Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at isang nakakasilaw na kwarto ang bumungad sa akin. Nasa langit na ba ko? Impossible, Reia. Sobrang dami mong kasalanan para mapunta ka pa sa langit.
"Reia?" I heard a faint call. Lumingon ako sa kanya at nakita si Seff sa tabi ko. Nandoon rin sina Miks at si Kuya Ralph.
"Anong.. nangyari?" mahina kong tanong na halos pabulong na.
"Ikaw ang dapat naming tanungin. Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun?!" sigaw sa akin ni Seff.
Saka ko lang naalala ang nangyari. Akala ko kasi tuluyan ko na silang hindi makikita. Nawalan na ako ng pag-asa kaya ako na mismo ang tumapos sa paghihirap ko.
"Sorry.." yun na lang ang nasabi ko saka ko naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko.
Parang na-guilty naman si Seff at hinawakan ang kamay ko. Hindi niya yata inaasahan ang reaksyon ko sa sinabi niya.
"Pasensya na rin. Nag-alala lang kami sa'yo." sabi niya saka naman lumapit sa tabi ko sina Miks.
"Reia, 'wag mo na uling gagawin 'yun ha? Kundi ido-double dead kita!" naiiyak niyang sabi.
"Tsaka 'wag mong iisiping hahayaan ka naming umalis ng ganun-ganun na lang! Hindi pa tayo nakakalabas simula nang maospital kayong dalawa!" sabi naman ni Snow.
Natawa ako ng mahina. "Salamat."
"Patawarin niyo po ako, Ma'am Reia. Hindi ko po dapat kayo iniwan noon." rinig kong sabi ni Kuya Ralph. Umiling ako.
"Wala kang kasalanan. Desisyon kong gawin 'yon at nagkamali ako. Ako dapat ang humingi ng tawad."
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Seff sa kamay ko. "Don't you ever dare do that again." tumango ako. May bigla akong naalala.
"Si Daddy? Hindi pa ba niya alam kung anong nangyari sakin?" tanong ko. Biglang nag-iba ang ekspresyon nila.
"Ano, Reia. Mukhang masyadong kumplikado para i-explain namin sa'yo eh." nag-aalangan na sabi ni Snow.
"Bakit? Pinagbantaan ba nila kayo?" panghuhula ko. Well, hula na may basehan. Mukhang nahuli ko naman kaagad sila sa sinabi ko.
"Paanong.." hindi makapaniwalang sabi ni Seff.
"Ginawa na niya rin yun sakin dati. Umabot nga kami sa pagkulong niya sakin." sabi ko at pilit na ngumiti. Hindi sila makapaniwala.
"Pinagbantaan ka niya? Paanong pagbabanta?" nag-aalalang tanong ni Seff.
"Ang totoo kasi niyan.." nag-aalangan pa kong sabihin sa kanya pero hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Nang tumingin ako kina Miks, mukhang gusto rin nilang malaman.
"Pinagbantaan niya kong kakasuhan ka niya kapag nalaman niyang nakikipag-ugnayan pa rin ako sa'yo kahit na sinabi niyang lumayo na ako. 'Yun rin yung dahilan kung bakit wala akong phone. Kinuha niya. Tsaka 'yun din ang dahilan kung bakit hindi ako makabisita sa'yo." sabi ko kay Seff.
"Sabihin niyo nga. Paano niya ba kayo pinagbantaan?" nagkatinginan sila.
"Ano, Reia, hindi naman sa totally na pinagbantaan niya kami. Base lang sa mga sinabi niya, mukhang may gagawin siyang hindi namin magugustuhan." sabi ni Miks. "Lalong-lalo na kay Seff."
Napatingin ako kay Seff. "Anong sinabi niya sa'yo?" napaiwas naman siya ng tingin. "Ano?!"
Naramdaman naman niyang medyo naiinis na ako kaya nagsalita na siya. "Kinumpara niya kasi ako sa mga tunay kong mga magulang. Sinabi pa niyang 'kung anong puno, siyang bunga' kaya medyo nainis ako at nasuntok ko siya. Pinagtanggol ko ang sarili ko at sinabing hindi ako kagaya nila pero sabi niya tignan na lang daw natin." sabi niya nang hindi makatingin sa akin.
"Nangyayari na. Mukhang kakasuhan ka na nga niya." natatakot kong sabi. Napatingin nang diretso saakin si Seff.
"Hindi pwede. Ano naman ang ikakaso niya kay Seff?" hindi makapaniwalang tanong ni Snow.
"Hindi ko alam. Baka-" sasabihin ko pa sana ang nasa isip ko nang biglang may kumatok sa pinto. Bumukas ito at may pumasok na dalawang mga nakauniporme ng pulis.
"Seff De Castro?" napatayo si Seff pero hindi pa rin niya binitiwan ang kamay ko. "Pwede ka bang sumama sa amin sa presinto?"
Napatingin sa akin si Seff. Kitang-kita sa mukha niya ang takot. Nanlalamig na rin ang kamay niya. Lumingon ulit siya sa mga pulis.
"B-Bakit po?" nauutal niyang tanong.
"Pinagbibintangan kang nakipagsabwatan kina Ross Legaspi nang dakpin nila ng mga kasama niya si Riea McRinne. Kailangan lang naming marinig ang panig mo." seryosong sabi ng isa sa mga pulis.
Tumingin sa akin si Seff at napabuntong hininga. Pumikit siya sandali at malungkot na ngumiti sa akin. Hinalikan niya ang kamay ko at saka ito binitawan. Dahan-dahang siyang lumapit sa mga pulis at umalis na rin sila. Bago magsara ang pinto, nakita ko pa siyang sumilip sa akin.
Nakaramdam ako ng matinding galit at pagkainis. Nagagalit ako dahil mismong tatay ko ang gumagawa ng paraan para lang mawala sakin ang pinakamamahal ko. Naiinis ako dahil wala akong magawa para lang hindi madamay si Seff sa gulo naming mag-ama. Nagiging blurred na ang paningin ko dahil sa mga luhang patuloy ang pagpatak.
"Reia, susundan ko sila sa presinto, ha. 'Wag kang mag-alala. Malalagpasan rin natin 'to." sabi ni Snow. Tumango ako at umalis na rin siya para sundan sina Seff.
Naiwan sina Miks at Kuya Ralph sa kwarto at kahit na naiiyak na rin si Miks, pinapatahan pa rin niya ako. Si Kuya Ralph naman, hindi malaman kung anong gagawin. Nakatulala lang siya doon.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Masyadong kumplikado ang sitwasyon. Alam kong marami pang mangyayari dahil hindi titigil si Daddy ng ganun-ganun lang.
Kahit gusto kong tumulong, hindi ko magawa dahil nakahilata ako sa kamang ito at ni hindi man lang makatayo ng ayos. Hirap pa ang katawan ko, lalong lalo na ang puso ko.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...