Chapter 37

40 4 0
                                    

[REIA's POINT of VIEW]

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko kay Seff na kanina pang nagda-drive. "Tsaka ano bang meron?"

"Basta. Malapit na rin tayo."

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at kung para saan ba ito. Ano ba kasing trip nito at palaging may pa-suspense effect pa lagi!

Tinitignan ko lang ang dinadaanan namin at nagbabakasakaling may makita akong clue kung pa saan ang punta namin pero wala talaga akong makita. Ngayon ko lang nadaanan ang lugar na ito. Maya-maya pa'y tumigil kami kung saan at hindi ko mabuo sa isip ko kung bakit niya ako dinala roon.

"Anong gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong.

"Jusko, Reia. Nagkaroon lang tayo ng major exam, naubos na yung talino mo? Ano pa bang ginagawa sa bilihan ng damit? Eh di bibili!" sabi niya.

Hinila niya ako papasok at kitang-kita na puro mga pang-formal na damit at mga dress ang nadito. Bakit naman kami bibili ng ganitong damit?

May lumapit sa aming saleslady at may binulong si Seff as kanya. Bigla na lang akong hinila ng babaeng iyon. "Dito po tayo, ma'am."

"H-Ha? Saan po tayo pupunta?"

Hindi niya ako pinansin sa halip ay pinasok sa isang kwarto kung saan binihisan niya ako ng mga nakahilerang damit. Bawat sukat ko, inilalabas niya ako para makita ni Seff ang itsura ko. Ilang beses na umiling si Seff na para bang ayaw niya sa suot ko. Bakit? Ang gaganda naman nila ah.

Matapos ang ilang try, may pinasuot sa aking isang laced maroon dress. Though medyo revealing ang likod niya, hindi naman yun yung type ng revealing na lumalagpas sa moral standards ko kaya hindi ako ganoong na-conscious. Nang makita ko ang sarili ko, sinabi ko na kaagad sa sarili ko na ito ang gsuto ko.

Nang lumabas ako, nakita kong naka-suit na rin siya na mas nagpa-gwapo sa kanya. Napangiti na kaagad siya nang makita ko. Sinenyasan niya yung babae na yun na yung kukunin niya at lumapit siya saakin. "Perfect. You're so beautiful I can't take my eyes off of you."

Kinilig naman ako sa sinabi niya. "Salamat. Para saan ba kasi ito?"

Instead na sagutin ang tanong ko, ngumiti na lang siya hinila na niya lang ako palabas at pumasok naman sa isang salon.

"Paki-ayusan po siya. Just keep it simple." sabi niya dun sa taga-salon.

Umupo muna siya sa may gilid habang inaayusan nila ako. Ano ba kasung meron ngayon? Nacu-curious na ko.

Nang matapos na ang pag-aayos sa akin. Mas lumawak naman ang ngiti niya. "Ano bang meron sa'yo at lahat na lang ng ayos, mas lalo ka pang gumaganda?"

"Tumigil ka nga diyan." pigil ko sa kanya. Kitang-kita na sa mukha ko ang pagkakilig ko.

"Tara." 

Hindi ko nanaman alam kung saan kami pupunta. Mas malayo na 'tong pinupuntahan namin. Nagtagal, tumigil kami sa harap ng isang tanyag na restaurant. Omayghadd, magde-date ba kami?!

Pumasok kami at nakakakapagtakang kilalang-kilala siya ng mga staff roon.

"Girlfriend niyo po, Sir?" tanong ng security guard.

Ngumiti naman siya at proud niyang sinabing, "Opo."

Nakita ko pang kinikilig si Kuya. Natawa tuloy ako nang mahina. Bigla namang may lumapit na parang waiter sa amin.

"Sir Seff, dito po."

Umakyat kami sa isang kwarto at pagpasok namin, nandoon ang mga magulang niya.

"Psst, huy! Bakit hindi mo sinabing makikipagkita tayo sa mga magulang mo?!" pabulong kong sigaw sa kanya bago kami lumapit.

"Baka tumakas ka eh."

Nang makalapit kami, nagbesohan kaagad kami at nagyakapan ang mag-ama. 

"Happy Birthday, anak." sabi nang kanyang tatay nang magkahiwalay sila sa yakapan nila. Ano?! Birthday ni Seff?! Bakit hindi ko nalaman kaagad?!

"Thanks, Dad."

Bumati rin ang knayang nanay at umupo na kami. Hindi ako makatingin sa mga mata ng kahit sina sa mga kasama ko. Ako lang ang hindi nakakaalam na birthday ni Seff!

"It's nice to see you came with Reia." napatunghay ako nang marinig kong binanggit ng nanay niya ang pangalan ko. Ang pagkakaalam ko, Mariel ang pangalan niya. English name niya yata yun.

"How are you, iha? I last saw you when you were mourning at the death of your father. I was so worried about you." sabi niya. Naalala ko, nandoon nga pala sila noon.

"I'm okay na po Mrs. De Castro. Thanks to your son." sabi ko at sumulyap kay Seff.

"Oh, come on. Just call me Tita!" sabi niya habang tumatawa. Um-oo naman ako.

"Nga pala anak, congratulations on both of you for having very good grades from your tests!" sabi ng tatay niya. Ang alam ko, Andy ang pangalan niya.

"Salamat po. Buti na lang pinayagan kaming magtake ng mga test na yun. Kundi, baka mag-summer pa kami ni Reia."

"Speaking of summer," bumaling ang atensyon niya sa akin. "How about sumama ka sa amin sa out-of-town namin? That would be great!"

"Po? Naku, hindi na po. Nakakahiya naman po. Ang dami niyo na pong naitulong sa akin." pagtanggi ko.

"Don't worry. Hindi ka naman namin sinisingil. For you to understand, the moment na sinabi sa amin ni Seff na mahal ka niya, tinuring ka na rin namin na anak namin."

Napatingin ako kay Seff. Nangyari talaga 'yun?! "S-Sige po."

Nagkaroon pa kami ng kwentuhan at di kalaunan ay kumain na rin kami.

"Ang sarap naman po dito." comment ko.

Mukhang biglang lalong sumaya ang itsura ng mga magulang niya  "I'm glad nagustuhan mo ang mga luto namin."

"Namin? Sa inyo pong restaurant na'to?" gulat na tanong ko. Tumango sila. Kaya pala ang galing ring magluto ni Seff. Mana sa kanila.

Nang matapos ang makangalay sa pangang kwentuhan at nguyaan, biglang nag-abot ng isang paperbag si Tito Andy. "Oh, regalo namin sa'yo. Ingatan mo yan ha?"

Tuwang-tuwa naman si Seff. Sino ba namang hindi? "Salamat po!"

Nakaka-burden namang makitang nagbibigayan sila ng regalo. Wala man lang akong napaghandaan na ibigay kay Seff.

"Ah, Mom, Dad, pwede na po ba kaming umalis? Gusto ko lang ma-solo si Reia."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ang straight-forward naman niya! Mukhang nabigla rin ang mga magulang niya pero natawa rin sila. "Sige. Ingat kayo ha?"

Nang matapos ang besohan namin, hinila ako ni Seff palabas. Pumasok kami sa kotse niya at wala nanaman akong clue kung saan nanaman kami pupunta.


My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon