Sayang ang mga chances!" sabi niya at umalis na.
Napatingin ako kay Seff. "Kung gumising ka na sana at niligawan ako, hindi na ako mgpapatumpik-tumpik pang sagutin ka. Bagal mo, fre."
Binalik ko na sa libro ko ang atensyon ko. Piniit kong intindihin ang mga 'yon pero hindi ko magawa. Hindi mawala sa utak ko yung sinabi ni Doc Sarah. Girlfriend?
Napatingin ako kay Seff. Ano kayang feeling na maging girlfriend ng isang Seff De Castro? Masaya? Nakakilig? Nakakaiyamot dahil lagi siyang nang-aasar? I always wonder how it feels like to be in a real relationship. Will I be in a happy one?
Napabuntong hininga na lang ako at bumalik sa ginagawa ko. Ano ba 'tong binabasa ko? Kahit ilang ulit kong basahin, wala akong naiintindihan. Para ako ditong isang bata na sinusubukang magbasa pero hindi pa marunong.
"Haay, makatulog na nga lang." inilagay ko sa bag yung libro ko at humiga na dun sa sofa.
Kinuha ko ang phone at headset ko sa bulsa ko at nagpatugtog ng kahit anong kanta. Naramdaman ko na lang ng nakatulog na ko.
Nakaramdam akong may kung anong dumapo si ilong ko kaya binugaw ko iyon. Maya-maya, sa noo ko naman dumapo. Binugaw ko ulit. Pero nainis na ako at nasampal ko yung sarili ko nang dumapo naman sa pisngi ko.
"Aray.." himas ko sa pisngi ko.
Bumaling ako sa kaliwa ko at nagtakip gamit yung unan na nasa sofa. Mamaya, sa braso ko naman dumapo kaya nabwisit na ko.
"Nakakainis naman tong ospital na 'to! Ang higpit daw sa kalinisan pero may langaw?!" sigaw ko. Saka ko lang napansin na may tao sa harapan ko. Napaupo ako.
"Ang cute mo," sabi niya at tumawa pagkatapos. Nang makita ko kung sino siya, napairit ako.
"Multo!!" sigaw ko at nagtakip ng unan. Narinig ko ulit siyang tumawa.
"Anong nangyari sa'yo? Nadukot ka lang naging malakas na yung imagination mo. Ako 'to, si Seff 'to." sabi niya at tinanggal yung unan.
"Ikaw ba talaga yan?" tumango siya. Tumingin ako sa kama niya at wala na nga si Seff dun. Hinampas ko siya.
"Aray! Alam kong medyo nakarecover na ko pero hindi mo pa ko pwedeng hampasin huy!" saway niya sa akin at hinimas yung parteng hinampas ko.
"Ikaw kasi! Bakit mo ba ginawa yun? Hindi mo naman ako kailangang iligtas, may pulis naman. Hindi mo rin ako kailangang protektahan, kaya ko yun." bulyaw ko sa kanya. Nararamdaman ko nang mapapaiyak ako rito.
"Sorry, wala ka nang magagawa. Nabaril na ko." biro niya. Hinampas ko nga ulit. "Aray! Sabi nang wag ak-"
Hindi ko siya pinatapos at niyakap ko na siya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Patuloy lang ako sa paghikbi at niyakap na niya rin ako pabalik. Humigpit yung yakap ko sa kanya.
"Alam mo ba kung gaano ako natakot na mawawala ka na lang ng ganun-ganun?"
"Oo.." nag-iba na yung tono niya. Malumanay na.
"Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa'yo?"
"Oo.."
"Alam mo bang halos hindi ako makatulog nang malaman ko kung anong nangyari sa'yo? Alam mo bang halos patayin na ko ng konsensya ko?"
"Oo.."
"Akala ko... akala ko.." hindi ko na matuloy ang sinasabi ko dahil tuluy-tuloy na yung paghikbi ko.
"Shh.. I'm sorry. I just can't let you be away and be taken from me. I don't want you to be in danger. I don't want you to be hurt." humiwalay sa yakap ko.
"Wag ka nang umiyak. Kahit ano pang galit ang ibato mo sakin, hinding-hindi ko pagsisisihan yung ginawa ko dahil ginusto ko yun para lang maprotektahan kita. Kahit pa maging kapalit ng buhay mo ang buhay ko." sabi niya at pinunasan ang mga luha ko.
"Naman eh. 'Wag ka namang magsalita ng ganyan. Parang nagpapaalam ka na sakin eh. Hirap na hirap na nga akong makita kang nagkaganyan tapos sasabihin mo pa na ginusto mo yan. Gusto mo yata akong mas makonsensya eh."
"Oh siya, sorry na. Hindi ko na po uulitin." pilit niyang sabi. Hinawakan niya yung kamay ko. "Siya nga pala, Reia."
"B-Bakit?" May sasabihin kaya siya tungkol samin? Naku, Reia. Nag-aassume ka na.
"Tulungan mo naman akong tumayo oh. Hirap pa kong maglakad." hila niya sa kamay ko. Napahampas tuloy ako sa braso niya. "Oh! Bakit nanaman?!"
"Wala." Ayan kasi nag-assume ka. "Ikaw naman kasi, kita mong kakagising mo lang tapos pipilitin mo kaagad yang katawan mo."
Una akong tumayo at hinila siya patayo. Muntik pa kaming matumba dahil medyo nanghihina pa nga yung katawan niya. Buti na lang nakapag-balance ako at sinalo ko siya. Hindi naming napansing may nakapasok na pala.
"Whew. Ganito na ba ang bagong version ng mga ballroom? Lalaki na yung binubuhat?" biro ni Snow. Hinila ko kaagad patayo si Seff at inalalayan siya pabalik ng kama niya.
"Magtigil ka nga Snow. Asan si Miks?" tanong ko.
"Nasa labas pa. Kausap yung kaibigan niyang nurse." lumapit siya kay Seff. "Bro! Ano, kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay naman, medyo nahihirapan lang akong maggagalaw."
"Gusto mo tawagin ko yung nurse?"
"Ha? Hindi na. Okay lang ako."
Hinayaan ko silng mag-usap at nagpaalam akong lalabas lang ako para bumili ng drinks sa isang vendor machine. IInumin ko na yung inumin ko nang biglang magvibrate yung phone ko. Kinuha ko iyon at nang mabasa ko kung sino yung tumatawag, halos maibagsak ko na yung inumin ko sa gulat.
Daddy.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...