Chapter 5

80 5 0
                                    

[REIA's POINT of VIEW]

"-ia. Reia. Gising na."

"Mmmm.."

"Sige ka, kapag hindi ka pa bumangon, sasabihin ko kay Seff na may gusto ka sa kanya." nang sabihin iyon ni Miks, tuluyang nagising ang diwa ko at napabangon.

"Wag ka nga."

"O siya, maligo ka na at magaalmusal na daw tayo."

"Sige."

Sa pagpasok ko sa banyo, saka ko naalala yung nangyari kagabi. Hay, napakatanga mo talaga, Reia. Nalaman niya ng ganun kadali ang pinakatatagong sikreto mo na ilang taon mo nang inililihim.

Naligo na ako at kumain na rin kaming lahat. Nakakainis nga eh, katapat ko pa sa upuan si Seff kaya halos magside view na ako sa pagkain para lang hindi ko makatamaan ng mata si Seff. Pagkatapos naming kumain, nagkaroon uli ng series of activities. Buti na lang dahil this time, group activities na. I can't stand doing things with that Seff.

At nung akala ko magiging okay na, saka naman kami nagkaroon ng activity kung saan kailangan naming magshare sa kapartner namin. Kahit saan daw kami pwedeng pumwesto kaya dinala ako ni Seff sa lugar kung saan kami nagkausap kagabi.

Tahimik lang kaming dalawa doon nang si Seff na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Yung tungkol kagabi, I-I'm sorry. I didn't mean to-"

"Kalimutan mo na lang." pagputol ko sa kanya. "Act as if it never happened."

"Pero-"

"Pwede ba? It's not like after learning about it eh may magagawa ka pa. It's my life so don't intervene." I glared at him.

"Gusto ko lang namang tumulong."

"Sinabi ko na di ba? The only way to help me by letting me die. Mahirap bang intindihin 'yon?" sabi ko at hindi na siya nakaimik. Bumalik ang nakakabinging katahimikan. Ilang minuto at lumipas at nagsalita na rin siya.

"Sige. Kung iyan ang gugustuhin mo." napatigil siya. "Now, hayaan mong ako naman ang magsabi ng deep dark secret ko para maging patas tayo." napatingin ako sa sinabi niya pero hindi ko rin naman iyon pinansin.

"Noong bata pa ako, inaabuso ako ng mga magulang ko. Though hindi naman araw-araw, parang occasional lang. Sa tuwing nakakainom sila, hindi nila ako itinituring bilang anak nila. May isang beses pa ngang muntik pa kong masaksak ng tatay ko dahil nadiskubre kong nagdodroga sila." napalingon ako sa kanya ng sinabi niya iyon pero nakitingin lang siya sa malayo at malungkot na nakangiti.

"Noong isang beses na nagkaroon ng drug raid, nahuli sila sa akto na nagdodroga. kaya ikinulong kaagad sila. Dahil na rin sa wala akong ibang mga kaanak, dinala nila ako sa ampunan. May isang mag-asawang Pilipino at Koreana na nag-ampon sa akin. Simula noon, nanirahan na kami sa Korea."

"Pero lumipas ang mga taon, naisipan kong bumalik dito sa Pilipinas para hanapin at pasalamatan ang mga magulang ko kahit na ganoon ang naging trato nila sa akin." tumingin siya sa akin na may lungkot sa kanyang mga mata.

"Ngayon may tanong ako para sa'yo. Alam mo ba kung paano ko nalalaman na nagsisinungaling ka?" dahan-dahan akong umiling.

"I was once like you. Kumapit ako sa kasinungalingan para lang mapagtakpan ang mga magulang ko. I keep telling my friends na okay lang ako kahit na puro pasa at sugat ang katawan ko dahil sa pambubugbog ng mga magulang ko sakin. Ayoko silang mapanagot dahil magulang ko sila. Dahil mahal ko sila." bumuntong hininga siya.

"We tend to hold on to lies to protect someone or even ourselves. It is the reason that makes it right or wrong."

"Why are you telling me this?" tanong ko.

"Because I want to know if your reason is worth a lie."

"And paano kung hindi?"

"Then I'll help you make it right. After all, yun naman ipinangako ko sa sarili ko. Help someone who is suffering from the consequences of a thousand--even a million lie." napatigil ako.

Gusto kong maniwala at pumayag sa inaalok niya pero hindi ko magawa dahil may parte ng utak kong sinasabing baka nagsisinungaling lang siya. After all, siya narin ang nagsabi na ilang beses na rin siyang nagsinungaling.

"Is that the truth?"

"Seriously, Reia? Gusto mo pa bang ipakita ko sa'yo ang mga peklat ng mga latay sa akin ng mga magulang ko na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin?" sabi niya in disbelief.

"Hindi ako yung tipo ng taong madaling maniwala unless may valid evidence." pagmamatigas ko.

"Oo na, eto na nga."

Bigla siyang tumalikod sa akin at itinaas ang shirt niya. Akala ko nga kung anong gagawin ng mokong na 'to eh. Nandoon pala ang sinasabi niyang ebidensya. May malalaking peklat sa likod niya na para ba itong mga hiwa. Pero may isa pa akong napansin. May tattoo siya na posas sa taas na part ng likod niya.

"Ano? Naniniwala ka na ba?" humarap na siya sa akin at inayos ang shirt niya.

"Oo..pero hindi ibig sabihin nun, tatanggapin ko na yung alok mo."

I'm the one who put myself in this hell, I should be the one who helps myself out.

"Bakit naman?"

"I have my reasons."

"Sige. Pero para malaman mo, hihintayin ko pa rin ang sagot mo. This time, hindi na kita kukulitin. Hahayaan kitang ikaw mismo ang lumapit." sabi niya habang nakangiti at umalis na.

My Suicidal PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon