Dinala ako ni Seff sa isang mataas na lugar. Sa tabi ng isang bangin. Kitang-kita namin ang night life sa siyudad ang ibang klase ang ganda nito. Umupo kami sa hood ng kotse niya.
"Bakit mo naman ako dito dinala?" tanong ko nang makaupo kami.
"Ayoko kasi sa iba. Mamaya magulong lugar lang ang mapuntahan natin o di kaya naman maraming istorbo. Di ba sabi ko, gusto kitang ma-solo?" paliwanag niya.
Medyo malamig yung simoy ng hangin, pero yun yung mismong tipo ko. Gusto ko kasi ng malamig na panahon eh.
"Eh anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya. "Ewan ko."
Ano ba yan. Akala ko pa naman, sa isang romantic na lugar niya ako dadalhin. May pasabi-sabi pa siya na gusto niya akong ma-solo, tapos ito lang?
Napabuntong-hininga ako. "Nakakainis ka." bulong ko.
"Bakit naman ako nakakainis?" tanong niya. Narinig niya pa rin pala.
"Wala." naiirita kong sabi.
"Bakit nga?" sabi niya at lumapit sa akin. Malapit na kami sa isa't-isa, mas lumapit pa siya.
Kumabog naman ng nalakas ang puso ko. "Wala nga sabi."
"Akala mo, sa isang romantic na lugar tayo pupunta?" nahuli niya ako sa sinabi niyang iyon. Natawa siya nang malungkot. "Hindi ba 'to romantic?" tanong niya.
"H-Hindi naman sa ganun." pagde-deny ko. "Nag-expact lang siguro ako ng sobra."
Alam kong masakit para sa pride ng lalaki na sabihan na kulang ang effort na ginawa nila. Kahit na hindi naman talaga ganun ang sinabi at nagawa ko. Nakaka-guilty lang.
"Sorry." yun na lang ang sinabi ko.
Inakbayan na niya lang ako. "'Wag kang mag-sorry. Wala na rin naman kasi akong maisip na mapuntahan na pwede kitang ma-solo, eh. Ayoko naman sa bahay niyo. Paulit-ulit na lang. Masyadong redundant." Natahimik ako. Nag-eexplain siya kahit hindi naman kailangan. Ako naman yung hindi nakaintindi.
Dahil sa malakas at malamig na simoy ng hangin, bigla na lang akong napahatching. Medyo natatawa pa si Seff pero ginawa na niya kaagad ang duty ng isang boyfriend. Tumayo siya para hubarin ang coat niya para ipahiram sa akin. Ito na nga ba ang ayaw ko sa mga revealing na damit, eh. Palagi na lang akong sinisipon.
"Salamat." sabi ko pagkatapos ang pagsuot ko sa coat niya. "Ayan, nagiging romantic na ang scene." biro ko.
"Gusto mo mas maging romantic?" bulalas niya. Napa-"ha?" naman ako. "Wala, tara na. Sinisipon ka na oh."
Um-oo ako kasi ewan ko, kahapon pang sakit ng katawan ko. Tapos parang bigat pa ng pakiramdam ko. Idagdag mo pa yung sipon ko kaya sumakit ang ulo ko.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay ako. Buti na lang nang umikot na yung paningin ko, hindi siya nakatingin. Ayoko siyang pagalalahanin. Nang makapasok siya sa kotse, tumigil na yung pagkahilo ko.
Lalo akong nahilo nang buksan ni Seff yung aircon. Naamoy ko yung pabango nito at nakapagtatakang umaayaw ang ilong ko. "Seff, pwede bang 'wag muna tayong mag-aircon?"
Nagtataka niya akong tinignan pero pinatay niya rin naman ito at binuksan ang bintana. Mas lumamig ang tama ng hangin sa akin kaya napahatching uli ako.
"Reia. Okay ka lang ba? Bakit bigla kang pumutla?" rinig kong sabi ni Seff sa tabi ko. Patingin-tingin siya sa akin habang nagda-drive.
Tumango ako. "Oo, okay lang ako. Sipon lang 'to." sabi ko kahit na halata naman sa boses ko na may sakit ako.
Dahil dun, biglang prineno ni Seff sa tabi ang kotse at muntik na akong magsumasob.
[SEFF's POINT of VIEW]
Idinikit ko ang likod ng kamay ko sa leeg ni Reia. "Jusko, Reia! Ang init mo! Bakit hindi mo sinabing masama ang pakiramdam mo?!"
Nagpapanic na ako dahil mukhang nanghihina na si Reia. "Wait lang, Reia. Dadalhin kita sa ospital!"
Paandarin ko uli ang kotse nang hawakan niya ako. "Ayoko. Sa bahay na lang tayo. Ayoko sa ospital. Saka mo na lang ako dalhin dun kapag mamatay na ko."
Papagalitan ko pa sana siya pero nakita kong ayaw niya talaga roon. Kahit nagaalangan ako, pinili kong sundin ang gusto niya. Hindi ko siya dinala sa ospital kundi sa bahay.
Pagkarating na pagkarating namin doon, inihiga ko muna siya sa sofa sa salas para kumuha ng gamot niya. Buti na lang, may natitira pa. Pagbalik ko, nakahiga pa rin siya doon at nakatingin lang sa akin.
Lumapit ako sa kanya at pinaupo siya. Kinuha ko yung gamot at iniabot sa kanya. Ininom rin naman niya agad iyon. Dadalhin ko na dapat siya sa kwarto niya pero ipinatong niya lang ang kamay niya sa magkabilang balikat ko at pinigilan ako sa pagtayo kahit na nanghihina siya.
Nakita ko ang ngiti niya. Hindi ko alam. May kakaiba sa ngiti niya. Saka ko lang nalaman na nagiging iba siya kapag may sakit dahil...
"Kiss me." Nabigla ako sa sinabi niya pero nilapit niya lang ang mukha niya sa akin at may sinabi pang mas ikinagulat ko. "Make love with me."
Tatanungin ko pa sana siya kung anong sinabi niya at kung bakit ganoon siya but I just felt her warm lips on mine. I tried to resist knowing that she has a flu but she just continued kissing me that I forgot what the situation was.
What she said continued echoing in my head that I lose my self-control, and add that her warm lips hypnotized me and made me addicted by it. I didn't know what was I doing but I just came back to myself when my lips landed on her burning neck that I cannot stand the hotness of it.
Only then I stopped what am I doing. When I looked at her, she was already crying.
"Oh my God. What did I do?" I silently cursed myself. "I'm sorry, Reia."
She looked at me but didn't gave a response. "Reia?"
Bigla na lang siyang pumikit at nakatulog. I composed myself at binuhat na siya paakyat sa kwarto niya. Nang maihiga ko siya. Hindi ko mapigilang mag-sorry sa kanya kahit na hindi naman niya ako naririnig.
Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Hindi ko kayang tumabi sa kanya dahil nahihiya ako sa ginawa ko.
Umupo na lang ako sa sahig, sa tabi ng kama niya. Hindi ko magawang tignan ang mukha niya dahil naalala ko yung ginawa ko.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...