I can't believe what I'm seeing. Reia is unconsciously sitting on the floor of her bathroom. Her lips were pale as white and the floor is covered with blood, coming from her left wrist.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinubukan ko siyang gisingin pero walang nangyayari. Lumapit yung driver niya at chineck yung pulso niya sa leeg.
"Mahina na," sabi niya.
Binuhat ko na siya at tinalian naman ni Snow yung laslas ni Reia sa wrist niya. Dali-dali kaming pumunta sa ospital. Habang papunta roon, sinusubukan ko pa rin siyang gisingin pero wala pa rin. Tinignan ko sa tabi ko si Miks na kanina pang umiiyak.
"Miks, 'wag kang umiyak. Magiging okay rin si Reia, okay?" pagpapatahan ko sa kanya.
"Pero si Reia.." humihikbi niyang sabi. Hinawakan ni Snow na nasa passenger's seat ang kamay niya.
"Miks, 'wag ka nang umiyak. Kailangan nating magpakatatag para kay Reia." mahinahon niyang sabi pero alam kong natatakot at natataranta na rin siya.
Tinignan ko si Reia at wala pa rin siyang malay. Humihina na ang paghinga niya. Kanina ko pang hawak ang kamay niya at nanlalamig na siya.
"Reia, malapit na tayo. 'Wag kang bibitiw. 'Wag mo kong iiwan." bulong ko sa tenga niya.
Kahit pigilin ko, may nangingilid nang mga luha sa mata ko. Hindi dapat ako maging mahina sa mga sitwasyon na ganito.
Sa wakas ay nakarating rin kami ng ospital at sinalubong na kami ng mga nurse dahil na-inform na namin sila kanina. They treated her while we were at the other side of the curtain. Kumakabog ang dibdib ko kahit na alam kong ginagawa naman ng mga nurse at doktor ang best nila para iligtas si Reia. Natatakot lang ako na baka hindi sapat ang best nila para iligtas siya.
Moments passed, at lumabas na rin sila.
"Ligtas na siya." sabi ng doktor. Nawalan ako ng tinik sa dibdib nun. "Pero kailangan pa natin siyang bantayan dahil most of the people with the same case with her, inuulit kung anong ginawa nila. I say dapat may magbabantay sa kanya sa lahat ng oras." nagkatinginan kaming lahat.
"Inuulit po nila?" tanong ni Snow.
"Oo. Kaya it's best kung may taga-bantay talaga sa kanya." sabi niya at in-excuse ang sarili paalis.
"Taga-bantay? Obviously, hindi tayo pwede dun kasi may pasok tayo." sabi ni Miks na medyo nakatahan na.
"Eh kung si Kuya na lang kaya?" tanong ni Snow habang nakatingin kay sa driver ni Reia. Pinakilala niya ng sarili niya saamin kanina noong papunta kami kina Reia. Hindi ko lang natandaan kaagad ang pangalan niya.
"Ako po?" tanong niya habang tinuturo ang sarili niya.
"Oo, ikaw."
"Hindi siya pwede dahil tintanggal ko na ang trabaho niya." biglang sabi ng isang lalaki. Base sa sinabi niya at sa reaksyon ni Kuya, mukhang siya ang Daddy ni Reia.
"S-Sir." nakayukong bati ni Kuya.
"Kunin mo na ang mga gamit mo sa bahay. Hindi ko kailangan ng taong hindi man lang magawa kung anong inuutos sa kanya." sabi niya.
"P-Pero, Sir.." sinubukan niyang magprotesta pero wala.
"Hindi mo man lang magawang mailayo si Reia sa mga ito!" sigaw niya at tinuro kami nang sabihin niyang 'ito'.
"Sandali lang po." umimik na ako. Ayoko namang magkanda-pahiyaan pa kami ditong lahat dahil sa panlalait niya. Tumingin naman siya sa akin. "Tama po ba ang narinig ko? Inilalayo niyo si Reia sa amin?"
"Oo, tama ka. Kayo lang naman ang nakikita kong banta sa buhay niya." dahan-dahan siyang lumapit. "Lalong lalo na ikaw." turo niya sa akin.
"Paano naman pong magiging banta ako sa buhay niya?" nagsisimula na akong manggalaiti dahil ang yabang niyang makatingin sa akin.
"Narinig ko pa lang na tunay mong mga magulang ang kumidnap kay Reia, alam kong may kinalaman ka na kaagad dun. Lalo pa nang malaman ko na kaibigan mo siya." sabi niya para bang alam na alam niya kung anong sinasabi niya.
"Hindi naman po kasi ganoon yun katulad nang iniisip niyo." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihan? Kung anong puno, siyang bunga? O baka gusto mo pang ipaliwanag ko sa'yo?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, nasuntok ko na siya. Bukod sa pang-iinsulto niya sa akin, ininsulto na niya rin ang mga magulang ko. Kahit na kasuklam-suklam sila, magulang pa rin sila. Minahal ko pa rin sila.
Inawat naman kaagad ni Snow at ni Kuya. Nakita kong dumugo ang labi niya at pinunasan niya kaagad iyon.
"Ngayon mas nakikita ko nang tama nga ko." nang-asar niyang sabi.
"Mali ka. Pinalaki ako ng mga umampon sa akin na alam kung anong tama sa mali kaya hindi ako magiging kagaya ng sinasabi mo." nagtitimpi kong sabi.
"Tignan na lang natin."
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...