"Hey,"
Naalipungatan ako sa boses na narinig ko sa tabi. Pagkatingin ko, si Seff iyon. Napaupo kaagad ako kahit medyo nahihirapan pa ako. "Anong nangyari?"
"Tinanong lang nila ako kung nasaan ako ng mga oras na maari raw akong nakipag-usap kina Ross para makipagsabwatan. Sinabi ko kung nasaan ako at napatunayan naman yun. Hindi naman siguro ipagpipilitan ng Daddy mo na naging kasabwat ako." ngumiti siya ng malungkot.
Tinignan ko ang mga mata niya. Nandoon pa rin yung takot na nakita ko nung huli. Kahit na ngumingiti siya, alam kong nadoon pa rin ang pangamba sa kaloob-looban niya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"'Wag kang mag-alala. Kakausapin ko si Daddy para itigil na niya ang lahat ng ito." sabi ko kahit na wala akong kasiguraduhan sa magiging kalabasan. Napatingin ng diretso sa akin si Seff.
"Paano kung pagbantaan ka nanaman niya? Okay nang ako na lang ang lumaban sa kanya. Hindi ko hahayaang gumawa ka nanaman ng kung ano para lang maprotektahan ako."
"Ayoko. Prinotektahan mo na ko dati kaya ako naman ang gagawa ng paraan para suklian yun." pagmamatigas ko.
"Pwede ba, Reia. Simula nung nalaman ko ang sitwasyon mo, pinangako ko na sa sarili kong proprotektahan kita kaya 'wag mo akong pigilan, okay? Isa pa, ayoko namang mapahamak ang pinakamamahal ko." napayuko siya.
Hindi ko napigilan na napangiti. Alam kong nasa seryosong sitwasyon kami ngayon pero nagawa niya pa rin akong mapangiti sa sinabi niya. Aaminin ko, kinilig ako. Sino ba namang hindi kikiligin dahil sinabihan siya ng mahal niya na pinakamamahal niya rin siya?
"Oh, ano namang nginigniti-ngiti mo diyan?" tila nagtatampo niyang tanong.
"Opo, hahayaan ko pong gawin niyo ang paraan niyo. Pero 'wag mong isipin na hindi ako mangingielam. After all, kami naman ni Daddy ang nag-umpisa ng gulong 'to." napatigil ako. "Asan nga pala sina Miks?"
"Pagdating ko dito, sinabi kong umuwi muna sila dahil mukhang na-stress sila sa mga nangyari. Sinabi kong ako muna ang magbabantay sa'yo. Teka, di ba dapat iba muna ang tanungin mo?" sabi niya nang mahulugang tumingin sa akin.
"Ha? Ano namang itatanong ko?" nagtataka kong tanong.
"Wala." napayuko siya at rinig kong bumulog, "Bakit ba ang manhid mo? O nagmamanhid-manhidan ka lang?"
"May sinasabi ka ba?"
"Sabi ko, magpahinga ka muna. Iiglip lang din muna ako." sabi niya sa tumayo pero tumigil lang siya dun sa kinatatayuan niya.
"Bakit? Akala ko iiglip ka?"
Hindi ba kasi dapat sa sofa siya didiretso? Bakit nakatayo lang siya doon? Ano nanaman bang tumatakbo sa isip nito? Na-abno nanaman yata.
"Tabi." sabi niya at pinapausog ako sa pwesto ko pero nakatingin lang ako sa kanya at nagtataka. Pero alam kong gusto niyang tumabi sakin. Inaasar ko lang. Pati yung sinasabi niya kaninang dapat kong itanong, alam ko. Ang cute niya lang kasi ma-asar. Sinusulit ko na.
"Eto na nga, sa sofa na nga ako iiglip eh." sabi niya na mukhang nainis na at tumalikod na para pumunta sa sofa pero hinila ko siya pahiga dun sa kama. Nakatulala lang siya sa akin.
"Ang cute mo talagang ma-asar." nakanigisi kong sabi at tumabi na rin sa pagkakahiga niya.
Magkaharap kaming dalawa at kahit na medyo masikip, natuwa naman ako dahil nagkaroon ako ng dahilan para mas lumapit sa kanya. Ganito ako kapag na-inlove. Iga-grab lahat ng chances mapalapit lang sa mahal ko.
Narinig kong napatawa ng mahina si Seff. "Ganito ka pala ha. Hindi ko akalaing ang isang introvert sa umpisa ay ganito ka-landi kapag na-inlove."
"Grabe ka. Hindi ako malandi, uy. Hindi kasi tayo nagkikita lately kaya sobrang namimiss kita. Sa'yo at sa'yo lang ako ganito at magiging ganito." sabi ko at mahina siyang tinulak sa parte ng puso niya gamit ang hintuturo ko.
Umayos siya ng pwesto at ngayon, naging unan ko na ang braso niya. Mas malapit na rin kami sa isa't-isa.
"Mahal na mahal kita kaya 'wag kang mawawala sakin ha?" bigla niyang sabi. Napangiti ako.
"Hindi ako mawawala sa'yo dahil hindi ko hahayaang mawala rin sakin ang mahal ko." napangiti na rin siya. "Seff,"
"Hmm?"
"Mukhang hindi muna magiging payapa ang buhay natin dahil sa sitwasyon, pero 'wag mo kong bibitawan ha? Takot na akong may mawala nanaman sakin."
"Hinding-hindi kita bibitiwan."
Lumapit ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ang noo ko. Napapikit ako at sumandal sa dibdib niya. Naririnig ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya. Niyakap niya ako nang mahigpit at naramdaman kong dinalaw na ako ng antok. Bago ako tuluyang makatulog, humuling ako ng isang bagay. Sana hindi na matapos ang masayang pangyayaring ito.
BINABASA MO ANG
My Suicidal Partner
RomanceSabi nila, ang tanging paraan para mawala ang iyong mga pagsisisi ay ang gawin ang nararapat. Pero paano kung ang tadhana na mismo ang may gustong magdusa ka? Na hayaan kang walang magawa? Si Reia McRinne ay nasa huling baitang na sa Senior High n...