Chapter 23

40 4 1
                                    

Matagal na rin akong hindi bumibisita kay Seff dahil na rin a banta ni Daddy. Kahit nahihirapan ako, kailangan kong gawin dahil ayoko nang madamay si Seff sa mga pinaggagagawa ni Daddy. Tinutok ko na lang ang atensyon ko sa paghabol sa mga namiss kong lessons. Vacant namin ngayon at balak namin ni Miks na pumunta ng library.

"Bibisita ka ba kay Seff mamaya? Hindi ka na bumibisita lately ah." bulong ni Miks pagkaupo namin.

"Ha? S-Siguro next time na lang. Marami pa kong aaralin eh. Malapit na namang magkaroon ng major exams." umiwas ako ng tingin.

"Ganoon ba? Tinatanong ka kasi sa akin ni Seff eh. Ni hindi ka rin daw nagrereply sa text o di kaya sumasagot sa tawag niya. Pati sakin, hindi ka sumasagot. Nasayo ba ang phone mo?"

"Oo, lowbatt lang kaya hindi ko na dinala." I paused. "Nga pala, nasaan ba si Snow? Magpapaturo pa ko sa kanya. Sabi niya tuturuan niya raw ako." pag-iiba ko ng usapan.

"Si Snow? Ewan ko nga rin eh, bigla na lang nawala. Baka may kailangan gawin." kinuha niya ang phone niya. "Ayun, nagtext. Pumunta raw siya kay Seff, may pinabibigay lang daw. Papunta na rin daw siya rito."

"Ahh."

Pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ko. Halos magnose bleed na nga ako sa sobrang lalim at ng mga words dito. Naalala kong may pinapatake nga palang special exam si Miss na na-miss ko dahil daw sa mga nangyari. Nagpaalam ako kay Miks at sinabing babalik rin ako. Pumunta ako sa faculty at pumasok para hanapin si Miss.

"Oh, Miss McRinne. Okay ka na ba?" tanong ng principal na nasa bungad lang ng pintuan.

"Opo." nakangiting sabi ko.

"How about Seff? Is he okay now?"

"Ah, opo. Pinagpapahinga lang po siya ng doktor niya para gumaling na rin ang mga natamo niya."

"Ganoon ba? Sige, ikamusta mo ako sa kanya ha."

Tumango ako. Naguiguilty ako dahil ang sinasabi ko lang naman ay ang mga naaalala ko nung mga panahong bumibisita pa ko sa kanya. Ni hindi ko na nga alam kung ano nang nangyari sa kanya. Hindi ko naman matanong sina Snow dahil baka magtaka sila. Baka sabihin nilang bakit hindi na lang ako mismo ang pumunta kay Seff at alamin ang sagot sa tanong ko.

Lumapit na ako sa teacher ko at kinuha na yung test. Sa kabilang kwarto ako pinagsagot. Walang tao roon kaya mas nakapagconcentrate ako sa pagsasagot ko. Pagkatapos ko, bumalik na ako kaagad sa library. Sa pagpunta ko roon, nakasalubong ko si Snow.

"Oh, san ka galing? Akala ko nasa library ka?" tanong niya.

"Nagtake ako ng na-miss kong test. Pabalik pa lang akong library."

"Ganoon ba? Tara na, naghihintay na si Miks."

Tahimik lang kami habang naglalakad nang kulbitin ako ni Snow, pakalingon ko, may isang envelope na siyang tinatapat sa mukha ko.

"Ano yan? Love letter? Naku, pinagtataksilan mo si Miks ha. At saakin mo pa naisipang magbigay ng love letter!" asar ko sa kanya.

"Anong pagtataksilan ang sinasabi mo diyan? Pinabibigay 'to ni Seff huy. Hindi mo raw kasi siya sinasagot sa mga tawag at text niya kaya pinabibigay niya 'to. Ikaw talaga, kung anu-anong iniisip mo. Hinding-hindi ko ipagpapalit si Miks ko no!" kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa palad ko yug sulat tsaka bumelat. Ayun, nauna na sakin.

Iniisip ko kung bubuksan ko ba yung sulat o hindi. Kapag nakita 'to ni Daddy, iisipin niyang nakikipagusap pa rin ako kay Seff. Pero kahit alam kong magiging ganoon ang sitwasyon, may parte pa rin ng utak ko na sinasabing basahin ko ito. Miss na miss ko na siya na hindi ko na kinakaya. Sa huli, itinupi ko ito at itinago sa bulsa ko.

Bumalik ako sa library at tinuruan na rin naman ako ni Snow. Nasaway pa nga kami minsan dahil ang ingay raw namin. Naintindihan ko naman sa huli kaya umalis na rin kami sa library dahil patapos na rin ang vacant namin.

Lutang lang ako simula nang magklase kami hanggang sa huli. Paminsan minsan akong napapatingin sa katabi kong bakante. Iniisip ko kung ano kayag ginagawa ni Seff ngayon. Siya pa naman yung tipo na hindi makakatagal nang walang ginagawa.

Naalala ko nung isang vacant namin, lahat kami nagself-study para sa isang subject. Dahil wala siyang libro, nakatunganga lang siya doon. Ayun, nagpush up. Nagtaka kami lang lahat nang gawin niya iyon pero wala siyang pakialam at pinagpatuloy lang ang ginawa niya. Natawa ako nang maalala ko iyon.

"Huy, napuruhan ba yung ulo mo nung nakidnap ka? Bakit tumatawa ka nang mag-isa diyan? Gusto mo dalhin kita uli sa ospital?" gulat na tanong ni Snow.

"Sira, may naalala lang ako."

"Uy, si Seff yan no? Yiee, kinikilig akiz." sabi niya na nag-asal bakla pa para matching sa beki language niya.

"Mukhang kang ewan. Tinalikuran mo na si Miks para sa mga lalaki?"

"Huy, hindi naman. Baka marinig ka nun, magagalit pa sakin." tumayo na ako at nag-ayos na ng gamit. "Alis na ko."

"Hindi ka sasabay?"

"Hindi na. May dadaanan pa ko." pagpapalusot ko. Alam ko kasing pupunta sila kay Seff.

Bumaba na ako ng building para umuwi na nang may makita akong isang itim na kotse at may isang lalaking naka black suit na naghihintay sa tabi nito.

"Miss McRinne?" tawag niya. Napaturo ako sa sarili ko. "Opo, kayo po."

"Bakit po?" tanong ko. Kinakabahan na ako. Simula kasi nang makidnap ako, medyo natakot na rin akong makipagusap sa mga hindi ko kilalang tao.

"Pinapasundo po kayo ni Sir Rouel." may pinakita siya sa aking sulat.

Ang sabi, sunduin raw ako every dismissal ko at ihatid sa bahay at wala nang ibang pupuntahan pa. May pirma ito ni Daddy na alam kong sa sobrang daming stroke, hindi ito basta-basta magagaya. Pinagbuksan ako ng lalaki ng pinto at pumasok na rin ako.

Ano ba talagang balak ni Daddy? Kulang na lang ikulong niya ako para lang mawalan ako ng means of communicition kay Seff. Kinuha na niya lahat. Phone ko, blinock niya pa ang mga social sites, pati pag-uwi ko, kailangang alam niya rin. Nasasakal na ko.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon