Simula noong pag-uusap namin ni Seff tungkol sa buhay niya, nag-iba na ang tingin ko sa kanya. Hindi na siya yung lalakeng laging nangungulit malaman lamang ang tungkol sa sikreto ko. After realizing na parehas lang naman kami though we have different situations, it feels like mas naging close kami.
Ganun pa rin siya at parang walang nangyari. Na parang hindi lumabas ang 'deep dark secret' niya. Palagi pa rin siyang nakikipagkulitan sa iba lalong lalo na kay Snow. Inaasar niya parin ako minsan pero hindi na niya binabanggit yung tungkol sa sikreto ko.
Malapit nang mag-Christmas season kaya naman nagkakanda-ugaga na ang lahat para sa darating na Christmas Party. Ang iba, nag-umpisa na raw mamili ng mga regalo. Habang ako, hindi ko pa rin alam kung ano ang ireregalo ko kina Miks.
"Class, may I have your attention please?" sigaw ng adviser namin. "Gagawin na natin ang bunutan para for Montio/Monita para sa Christmas Party." nang sabihin niya 'yon, naghiyawan ang lahat.
Nagsimulang maglibot si Miss dala ang isang pencilcase na may lamang mga malilit na papel. Iba-iba ang reaksyon nila nang makabunot na sila. May natuwa, may nainis, ta may ibang mukhang disappointed pa. Nang ako na ang bumunot, ipinagdasal ko na sana hindi lalaki ang mabunot ko. Nahihirapan kasi akong maghanap ng pwedeng iregalo sa kanila.
Dahan-dahan kong binuklat at binasa ang nakasulat sa papel.
SNOW VERGARA
Naman eh! Bakit si Snow pa?! Mahirap pa namang regaluhan ang lalaking yun! Kalalaking tao eh ang arte-arte!
May isang ideya ang pumasok sa utak ko. Siguro naman, kapag si Miks ang nagregalo kay Snow, kahit ano pa yun, matutuwa siya. Wala eh, MU sila eh.
Nang umalis na si Miss, lumapit ako kaagad kay Miks.
"Uy, Miks, sinong nabunot mo?"
"Secret." sabi niya ng may nakakalokong ngiti.
"Aba, may pasecret-secret ka pa dyan ah. Sino nga kasi? O kaya bigyan mo na lang ako ng clue."
"No. Bakit ba?"
"Gusto ko kasing makipagpalit. Lalaki kasi yung nabunot ko eh. Alam mo naman ako, kapag lalaki ang reregaluhan, hindi ko alam kung anong gagawin."
"Mmm," napaisip siya. "Sige. Basta wala nang bawian!"
"Oo!" sa wakas!
Nakatupi naming pinagpalit ang mga kapirasong papel na hawak namin. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang pangalang:
JOSEFF DE CASTRO
"Miks! Ano 'to! Bakit hindi mo sinabing si Se-" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko, tinakpan na agad niya ang bibig ko.
"Tumahimik ka nga. Sige ka, gusto mong malaman ng buong klase na si Seff ang 'nabunot' mo? Besides, ginusto mo yan teh." bulong niya sa tenga ko. Tinanggal ko din agad ang kamay niya sa bibig ko.
Magrereklamo pa sana ako pero dumating na yung teacher namin at nagumpisa na ang klase.
Buong araw akong lutang at namomroblema patungkol sa kung anong ireregalo ko kay Seff. Hindi ko naman pwedeng itanong sa kanya. Mahahalata niya ako. Hindi ko rin naman pwedeng ipatanong kay Snow, aasarin ako nun. Hindi rin naman pumayag si Miks na makipagpalit ulit ako. Ginusto ko daw yun kaya ako raw dumiskarte.
Buti na lang, dahil sa marami ring namomroblema, gumawa ang adviser namin ng wishlist para naman daw hindi masayang yung regalong kung sakaling hindi gusto nung nakatanggap yung regalo. Nang maipost ito sa board, binasa ko kaagad ito. Hinanap ko ang pangalan ni Seff at inalam kung anong gusto niya.
Something memorable.
Huh? Ano at saan naman ako makakahanap ng ganoon?
"Miks, nabasa mo na ba yung nakasulat sa wishlist?"
"Oo, at alam ko na kung anong ibibigay ko kay Snow. Salamat ha, nakipagpalit ka sakin." sabi niya at kumagat sa binili niyang mansanas.
"Edi ikaw na nga. Pero pano naman ako? Sinabi niya nga kung anong gusto niya, pero ano ba naman? Bakit ba nagpapaka-mysterious pa siya? Pwede namang sabihin na niya lang!"
"Hello? Hindi pa ba obvious? Gusto niya ng isang bagay na unique. Yung tipong hindi mo makikita kung saan lang."
"Ganun ba? Eh saan ko naman makikita yun?"
"Ewan ko. Di ba sabi ko, yun yung hindi mo makikita kung san lang? Wala bang nababanggit sa'yo si Seff?"
"Wala naman."
"Good luck na lang sa'yo gurl."
Tapos na akong mamili ng mga regalo at si Seff na lang ang tanging wala pa. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin alam kung anong ibibigay ko sa kanya. Baka mamaya, ayaw pa niya ang ibinigay ko o di naman kaya, meron na siya ng bagay na yun. Malapit na naman na ang Christmas Party. Nauubusan na ako ng oras. Pero teka nga, bakit ba naste-stress ng sobra?
Umuwi na ko ng bahay dahil wala rin naman akong makita sa mall na babagay sa tulad ni Seff. Kumain muna ako at pumasok na sa kwarto ko. Ipinatas ko ang mga napamili ko para dire-diretso na ang pagbabalot ko bukas.
Naisipan kong kunin ang mga phone ko para magsearch ng 'memorable gifts' tulad ng sinabi ng Seff. Pinindot ko ang isang article. Ini-scroll ko ng ini-scroll down hanggang may nakita akong isang unique and surely memorable na regalo.
"Bingo."
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...