Chapter 25

45 5 1
                                    

Inumpisahan ko yung pagbabasa ko nung Me Before You at as expected, na-hook kaagad ako. Napansin kong medyo gumagabi na at inaantok na rin ako kaya tinapos ko na lang yung chapter at natulog na ako.

Nagising ako dahil sa alarm ko kaya pinatay ko na iyon. Bumangon na ako at gumayak na para pumasok sa school. Ni hindi ko nakita si Daddy sa bahay. Baka tulog pa. Dumiretso na lang ako sa kotse at binati si Kuya Ralph.

"Good morning kuya."

"Good morning din po." binuksan niya ang pinto para saakin at pumasok na ako.

Natanggap na kaya ni Seff yung sulat ko? Para akong timang dito sa upuan ko habang nag-iintay ng teacher dahil sa pagkakilig ko. 

"Huy, na-abno ka nanaman diyan." tawag sa akin ni Miks na nasa tabi ko. Lumipat muna siya ng upuan dahil wala pa naman daw ni Seff.

"Anong na-abno. May gagawin ba tayo? Tinatamad na akong magklase. Pwede bang mag-cutting?" reklamo ko.

"Cutting ka dyan. Pre-Calculus tayo ngayon, teh. Mahirap kapag nagcutting ka." napaubob ako.

"Ayoko na talagang umattend. Inaantok na ko."

"Oh, eto. Pangpagising." sumabat si Snow sa usapan kaya napatunghay ako. Inabot niya sa akin ang isang sulat. Tinanggap ko iyon.

"Galing ba 'to kay Seff?" tanong ko.

"Yiee, kinikilig siya." asar ni Snow sa akin.

"Wag ka nga." saway ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.

"'Wag ka na ngang tumanggi. Halatang-halata na kaya kayo. Halata na ng buong klase, matagal na!" inis na sabi ni Miks.

"Eh?!" nabigla ako sa sinabi niya. Ganun ba kami ka-close?!

"Oo, kaya 'wag ka nang magdeny. Inamin na rin kaya ni Seff saamin ni Snow."

"Ano?!"

Hindi pa naman kami nag-uusap tungkol dun ah?! Bakit may conclusion na kaagad siya? Hindi niya naririnig ang sagot ko! Bwisit yun, nalaman lang na miss ko na rin siya, sinabing may relasyon na kaagad kami.

Tinago ko na lang ang sulat sa bag ko at dumating na rin ang teacher namin. Buong klase akong lutang dahil iniisip ko kung anong gagawin ko sa sinabi ni Seff kina Snow. Tapos nalaman pa ng buong klase?! Paano na ngayon?

"Nga pala, Reia. Sino yung sumusundo sa'yo lagi? Ngayong ko lang siya nakita sa buong buhay na naging bestfriend kita." tanong ni Miks. Labasan na namin ngayon.

"Oo nga. Hindi ka tuloy namin ma-imbita gumala." pagsang-ayon ni Snow.

"Ah, yun ba? Simula kasi nang malaman ni Daddy yung nangyari sa akin, nag-hire siya driver ko para raw ligtas ako palagi."

"Ganoon ba? Kung ganon, pwede naman siguro tayong gumala minsan, di ba? Hindi naman siguro magagalit yung Daddy mo. Bestfriends mo naman kami." sabi ni Miks.

"Hindi ko lang alam. Medyo mahigpit kasi si Daddy." yun na lang ang nasabi ko. Hindi pa kasi nila nakikilala si Daddy dahil hindi naman ako nagkwekwento sa kanila tungkol sa pamilya ko.

"Magpaalam ka naman oh. Sawa na kong manlibre dito." sabi ni Snow habang tinuturo si Miks. Nagkabangayan ang dalawa at napailing na lang ako.


Ilang araw rin kaming nag-uusap ni Seff gamit ang makalumang paraan. Nananawa na nga si Snow kakadeliver ng mga sulat namin. Pero wala rin siyang magawa dahil naiintindihan naman niya ang sitwasyon namin. Hindi na rin ako nag-abala pang magpaalam kay Daddy para maggala kasama sina Miks dahil alam kong hindi naman niya ako papayagan. Sa bookstore pa nga lang, nagkasigawan na. Maggala pa kaya?

Kararating ko pa lang ng bahay nang makita ko si Daddy na nasa sala may hawak na mga sulat. Hindi ko na dapat siya papansinin pero nakuha niya ang pansin ko nang sabihin niya ang pangalan ko.

"You really have the guts to read and reply letters from that Seff, huh?" sabi niya at inihagis sa lamesa ang mga sulat na binabasa niya. 

Teka, yun yung mga sulat ni Seff, ah? Tinago ko ng mabuti yun. Paano niya nakita ang mga 'yon?

"Paanong.."

"Sinusubukan mo talaga ako no? Gusto mo talagang inuubos ang pasensya ko." tumayo siya at kitang-kita sa mga mata niya ang pagka-inis. Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. Anong gagawin niya?

Nagmamadali siyang lumapit sa akin at hinablot ang kamay ko. Kinaladkad niya ako paakyat sa kwarto ko.

"Aray! Nasasaktan ako!" sinubukan kong pumiglas sa pagkakahawak niya sa akin pero sa sobrang higpit nun, hindi ko na maramdaman ang mga daliri ko.

Tinulak niya ako papasok sa kwarto ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.

"Sisiguraduhin kong hinding-hindi ka na makakagawa ng gusto mo ng hindi ko alam." sabi niya at biglang sinarado ang pinto.

Narinig kong may kung anong ginawa siya sa pinto. Nang tumayo ako at sinubukang buksan ito, hindi siya bumukas. Naka-lock. Ito pa naman yung klase ng pinto na hindi mo mabubuksan hanggang wala kang susi kapag naka-lock. Anong ginawa niya? Ikukulong niya ba ako dito?

"Daddy! Ilabas mo ako dito!" kinalampag ko ang pinto pero wala akong naririnig na kahit ano mula sa labas.

Sinubukan kong kalikutin ang pinto pero hindi ko magawa. Nag-umpisang bumalot ang takot sa akin. Hindi na siya ang nakilala kong tatay ko. Miss ko na ang Daddy ko dati.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon