Chapter 10

57 4 0
                                    

"Reia, nakita mo ba kung nasaan yung susi ko?" tanong ni Manang.

"Ha? Di ba sabi mo noong huli, naiwan mo dito?"

"Yun nga eh, akala ko naiwan ko dito. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nahahanap. Spare ang lagi kong gamit. Nasaan na kaya yun?" sabi niya habang naghahalikwat ng bag niya.

"Baka nahulog mo kung saan?"

"Kung ganon, kailangan ko na uling magpa-duplicate. Mahirap lang 'pag iisa yung susi. Agawan tayo." biro niya. "Oh, siya. Magpapa-duplcate lang ako nito. 'Wag ka munang aalis dahil wala ka ngang susi. Tsaka baka gabihin ako. May pupuntahan pa ko."

"Okay. Ingat." sabi ko at umalis na siya.

Naiwan ako sa bahay at nagbukas ako ng tv. Naabutan ko yung isang news update.

     Nahuli na ang ilan sa mga puganteng nakatakas noong nakaraang araw. Sa ngayon, lima pa ang patuloy pa ring pinaghahahanap.

Ang tindi naman ng natirang lima. Ano 'to, Hunger Games? Patagalan? Ililipat ko pa sana sa ibang channel pero biglang nagring ang telepono ko. "Hello?"

"Uy, asan ka? Gala tayo. Nakakatamad dito sa bahay." si Miks.

"Nasa bahay rin ako. Pero hindi ako pwedeng umalis. Nawala ni Manang yung susi sa bahay. Edi wala akong susi. Mamaya ako pa ang maunang makauwi dito. Nganga lang ako dito."

"Edi ako na lang pupunta diyan. Nood tayong sine. Sama ko si Snow. Ayain mo rin si Seff." pagkabanggit niya ng pangalan ni Seff, bigla kong naalala nung bago kami naghiwalay.

"B-Bakit ko naman iimbitahin yun?"

"Ugh. Ano ka ba naman Reia? Hindi mo man lang ba siya tinuturing na kaibigan natin?"

"Ehh." ngiwi ko.

"Bahala ka. Kung hindi mo siya iimbitahin, ako mag-iimbita."

"Hoy, ayos ka ha? Bahay ko to teh." sabi ko pero binaba niya kaagad. Bruhang yun.

Maya-maya, may narinig kaagad akong kumatok. Ang bilis naman nila? Lumapit ako sa pinto.

"Sino yan?"

"Si Seff 'to." dali-dali ko siyang pinagbukasan ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito? Ang bilis mo naman yatang makarating. Kakababa lang ni Miks ng telepono niya ah." pagtataka ko.

"Huh? Pumunta ako rito ng kusa." nagtataka rin niyang sabi.

"Bakit naman?"

"Narinig ko kasi yung sa mga pugante. Baka mamaya pumasok dito. Malapit pa man din."

"Bakit mo naman gagawin yun?"

"Uhh, because I'm your friend?" Ouch. Ewan ko. Parang may kung ano sa puso ko ang naramdaman ko. Magkakameron na nga yata ako.

Pinapasok ko siya sa bahay at umupo siya sa kinauupuan ko kanina. Nilipat ko yung channel sa mga movies. Horror yata yung palabas. Ang creepy ng filter ng camera eh. At dahil takot ako sa mga horror, umalis kaaad ako at ikinuha ng juice si Seff.

"Ano namang gagawin mo dito?" tanong ko habang nasa kusina ako.

"Ewan. Wala na bang ibang palabas? Napanood ko na 'to eh."

"Ilipat mo." nang marinig ko nang nag-iba na yung tunog ng tv, lumabas na ako ng kusina at ibinigay ang juice niya. "Oh."

Uminom siya ng kaunti roon. "Siya nga pala? Asan si Jo?"

"Ha? Ah, oo. Wait. Kukunin ko lang sa taas." I gave a 'wait' sign at umakat sa taas. Nang nakuha ko na si Jo, baba na ko pero nagulat ako nang makita ko na si Seff.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Tinigtignan ko lang ang kwarto mo." inosente niyang tanong.

"Aren't you aware of the word 'privacy'? So, if you please, get out." I pointed the door going outside. Pumunta na siya sa direksyon iyon kaya pinulot ko na si Jo na nahulog sa sahig dahil sa pagkagulat ko kanina.

Paglingon ko, nabuksan na niya yung pinto ng banyo ko na katabi lang ng mismong pinto ng kwarto ko. Ayun ba yung pagkakaintindi niya?!

Sisigawan ko pa sana siya pero napansin kong may nakita siya sa banyo ko. Yung kalat ko sa salamin ko. Isang basag na salamin na may malaking nakasulat na "SELFISH COWARD". Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumakbo papunta sakin na para bang takot na takot siya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? May problema ba?" sunud-sunod niyang tanong sa akin at chineck ang katawan ko. 

Tinignan niya ang lahat ng dapat niyang tignan. Chineck kung may sugat ako o di kaya may sakit ako. Sa huli, nakita niya ang sugat sa kamay ko na ginamot niya dati--na ngayon ay naging peklat na. Dahan-dahan siyang lumingon sa likod niya kung nasaan yung alamin. Parang may binubuo siya sa isip niya.

"Doon ba galing 'to?" tanong niya sa akin. So he discovered yet another part of my lies? 

Hindi ako makaibo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Masyadong mahirap para sakin ang sabihin ng ganun kadali ang pinaghirapan kong itago.

"Tinatanong ko kung doon nanggaling 'to!" sigaw niya habang hinahawakan ang magkabila kong balikat. Ang higpit ng hawak niya. Kakaiba yung tingin niya sa akin. Nalulungkot. Natatakot. Nag-aalala. Nagmamakaawa.

"S-Seff, nasasaktan ako." sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa balikat ko pero hindi siya nagpapatinag. Nag-iba na ulit ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Nasasaktan siya.

"Are you still...trying to take your own life?" dahan-dahan niyang tanong. It looks like he's hesitating.

Nagulat ako sa sinasabi niya. Mas lalo akong nahirapan kung sasagutin ko ba siya o hintayin siyang huminahon at umalis na lang katulad ng palagi niyang ginagawa. Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa mga balikat ko at kamay ko naman ang hinawakan niya.

"Please, Reia. Answer me. I can't stand seeing you in pain all by yourself. Kahit yung tungkol lang sa salamin. Okay na sakin. Please lang, Reia." pagmamakaawa niya.

Hindi ko mapigilan na umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ako. Hindi ko alam kung tatagapin niya ba ko kapag sinabi ko ang dahilan ng pangyayaring ito.

"Reia.. please. Promise, wala akong pagsasabihan katulad nang palagi mong sinasabi."

"H-Hindi ko masabi. Natatako-"

*Ding dong*

And just like that, I was saved by the doorbell.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon